Chapter 22

38 3 2
                                    

Chapter 22

First love

SOBRANG saya ang naramdaman ko nang malamang mag kaibigan pala ang nanay namin ni Shoky. We didn't expect it, at dumagdag pa ang magandang pakiramdam sa akin sa tuwing pinupuri niya ang ganda ko. At sa tuwing pinupuri nya kaming dalawa ni Shoky na bagay kami. Palagi rin niya kami inaadvice-an na panatilihin naming strong ang relationship namin kahit malayo kami sa isa't isa.

"Kamusta ka?" Maligayang tanong ng Mama ni Shoky kay Mama, bahagya pang inilapit ang sarili upang masilayan ng maayos si Mama. Ramdam ko ang pananabik sa kanilang dalawa.

Tumili si Mama. "I'm fine! How are you, sis?"

Nakangiting umiling si Mommy ni Shoky. "Eto... maayos na maayos na. By the way, kumare na pala kita!"

"Oo nga e, akala ko nung una ay talagang magka-apelyedo lang talaga kayo ng batang 'yan." Itinuro ni Mama si Shoky. "Hindi ko talaga ineexpect na anak mo pala talaga siya!"

Mommy Zaliah chuckled. "Hindi mo ba namukahan?"

My eyes narrowed, pinaghambing ko ang kanilang mukha, ni Shoky at Mommy Zaliah. Si Shoky at ang mommy niya ay hindi gaanong magkamukha, ngunit ang mata ni Mommy Zaliah ang kuhang kuha ni Zyaire.

"Hindi siya nagmana sa'yo, sis." Tugon naman ni Mama.

Nakita kong unti-unting napawi ang ngiti ni Mommy Zaliah, ngunit mabilis din siyang ngumiti ulit. "Syempre sa ama talaga siya nagmana."

"Bakit ba hindi ka na lang nag-asawa ulit? Sure akong marami namang nakapila sa'yo."

Mommy Zaliah smiled. "Matanda narin ako, Sis. Marami nga pero talagang pagod na ako dyan sa love life. Tama na siguro ang isa HAHAHA. Tsaka dalawa na lang din ang priority ko ngayon. Ang anak ko at ang trabaho ko."

Nasa ibang bansa pala nagtatrabaho ang Mommy ni Shoky kaya minsan na lang din ito umuwi. Kadalasang dahilan ng paguwi niya ay sa tuwing may okasyon, katulad ng kaarawan ni Shoky.

Nung gabing kaarawan ni Shoky ay nagpahanda pala ito kahit hindi naman ibig na ipagcelebrate ng anak ang kaniyang kaarawan. Pero dahil daw gusto nitong bumawi para sa anak ay nagpahanda ito ng hindi naman ganoon ka-en grande.

Nagkausap din kami ng mga kaibigan ni Shoky including Kelly. Nakakatuwa nga silang lahat. Kumpleto silang magkakasama sa kaarawan ni Shoky.

"Vana!" Tili ni Shin nang makita ako sabay kaway.

"Hi Vana!" Nakipagkaway din silang lahat sa akin.

Nasa iisang mesa silang lahat at wala roon si Shoky cuz he's little busy, iniintertain ang kanyang bisita. Tsaka nagkausap rin naman kami at gusto akong kausapin ng mga kaibigan niya.

"Vana, I'm gonna tour you para feel mo kasama ka namin." Shin smiled at me.

Gaya nga ng sinabi niya ay gi-tour nila ako, kasama niya si Kelly. Ipinakita nila ang design ng venue at ang mga pagkain sa buffet. Maraming handa. At nakikita ko ring napakaraming bisita. Nakakainggit dahil hindi kami kasama sa kanila.

"O eto na pala si birthday boy!" Ipinakita sa akin ni Shin si Shoky na papalapit sa amin. Iyong kahit malayo siya ay talagang napaka-stunning niya. Ang gwapo niya at hindi nakakasawa. Gusto ko na lang na parati akong nasa tabi niya para bakuran siya dahil sa napakagwapo niya. For sure andaming nakapaligid sa kaniyang babae.

Ang ngiti ni Shoky ang unang tumambad sa akin nang ibigay sa kaniya ni Shin ito. "Sorry, napakaraming bisita. Pinaghandaan talaga ni Mommy ito."

I nodded, "I understand. Since I enjoyed. Nilibot ako nina Kelly at Shin."

Love Stranger [SAN BERNARDO SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon