Sabi nila ang "LOVE", hindi raw yan hinahanap dahil kusa na lang daw itong darating.Oh well, yon ay sabi lang nila.
Pero sa sarili kong pananaw, hindi ako naniniwala sa kasabihan na yon.
Paano naman kasi ako maniniwala?
Eh halos oras-oras, hinahanap ko sya. Halos araw-araw, hinihintay ko sya.
Sabihin na natin na puno ako ng pag-asa na babalik sya, na babalikan nya ako. Dahil nga alam kong may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.
Nasan na kaya siya?
Nasan na kaya yung taong matagal ko ng hinahanap?
Matagal ng hinahanap ng puso ko.
Halos tatlong taon na kasi ang nakalipas pero di ko pa ulit sya nakikita.Namimiss ko na sya. Namimiss ko na yung maamong mukha nya. Lalo na yung matamis nyang ngiti sa labi.
Isang beses palang kami nagkakilala pero kakaiba agad ang naramdaman ko sa kanya.
Sa isang beses at isang gabing pagsasama namin ay minahal ko na siya.
Siya kasi ang unang lalaking nagligtas ng buhay ko at ang unang lalaking tinibok ng puso ko. Kaya hanggang ngayon, patuloy pa rin ako sa paghahanap sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...