Chapter 5
Steph POV:
Natapos ko na ring linisin ang gym.
At isa lang ang masasabi ko, nakakapagod.
Wala kasing mga sariling disiplina ang mga estudyante rito sa Agustin Academy.Tapon dito, tapon doon ang kanilang ginagawa.
Tsk. Naiinis tuloy ako.
Wala akong ibang sinisisi ngayon kundi si bola.
Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko to nararanasan.
Bwisit talaga sya!
But anyways, isasantabi ko muna ang galit ko sa lalaking yon dahil kailangan ko ng kumain.
Nandito na kasi ako sa bahay kung saan hindi ito kalakihan at simple lamang.Mayaman kami pero gusto kong maging normal lang ang buhay ko.
Ang daddy ko kasi, nasa Paris at inaasikaso ang bussiness namin.
Meron din naman kaming mansyon dito sa Pilipinas, pero bihira lang akong pumunta don.
Napatingin naman ako sa aking ulam which is ginisang pechay ang nasa lamesa.
Napangiti ako nang maalala ko si Mr.Mysterious. Eto kasi ang pinakain nya sa akin nung niligtas nya ako.
Natanong ko tuloy sa sarili ko kung kailan ko ulit siya makikita?
Sana dumating ang araw na pagtagpuin ulit kami ni Tadhana.
Ramdam ko kasi na nandito lang sya at malapit sa akin.Napagawi naman ang aking paningin sa kalendaryo.
December 3 na pala at malapit na ang birthday ko.
Pero bakit parang nalulungkot ako?
Siguro dahil sa hindi pa ako handa na makita ang magiging asawa ko.
Oo, sa araw kasi ng kaarawan ko nakatakda ang pagkikita namin ng aking fiance.
December 19 ang kaarawan ko na kung saan debut ko.
Debut na dapat masaya ako kaso hindi eh, hindi ko alam kung pano sumaya.
Kahit may pangangamba ay pilit ko itong iniwasan.
Tinuon ko na lamang ang aking pansin sa mismong pagkain.
And after kong kumain ay bumalik na ulit ako ng campus para maglinis ng boys c.r.
Nang makarating ako roon ay halos lumabas naman ang aking mata dahil sa mga abs na nakikita ko.
Marami kasing lalaki ang hindi man lang nakasuot na t-shirt.
Pero dahil good girl ako, minabuti kong maghintay na muna sa labas. Ayoko namang isipin nila na namboboso ako. Mahigit kalahating oras rin akong nakatayo bago may lumabas na tao.
Sa tingin ko, kakatapos lang nito maligo. Sumilip naman ako ng konti para tingnan kung marami pa ba ang naliligo.
And guess what?
Ngayon ko lang napagtanto na mga varsity player pala ang nasa loob mismo ng c.r.
"Hi Tisay! Hinihintay mo ba si Lance?", sulpot na tanong ng isang lalaki sa akin.
Kaya awtomatikong napalingon ako sa likod at kunot-noo ang naitugon ko rito.
"I'm sorry pero wala akong hinihintay. And lastly, wala akong kilalang Lance." sagot ko sa kanya.
Totoo naman ang sinabi ko.
Wala akong kilalang Lance.
"Suss deny ka pa dyan Tisay. Ibig sabihin di mo kilala yung kaholding hands mo kahapon?", manghang tanong ng binata.
Teka nga, si Bola na naman ba ang tinutukoy nito?
Wow naman! Famous pala ang taong yon.
"Wala akong kaholding hands kahapon! Hinila lang ako noh.", masungit na tugon ko.
"Ok sabi mo yan. Pero kung di mo pa kilala, ang lalaking sinasabi mo na nanghali sayo ay anak ng Principal dito.", wika nya sa akin.
So ano ngayon kung anak sya ng principal?
Anak lang naman sya ng principal-- anong-- anak ng Principal?
OMG! Ngayon lang nagproseso sa akin ang lahat.
Kaya pala ako lang ang binigyan ng punishment dahil anak nya si Bola?!
So unfair! Pero hindi! Hindi dapat ako matakot sa kanya.Hinarap ko naman ang lalaking to na may matamis na ngiti sa aking labi.
"Ganon ba? Then thanks for the information. Nga pala, andito ba sya?", tanong ko sa kanya na may pagkukunwari.
"Oo, andyan siya sa loob. Naliligo pa kaya hintayin mo na lang Tisay. Sige una na ako", paalam nito.
Nagpasalamat naman ako sa kanyang sinabi. Pero hindi ko na inatubling itanong ang pangalan non.
Kaya heto ako, pumasok na sa loob ng c.r nang tuluyan ng lumabas ang mga lalaki.
And this is it! Taste my sweet revenge Mr.Bola.Iginawi ng aking mata ang buong sulok.
At ganon na lamang ang aking ngiti na may makita akong pintura sa may gilid.
Pinipinturahan kasi ang isang c.r kaya sa tingin ko, may natira pang pintura.Nagdasal muna ako bago ko gawin ang aking binabalak.
Alam kong mali ito, pero kailangan kong turuan ng leksyon ang bola na yon.
Huminga na ako ng malalim at sinimulan na ang aking plano.
Isinabit ko ang pintura sa may itaas gamit ang mop na hawak ko.
And now, ready na ako sa mangyayari.
Lumapit na ako sa may pinto ng c.r kung saan naliligo ang binata.
Balak ko kasing takutin sya.
"Lance...laaannceeeeee...", pananakot ko ngunit parang hindi nya iyon narinig dahil sa lakas na tunog ng shower.
Okay, take two naman tayo.
Kakantahin ko naman ngayon ang theme song ng white lady.
"Ili-ili, tulog anay, wala ili, nimong nanay. Takudajenda, tubay papay. Ili-ili, tulog anay.", kanta ko rito.
Paulit-ulit ko yon na kinanta para matakot sya.
Hanggang sa nagulat na lamang ako ng------TUMAKBO SI MR.BOLA NA NAKABOXER LANG.
Hahahaha Potek!
Ang macho pala ni Mr.Bola!
At boom! Sapul!
Kawawang Bola, nabuhusan ng pintura.
Dahil sa naging itsura nito ay hindi ko napigilan na di tumawa.
"Hahahahahahaha.", isang malakas na tawa ang aking ginawa na halos mawalan na ako ng hininga.
"Grabe! Hahaha ang ganda ng view para akong nakakita ng estatwa sa luneta park hahaha.", natatawang saad ko.
"Ganda...", gigil na sambit nya.
"Yes, Mr.Bola? May sasabihin ka ba? Hmmm ngayon ko lang nalaman na ang taong tulad mo, takot sa multo.", pamimikon ko sa lalaki.
At sa pangalawang beses ay kinanta ko muli ito sa harapan nya.
"Ba-bye Mr.bola. See you bukas. Mag-ingat ka ha, kasi balita ko totoong may multo.", wika ko sa kanya at lumabas na ng c.r
Sa wakas, nakaganti rin ako!
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...