Chapter 29

36 4 1
                                    

Chapter 29

Rason

"Tama na nga 'yan!" Jackson stole the glass of vodka out of my hand. I glared at him. "Iuuwi na kita, lasing na lasing ka na o! Kakagaling mo lang sa hospital, Vana." Ayon na naman ang nangangaral niyang tinig.

"Akalain mo naman HAHAHAHAHA." Humalakhak pa ako at humilig sa backrest ng upuan ko. "Dati ikaw yung broken at iiyak iyak sa harap ko! Tapos ngayon ako na? HAHAHAHAHA bestfriend goals! Pareho tayong iniwan! Apir!" Kinuha ko ang kamay niya para pagtabigin ang kamay namin, ayaw makipag high five e! Kj nito.

Muli akong lumaghok.

"Vana, that's enough." He said seriously.

Pumangalumbaba akong tumingin sa stage na naroon. "No, I'm not enough." Napanguso na ako handa na namang umiyak.

"Pfft. Sige bahala ka. Pasalamat ka hindi kita masasamahang magdrama dyan dahil kailangan pa kitang iuwi ng mabuti sa inyo." Nilingon ko siya, nakahalukipkip narin  siya.

"Ok lang 'yan baka mas madagdagan lang ang problema ko dahil sa'yo." Tumawa ako at muling tumungga.



"Oh! You're here!" Napalingon naman kami sa nagsalitang iyon, si Sylvie. Bumilis ang tibok ng puso ko at tumaas bigla ang dugo ko hanggang sa ulo ko. "Small world no? How's the feeling, Vana?" Sarkatikong tanong  niya pa at pinaglaruan ang kaniyang buhok. "Mukhang masaya ka?" She chuckled, maarte pa siyang napatakip ng bibig. "O baka naman nasasaktan ka. Masarap bang masaktan?"

"Shut the fvck up, Sylvie!" Tumayo na si Jackson at akmang hihilain pa si Sylvie pero nagmatigas ito.

"Don't touch me, Jackson!" Mataray niyang asik dito, muli nya akong hinarap. "How's the feeling of being broken, Vana? Is it fun? Or is it hurt?" Nilapit niya ang ulo sa akin, kuyom na kuyom na talaga ang palad ko! "Alam mo dapat— AHHHH ANO BA!" Napahiyaw siya nang walang alinlangan kong hablutin ang buhok niya!

Napatayo ako at mas diniinan ang pagkahablot sa kaniyang buhok. "Alam ko na dapat ay patayin na kita sa ngayon." Nanggigigil pang sabi ko.


"Vana, that's enough—" Jackson tried to stop me but he just failed, I pushed him.

"Sino ka para siraan ako, huh!" I couldn't help to control myself! Umiinit ang dugo ko ay halos sakupin nito ang buong sistema ko! I raised a voice to her that made her shocked. "Nananahimik ako tapos sisiraan mo ako?!" Muli siyang napahiyaw nang mas diniinan ko muli ang pagkahablot sa buhok niya, pilit pa niyang binabawi ang buhok pero hindi niya ito magawa. "Sabihin mo! Anong ginawa ko sa'yo!" Napapikit pa ako sa galit.

"You just stole Jackson from me! Siniraan mo ako sa kaniya—ahhh!"


"Ang kapal ng mukha mong malandi ka!" Iyon na ang pinakagalit kong sigaw, nanggigil na at halos makalbo ko na ang buhok niya sa higpit ng pagkakahablot ko sa kaniyang buhok. "Anong alam mo hah! Anong pinagsasabi mo!" Hinila ko ang buhok niya at mabilis naman siyang natumba dahil sa pagkawalan ng balanse, agad akong pumaibabaw sa kaniya. Sinakal ko sya... "You bitch!" I screamed out of frustration.

"Vana tama na!"

"Pitawan mo ako Jackson!" Asik ko at buong pwersa ko pang itinulak si Jackson dahilan para mapaupo ito sa sahig. Muli kong sinakal si Sylvie na ngayo'y hirap na hirap na sa paghinga. "Alam mo ba kung ano ang pinagdadaanan ko! You just ruined my relationship! Nang dahil sa'yo nagkakaganito ako! Kung hindi mo ako siniraan ay hindi sana ako naghihinagpis ngayon!" Sigaw-sigaw ko sa mukha niya at binigyan siya ng ilang ulit na sampal.

"I-It's n-not my f-fault—"

Bago ko pa man siya muling masakal ay may humila na sa akin palayo kay Sylvie.

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon