Kabanata 36°

372 11 1
                                    

Chapter 36

Steph POV:

Maaga akong nagising ngayon para paglutuan si Glen.

Ayoko naman kasi na kapag gumising ulit sya, wala pang almusal na nakahanda.

Alam nyo na, masyado syang cold sa akin.

Siguro ugali nya na talaga yon, and besides alam ko naman na resposibilidad ko na lutuan sya dahil nga mag-asawa na kami.

Chineck ko lahat ng ingredients kung kompleto na ba ito.

And yes, kompletong-kompleto na.
Macaroni soap ang gusto kong iluto para sa kanya.
Ewan ko ba at ito yung pumasok sa isipan ko.

Mga ilang minuto ko rin yon niluto at heto na nga't tapos na.

"Hmmmm, sarap.", sambit ko ng tinikman ko ang aking linuto.

Saktong-sakto, gising na rin si Glen kaya masaya akong lumingon sa kanya.


"Tsk. Ano bang linuto mo at ang baho yata.", inis na saad nito habang hindi maipinta ang mukha.

"Ahm, macaroni soap Glen.. Linuto ko para sayo.", wika ko sa kanya para kahit papano mabawas-bawasan ang pagkainit ng ulo nya.


"Linutuan mo ako ng amoy basura?!", pagalit na tanong nito at di ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya.

"Hindi Glen. Hindi amoy basura to. Kainin mo, masarap naman eh.", kinakabahang saad ko at sasandok na sana ako ng macaroni ng bigla itong magsalita.

"Hindi ko yan kakainin.", malamig na sabi niya.

"Pero Glen, sayang naman.", wika ko sa kanya para tumikim sya ng luto ko.

"Kung nasasayang ka, edi kainin mo. Problema ba yon?! ", inis na sambit nito at dumiretso na sa banyo.

Nakaramdam naman ng lungkot ang aking puso. Yung kaninang saya ay napalitan ng simangot.

Pinagpaguran ko kasi to.
Gumising ako ng alas-kwatro ng madaling araw para lang mapaglutuan siya pero hindi nya man lang nagustuhan.

Bakit ba ganyan lagi sa akin si Glen?

Linigpit ko na ang macaroning hinanda ko at kumuha na rin ako ng walis tambo para maglinis.

Masyado pa kasing maaga para pumasok.
Syempre kahit papaano ay masipag pa naman ako.

Napahinto ako sa aking ginagawa ng makita ko si Glen na may dalang bag at naka-uniporme na.

Kahit uniform ang suot nya,
sobrang gwapo nya pa rin. At kitang-kita ko talaga ang kanyang matikas na pangangatawan.


"Ahm Glen, pwedeng sabay na lang tayong pumasok? Promise, bibilisan ko ang pagligo.", wika ko sa kanya ng humakbang ito palabas ng hotel.

Tiningnan nya naman ako ng nakakunot-noo.

"Nagpapatawa ka ba? Kapag nakita nilang sabay tayong pumasok ng campus, iisipin nila na magshota tayo.", malamig na saad niya sa akin.

"Hindi naman tayo magshota eh. Kasal na tayo diba? Kaya mag asawa na tayo.", sambit ko sa kanya kahit na may halong takot.

Ngumiti naman ito at unti-unting lumapit sa akin.

"Correction, kasal lang tayo sa papel at higit sa lahat mag-asawa lang tayo sa papel. In short, hindi asawa ang tingin ko sayo.", saad nya at mas inilapit nito ang kanyang mukha sa tenga ko.

"So don't assume na itatrato kita bilang asawa kasi hindi yon mangyayari. Kaya tandaan mo to, ngayong nasa puder na kita ako na ang masusunod. Maliwanag?!", patuloy nito at mas diniinan ang pagkabigkas ng bawat salita.

"O-oo", utal na tugon ko rito. Nakita ko naman ang pag-smirk nya sa kanyang labi.

"Good. So pano, welcome to the hell, my dear wife.", sambit nya sa akin na nagpatindig ng aking balahibo.

Ano bang gusto nyang iparating?

Na magiging impyerno ang buhay ko sa kanya?

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon