Kabanata 29°

375 15 0
                                    

Chapter 29

Lance POV:

Matapos ang klase namin ay nagmadali agad akong ayusin ang aking gamit at pinuntahan ang classroom ni Ganda. Alam kong medyo iba ang pakikitungo nya sa akin kanina at medyo weird din sya.

Pero isa lang ang dapat kong gawin ngayon, ang kausapin sya ng masinsinan.

     
"Tina, si ganda? Andyan ba?", tanong ko kay Tina na papalabas palang ng classroom.
    
"Naku naman Lance, wrong timing ka. Kakaalis palang ni Steph. Ewan ko ba at nagmamadali nga eh. Di man lang ako hinintay.", tampong wika nito sa akin.
   

"Ganon ba? Sige, hanapin ko na lang sya.", paalam ko rito sabay alis na sa harapan niya.

Iba na talaga ngayon ang ugali ni Ganda.

Dati kasi, nagpapaalam yon kay Tina kung mauuna na ba sya o kung may pupuntahan sya.

Ano bang nangyayari sa kanya?

     
"Ganda!", sigaw ko ng makita ko si Steph na naglalakad patungo sa paborito nyang tambayan.Kaso hindi man lang sya lumingon na parang wala itong narinig.
   
"Ganda, tinatawag kita. Di mo ba naririnig ha?!", inis na sambit ko na sa kanya ng mahabol ko ang dalaga.
   
"Ano ba kasi ang gusto mo?", saad nito na may inis sa kanyang pananalita.
   
"Ikaw ganda. Ikaw ang gusto ko. Gusto kitang kausapin.", wika ko at hinawakan ang kanyang balikat.
    
"Yung totoo ganda, may problema ka ba?", tanong ko sa kanya at tinitigan ko mismo ang mga mata nito na kaagad nya namang iniwas.
     
"Wala.", matamlay na sagot ni Steph.
     
"Sinungaling. Alam kong may problema ka. Kilala ko na ang ugali mo ganda. Si Glen na naman ba? May ginawa ba sya sayo? O may sinabi sya sayo kaya ka nagkakaganyan?", pahayag ko sa kanya para paaminin sya.
    
"Ano ba Lance?! Wala nga diba? Wala akong problema. Pabayaan mo na nga lang ako.", saad nito at muling tinalikuran ako.

Isa lang ang sumagi sa isipan ko, wala na akong magagawa kundi gawin ang aking binabalak.

    
"Lance ! Ano ba! Ibaba mo nga ako!'Ano bang ginagawa mo?!", pagsisigaw nito sa akin habang pumipiglas.

Yes, kinarga ko sya.

Eto lang ang tanging sumagi sa isipan ko para makapag-usap kami.

At tama kayo ng iniisip, kikidnapin ko sya para lang makasama ngayong araw na to.

Steph POV:

     
"Lance ano ba?! I said put me down! Bingi ka ba ha?!", pagsisigaw ko sa kanya habang pinapalo ko ang likuran nito.

Nakakagulat naman kasi, bigla ba naman akong buhatin. At dahil sa ginawa nya, naagaw ang atensyon ng mga estudyante sa amin.

So it means, pinagtitinginan nila kami.

Shit!

Sana naman hindi kami makita ni Glen, baka kasi kung anong sabihin nito sa akin.
Dahil sa bilis ng pangyayari,
hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng kotse ng lalaki.

     
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Lance ha?", inis na tanong ko na rito.
     
"Kidnaping.", simpleng sagot nito na parang wala lang sa kanya yon.
     
"My ghad Lance! Bakit mo ba ginagawa to sa akin? Hindi mo ba alam na may klase pa ako.", wika kong muli.

Sa sinabi kong yon ay saktong pinaandar nya na ang kotse.

     
"Alam ko. Pero gusto ko lang na makapag-usap tayo ng masinsinan Ganda.", sambit ni Lance habang nakatingin sa daan.
    
"Ang kulit mo naman! Wala nga diba? Wala nga! Kahit pala wala, gusto mong sabihin kong meron?! Tsk.", asar na pahayag ko kasabay ng paghinga ng malalim.

Gusto nya talagang umamin ako at gusto nya talagang sabihin ko ang totoo.
    
"Dahil alam kong meron Ganda. Sa mata mo palang alam kong di ka nagsasabi ng totoo.", pagsasabi nito sa akin.

Naiintindihan ko naman si Lance. Masyado lang syang concern sa akin.

Pero ayoko naman sabihin sa kanya yung sinabi ni Glen dahil alam kong mas lalong magiging komplikado ang lahat.

Glen POV:

    
"Looking for her?", tanong ni Samantha habang kumakain ng sandwich.

Nasa canteen pa rin kami hanggang ngayon.

At alam ko naman na si Steph ang tinutukoy nya.
    
"Yeah.", tipid na sagot ko.

Hinahanap ko naman talaga ang babaeng yon. Gusto kong makita kung sinusunod nya nga ang bilin ko. Dahil kapag nakita ko muli na magkasama sila, hindi ko na alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.
    
"Hmm okay, baka naman kasama nya si Tina.", saad muli ni Sam.

Sana nga si Tina ang kasama nya.
Iginawi ko muli ang aking paningin sa kalooban ng canteen pero hindi ko talaga sya makita.

Hanggang sa naantig ang aking tenga sa dalawang taong papasok pa lang sa canteen.
   
"Ang sweet nilang tingnan noh? Bagay na bagay talaga sila Lance at Steph.", saad ng isang babae na may hawak na libro.
     
"Oo nga eh, parang nagshoshooting lang ang dalawa. Akalain mo, binuhat pa talaga ni Lance si Steph.", pasegunda naman ng kasama nito.

Tanging pagkuyom lang ng kamay ang aking nagawa.

Ang babaeng yon!

Ang landi talaga!

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon