Chapter 25
Glen POV:
Pagmulat pa lang ng mata ko ay bumungad agad sa akin ang babae.
Nakahiga siya sa sofa habang nakatalukbong ang kumot sa kanyang katawan.
Yeah, si Steph nga.
I admit na mas lalo syang gumanda ngayon.
Pero wala na yatang epekto ang kagandahan nito sa akin.
Sa tuwing nakikita ko kasi ang pagmumukha nya, isa lang ang naaalala ko, si Jonathan.Napakuyom bigla ang aking kamao dahil sa naalala ko.
Napaka-close kasi namin ni kambal. Yung tipong halos lahat ng bagay ay nagkakasundo kami.
Alam nyo naman siguro ang pakiramdam ng maiwan diba?
Kaya hindi nyo ako masisisi kung hanggang ngayon ay hindi ko iyon makalimutan.
"Ahm, g-gising ka na pala.", sambit ni Steph nang makita nya ako.
Tumayo naman sya at inayos ang kanyang tinulugan.
"Halika na, bumaba na tayo. Sa tingin ko ay nasa baba sila dad at ang parents mo.", wika nito sa akin.
Walang ekspresyon ko naman syang tinitigan at ni isang salita ay wala akong sinabi.
Nauna na rin akong lumabas ng kwarto nya at bumaba na.
Tama sya, nasa baba na nga ang dad nya at ang parents ko na busy sa pagkekwentuhan habang nag-aalmusal.
"Oh Glen, goodmorning. Kumusta yung tulog mo?", tanong ng dad ni Steph.
"Ayos naman.", tipid na sagot ko at umupo na ako sa aking pwesto.
"Nga pala, pakatapos kong mag-almusal ay may pupuntahan lang ako.", paalam ko sa kanila sabay subo ng sandwich.
"Saan naman yun, anak?" kaagad na tanong ni mom.
"Kila Samantha. May sakit kasi si Angel, so she needs me.", sagot kong muli at tinuloy ko ang pagkain.
"Yun naman pala, pero pwede mo bang isama si Steph, anak? Kasi aalis kaming tatlo at aasikasuhin na namin ang kasal nyo.", pahayag ni dad na syang ikinatigil ko.
At saktong sa sinabi ni dad ay nasa baba na rin si Steph.
"Yeah of course dad, pwede naman. At kung mamarapatin nyo ay pwede ko syang isama sa condo ko ng sa gayon masanay na sya.", susuhestyon ko rito.
"Oo naman Glen, walang kaso sa akin yon. Pero tanungin na muna natin kung papayag ba ang anak ko.", wika ng dad ni Steph sabay baling nya sa dalaga.
Kaya awtomatikong tiningnan ko si Steph para sabihin na pumayag sya.
"Ahm ahh, o-oo naman po dad." nangangaratal na sambit nito.
Sa sinabi nyang yon ay nabuo ang mala-demonyo kong ngiti sa aking labi.
Steph POV:
"So pano my princess, maiwan muna kita kay Glen. Don't worry, I know that Glen will take care of you. May tiwala naman ako sa kanya."
"---At nga pala, yung mga kaibigan mo sa Paris ay nag pa-bookflight na agad kasi meron pa silang klase.", patuloy na wika ni dad.
"Okay dad. Naiintindihan ko naman sila.", simpleng tugon ko rito.
"Oh pano yan Steph and Glen, mauna na kami ha.", pagpapaalam ng ina ng binata at sabay na silang tumayo.
"Okay mom, ingat." sambit ni Glen sabay beso sa kanyang nanay.
Tanaw na lamang namin ni Glen ang aming magulang na papalabas ng mancion.
"Ano pa bang tinutunganga mo dyan? Mag-impake ka na.", lingon na pahayag ni Glen sa akin.
"P-pero Glen, hindi pa ako tapos kumain.", saad ko rito.
"Wala akong pakialam. Basta sundin mo na lang ang gusto ko. Dalian mo.",wika nito sa malamig na boses.
Kaya awtomatikong napatayo ako at tumakbo patungo sa kwarto para iimpake ang aking mga gamit.
Matapos kong mag-impake ay dumiretso na ako sa baba.
Nauna nang pumasok si Glen sa kanyang kotse at hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Marami sana akong gustong itanong sa kanya pero nangunguna ang aking takot na magsalita.
Binalutan tuloy ng katahimikan ang loob ng kotse. Kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang sulyapan sya ng palihim.
Mga ilang minuto rin ay nahinto kami sa isang condo.
Ito na siguro ang condo ni Glen.
Gaya kanina ay nauna ulit na lumabas si Glen at nauna rin syang pumasok sa loob."Ahm Glen, wait?!", pagpipigil ko rito na kanya namang ikinatigil.
"P-pwedeng pakitulungan akong magdala nito? Ang bibigat kasi.", hinging tulong ko mismo sa kanya.
Kanina kasi ang pinabuhat ko ng mga damit ko ay ang guard namin kaya hindi ako nahirapan.
"Hindi ako utusan dito para utusan mo.", cold na saad nito at nagsimula na muli syang humakbang papasok.
"Aray!", baing ko ng matumba ako.
Hindi ko kasi naibalanse ang katawan ko sa pagbuhat ng maleta dahil masyadong mabigat nga ito.
"Ano ba naman yan Steph! Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat, yung tatanga-tanga sa pamamahay ko!", nakakatakot na sambit niya.
Hindi man lang ako nito tinulungan na tumayo sa halip ay iniwan akong nakaupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
Fiction généraleSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...