Chapter 51
Steph POV:
"Congratulation Misis,buntis ka."
Para akong natulala sa sinabi ng Doktor sa akin. Totoo ngang buntis ako.Nagbunga na ang ginawa ni Glen sa akin.
Pero teka, diba dapat masaya ako? Dahil magkakaroon na talaga kami ng pamilya ni Glen?Pero bakit ganon?
Bakit may halong lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na to?
Sa di sinasadya ay napaluha ako sa aking nalaman.
Hindi ko alam kung bakit at para saan ang luha na yon.
Matapos ko kasing talikuran sila Lance ay dumiretso na ako sa may hospital para magpacheck-up.
Buti na nga lang at naka-sibilian ako kaya hindi halatang estudyante pa ako.
"Misis, wag kang masyadong ma-emosyon. Baka maapektuhan ang bata sa sinapupunan mo.", paalala ng doktor sa akin.Tanging pagngiti na lamang ng bahagya ang naitugon ko sa doktor at binigyan nya naman ako ng receta at paalala para maging malusog ang pagdadalang tao ko.
Maya maya ay lumabas na ako dito.
Siguro karapatan ni Glen na malaman ito dahil magiging ama na sya.Pero paano kung di nya ito matanggap?
Paano kung pabayaan nya ako?Ewan ko ba, gulong-gulo na ako ngayon. Akala ko kasi okay na ang lahat eh.
Masyado tuloy akong naiistress kapag iniisip ko yon.
Nang makalabas na ako ng tuluyan sa hospital ay agad akong pumara ng taxi. Gusto ko ng umuwi sa tinutuluyan namin ni Glen.
Pero gayon na lamang ang pagtataka ng aking mata nang makita kong nakabukas ang pinto ng condo ni Glen at nasilayan ko rin ang kotse ni Shaira.
Awtomatikong kumabog ang aking puso habang humahakbang ako palapit sa loob ng condo.
Gusto kong makita kung ano ba talaga ang mga nangyayari mismo sa loob.
Hakbang...
Hakbang...
Hakbang...
Isang hakbang na lang at makikita ko na talaga ang kalooban ng buong parte ng condo.
At eto na nga, tuluyan na akong nakapasok sa loob.
"Ughh Glen. I love you. Ugh ahh hmm ahh.", isang pamilyar na ungol ang aking narinig.Isang ungol ni Shaira ang nangingibabaw sa condo. Parang natusok ng ilang kutsilyo ang aking puso ng makita ko ang kahayupan na ginagawa ni Glen at ni Shaira.
Magkadikit ang kanilang katawan at animo'y uhaw na uhaw sa mga halik.
Nagsi-unahan naman na bumagsak ang aking mga luha at hindi ko na ito napigilan pa.
Tiningnan ko sila pareho habang gumagawa ng milagro.
Hindi na nakayanan ng sarili ko kaya't napasanday na lamang ako sa pader.
Pangalawang beses na,pangalawang beses ko na silang nakita na ganito.
At ang pinakamasakit ay nakita ko sa mismong mukha ni Shaira ang pagngiti nito sa akin na may halong pang-iinsulto.
Gusto kong sabunutan ang dalaga para kalbuhin ang mga buhok nya pero wala akong lakas para gawin yun.
Ang sakit na eh!
Ang sakit-sakit na!
Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?
Ginawa ko naman lahat.Nagpakatanga ako dahil mahal ko sya. Pero ganito lang ang gagawin nya sa akin?
Kaso wala na yatang mas sasakit pa sa mga narinig ko.
Ang katagang iyon ang nagpagulo sa aking isipan.
"Ngayon na nabigay ko na ang gusto mo Shaira. Tigilan mo na ako. At sana tuparin mo yung pangako mo sa akin. Wag na wag mong sasabihin kay Steph ang totoo.", wika ni Glen dito.Dahil sa katagang yon ay nahudyat ang aking tenga na pakinggan ang lahat.
"Of course Glen. Don't worry, hindi ko sasabihin sa asawa mo na hindi ikaw si Mr.Mysterious.", masayang saad naman ng babae.Para akong nabuhusan ng pintura sa sinabi nito.
Ano raw?
Hindi si Glen, si Mr.Mysterious?
Hindi sya ang lalaking mahal ko?
Teka, paanong nangyari yon?
"Then good. Ayoko lang na iwan ako ng asawa ko. So kindly shut up your mouth, will you", inis na sambit ni Glen rito.
"Yeah sure, madali akong kausap Mr. Fake Mysterious.", pahayag ni Shaira muli.Matagal bago nagproseso sa aking isipan ang lahat.
Si Glen na akala kong nagligtas sa akin ay peke pala.
Si Glen na akala ko yung lalaking minahal ko ay hindi pala.
Ibig sabihin ba nito, simula't umpisa palang, niloko na ako ni Glen!Pero bakit?
Bakit nya yon ginawa sa akin?Napahawak naman ako sa aking tyan at sabay himas ko dito.
Nagbunga ang isang panloloko nya.
Ang tanga ko! Ang tanga ko talaga!Bakit nagawa kong ibigay ang sarili ko sa isang lalaking paulit-ulit akong sinasaktan?
Dahil sa blangko na ang aking isipan ay wala na akong nagawa kundi ang umalis sa kinatatayuan ko.
Ayoko ng magpatuloy pa sa katangahan na sinimulan ko.
Siguro tama na ang mga araw na nasaktan ako.Tama na siguro ang pagiging gaga ko.
Kailangan ko na sigurong baguhin ang aking sarili.Hindi lang para sa akin kundi sa batang dinadala ko.
I admit na kahit sinaktan man ako ni Glen, nagawa ko pa rin syang mahalin.
Kahit sa kabila ng mga nalaman ko ngayon at sa kabila ng mga pananakit nya ay minahal ko na sya.
Pero sa tingin ko, isasantabi ko na lamang ang aking nararamdaman para di na ako masaktan pa muli.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...