Chapter 32
Steph POV:
Today is our wedding!
Ikakasal na ako kay Glen.
Nakakalungkot nga lang dahil hindi ko man lang naimbitahan sila Tina at Lance.
Alam ko naman kasi na ayaw ni Glen na makita ito, lalong-lalo na ang binata.
Pero nagtataka ako nung makita ko si Samantha na invited din pala sa kasal ko.
Sa west lang gaganapin ang aming wedding pero pakiramdam ko nasa simbahan pa rin ako.
"I may now, announced you, as a husband and wife. You may now kiss the bride.", sambit ng pari matapos ang mahabag misa.
Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng puso ko. Parang may karerang nagaganap sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.
Unti-unti namang nilapit ni Glen ang kanyang labi sa labi ko hanggang sa maglapat na ito.
Ang halik nya, sobrang kakaiba sa halik na ginawa nya sa debut ko.
Nagtagal ang halikan namin ni Glen ng pitong segundo.
Ewan ko nga at binilang ko pa talaga kung ilang segundo yon.
Nagsipalakpakan naman ang mga taong nandirito mismo sa kasal ko.
"Congratulation Steph.", sambit ni Samantha sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
Tinitigan ko muna sya dahil gusto kong basahin ang sinasabi ng mata nya.
Parang awkward ng lahat, lalo pa't iniisip ko na may relasyon sila ng lalaking pinakasalan ko.
"Kung iniisip mong may relasyon kami ni Glen, wag kang mag alala, magkaibigan lang kaming dalawa.", wika nito na parang nabasa ang nasa isip ko.
"ah hehe.", nahihiyang saad ko tuloy.
"I'ts okay. Siguro dahil lagi kaming magkasama ni Glen kaya napagkakamalan kaming may relasyon. But Steph, can I have a favor?", pahayag nito sa akin.
"Oo naman. Ano iyon?", tanong ko sa kanya.
"Wag mo sanang susukuan si Glen, Steph.", saad ni Samantha sa akin na alam kong seryoso ito.
Napatango naman ako sa kanyang sinabi.
Yun naman talaga ang gagawin ko, ang pahabain ang pasensya ko para hindi ko magawang sukuan sya."Thank you, Steph.", ngiting sambit niya at bineso ako.
Nakita ko naman si Glen na kinakausap ni dad at ng kanyang mga magulang kaya nagpaalam ako kay Samantha na pupuntahan ko muna ang asawako.
Pero tila nakalunok yata ako ng bato dahil saktong narinig ko ang sinabi ng ama ni Glen.
"Anak, gusto kong apo ay lalaki ha?", pagbibiro nito.
Shit! Kahit biro lang yon, nagsitaasan pa rin ang balahibo ko.
Matapos ang kasal namin ay tumungo na kaming dalawa ni Glen sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng asawa ko ngayon.
Salitang HONEYMOON, ang agad na sumagi sa isipan ko nang makita ko ang kabuuan ng hotel na matutulugan namin ni Glen.
"Ano pang tinutunganga mo dyan?! Pumasok ka na at may mahalaga pa tayong gagawin.", seryosong wika nito sa akin.
Ano ulit yon? May mahalaga kaming gagawin?
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga oras na to. Baka kasi totohanin nito ang pabirong sabi ng dad nya.
"Ahm ah ligo muna ako kasi ahm you know hehe.", nahihiyang paalam ko sa kanya at kumaripas na ako ng takbo papuntang banyo.
Kung gagawin namin ito ngayon, maaaring mabuntis ako.
At kapag nabuntis ako, magiging nanay na ako.
Hays! Hindi pa ako ready na manganak."Steph, dalian mo na maligo!", rinig kong sigaw ni Glen sa labas.
Excited na yata syang makabuo kami ng baby.
Nagtagal ang aking pagliligo ng kalahating oras at naisipan ko na ring lumabas.
Nakita ko namang nakahiga si Glen na animo'y handa na syang matulog."Inayos ko na ang lahat. Masyado ka kasing matagal maligo kaya ako na mismo ang naghati nyan. Hinati ko yung matutulugan natin dahil ayokong makatabi ka. At yang iniisip mo, kailan man hindi yan mangyayari.", mahabang litanya nito sa akin.
"Eto ang tandaan mo, hindi tayo nagmamahalan. Kasal lang tayo sa papel.", patuloy niyang sabi.'Kasal lang tayo sa papel'
'Kasal lang tayo sa papel'
Tila paulit-ulit na tumatak sa isip ko ang katagang sinabi nya.Dahan-dahan na akong humiga sa kama.
Maraming unan ang humahati sa gitna ng hinihigaan namin para hindi nya ako makatabi.
Pakiramdam ko tuloy, may malubhang sakit ako na nakakahawa.Bakit sya ganyan?
Bakit palagi na lang malamig ang pakikitungo nya sa akin?
Hindi ko namalayan,napaluha na naman ako.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...