Chapter 8
Steph POV:
Parang ayaw ko ng bumangon sa aking pagkakahiga.
Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin na hawak ko.Ang pangit ko na.
Hindi na ako Dyosa.
Namamaga na ang aking mata tapos may eyebugs pa ako. Hayy, ang hirap palang mainlove. Ganito pala ang epekto ng pag-ibig kapag nasaktan ang isang tao.
Natigilan naman ako sa pagdadrama nang biglang magring ang aking cellphone.
Sino ba kasi ang tumatawag?
Kahit ayokong bumangon ay napabangon pa rin ako para sagutin ang tawag.
"Hello?", matamlay na sambit ko ng masagot ko ang tawag.
"Stephanie Gab, wala ka bang balak na pumasok?!", sigaw agad ni Tina sa kabilang linya.
Mukhang masisira yata ang eardrums ko sa babaeng to.
"Masakit kasi ang ulo ko Tina.", pagdadahilan ko na lamang. Hindi ko muna sinabi sa kanya na nakita ko si Mr.Mysterious.
"Masakit ang ulo mo? Naku naman Steph, luma na yan na dahilan. Kung ako sayo, uminom ka ng gamot tapos pumasok ka, baka kasi nakakalimutan mo na di pa tapos yung punishment mo.", mahabang litanya nito at talagang pinaalala pa sa akin ang paglilinis.
"Oo na po Ma'am Tina,papasok na ako.", natatawang sambit ko.
Kung tutuusin kasi parang nanay kung magsalita ang bestfriend ko.
Nagmadali na akong mag-asikaso para pumasok na sa university.
"Kaya ko ito! Kaya mo ito Steph!", wika ng aking isip.
Alam ko kasi na makikita ko ulit si Mr.Mysterious sa campus.
Sa library na muna ako tumungo dahil wala pa naman kaming klase.
Eto na kasi ang susunod kong lilinisan kaya minamadali ko na.
"Goodmorning everyone.", magalang na bati ko sa mga guro .
Nginitian lang nila ako at sinabing keep quiet.
Inarrange ko na ang mga librong hindi nakalagay sa tamang lalagyan. Kinuha ko yung isang upuan at tumayo ako doon para kunin ang mga librong nasa itaas.
Shit! Ang bigat!
Hindi ko naibalanse ang aking katawan kaya nagsihulugan ang mga hawak kong libro
Napatingin sa akin ang mga guro at mga estudyanteng nagbabasa.
"Tsk.", rinig kong inis na sambit ng isang lalaking katabi ko.
Wait, may katabi akong lalaki?
Pagtingin ko sa aking kaliwa.
May katabi nga ako and guess what, si Mr.Mysterious.
OMG! Ibig sabihin, natamaan ko sya ng mga librong nagsihulog?
"So--", hihingi sana akong sorry sa kanya ngunit tumayo sya at iniwan ako.
Nakaramdam akong hiya sa aking sarili. Hindi ko alam pero sa mga titig nya, parang nasasaktan ako.
Tinuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Inayos ko ulit ang mga libro.
Bad day ang araw ko ngayon!"Goodmorning Ganda!", bati sa akin ng isang lalaki. Tsk, si Mr.Bola na naman.
"Ganda, bakit parang ibang-iba ang mukha mo ngayon?", puna nito.
Tiningnan ko naman sya sa mata sa mata."Nag-iiba lang naman ang mukha ko kapag nakikita kita, kaya pwede ba wag mo akong inisin dahil hindi maganda ang araw ko ngayon.", inis na wika ko sa kanya.
Ngumiti naman sya ng nakakaloko."Sus naman ganda, kelan ba naging maganda ang araw mo?", saad nito na may pang-iinsulto.
Grrr. Kailan ba ako titigilan ng bolang to?!
Ikinalma ko muna ang aking sarili bago magsalita.
"Siguro naman ay nakikita mo ang hawak hawak ko diba? Baka gusto mong mawelcome nito.", wika ko sa kanya sabay pakita ng makapal na librong hawak ko senyales na ihahampas ko ito sa kanya.
"Ganda naman, hindi ka ba naaawa sa gwapo kong mukha? Pwede kitang makasuhan nyan.", sambit nito sa akin.
"Kaso? At ano namang kaso aber?!", paghahamon ko sa kanya.
"Edi handsome abuse Ganda.", sagot nito with pagwapo effect pa.
"Asa!", sambit ko sa rito at kunwari ay nasusuka ako sa kanyang sinabi.
Oo na!
Gwapo naman talaga si Bola eh! Pero mas gwapo pa rin naman si Mr.Mysterious ehh.
But speaking off Mr.Mysterious.Bigla ko na namang naalala ang kanyang mukha. Kaya awtomatikong napahinto ako sa aking ginagawa.
"Oh anong tingin yan Ganda? Oiii, siguro crush mo na ako noh.", puna sa akin ni Bola.
Doon ko lang napagtanto na titig na titig na pala ako sa kanya.
Pero ano raw? Crush ko sya?
"Anong-- oi ha! Kapal mo! Hindi kita crush noh! At kahit kailan hindi kita magiging Crush!", sigaw ko sa mismong pagmumukha nito.
"Ssssshh...",pagpapatahimik sa amin ng mga nagbabantay sa library.
Inirapan ko na lamang si Bola at maya-maya'y umalis na ako sa harapan nya.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...