Kabanata 28°

393 13 0
                                    

Chapter 28

Steph POV:

Mapait akong napangiti nang marinig ko ang sagot ni Glen sa tanong ko.

Nakitulog sya sa bahay ng isang babae.

And I know, na sa bahay yon ng babaeng kausap nito noong isang araw. Masakit din pala malaman ang totoo. Nagsisi tuloy ako na tinanong ko pa yon.

Matamlay na ang naging kilos ko sa mga oras na to.Pakatapos kong magwalis ay naligo na rin ako.


"Ahm Glen, pwedeng sabay na lang tayong pumasok?", sambit ko rito.
Nakita ko kasing sumusuot na sya ng uniporme.

And besides, same campus din lang naman ang pinapasukan naman kaya sa tingin ko pwede akong sumabay sa kanya.


"Mayaman ka naman diba? So sumakay ka na lang.", cold na wika nito at nilampasan na ako matapos nyang magbihis.

Pero bago sya makalabas ng condo, may pinahabol naman syang bilin sa akin.

"Nga pala, yung sinabi ko sayo. Ayokong makita at malaman na kasama mo ang lalaking yon.", pahayag niya at tuluyan na akong tinalikuran.

Naiwan naman akong nakanganga. Alam kong si Lance ang kanyang tinutukoy.

Pero kailangan ko ba talagang iwasan si Lance?

Lance POV:

Nasan na kaya si Ganda?
Kanina ko pa sya hinihintay dito sa labas.

Kailangan ko kasing makausap sya.
Gusto kong tanungin ang tungkol sa fiance nya.

Hindi lang talaga ako makatulog kapag iniisip ko na kasama nya sa iisang bubong ang lalaking yon.

Mga ilang minuto pa ay nakita ko ng naglalakad si Ganda papasok ng gate.

Agad naman akong tumakbo para malapitan sya.


"Ganda.", sambit ko rito ng nasa harapan nya na ako.

"Lance.", takot na saad nito sa pangalan ko.

"Okay ka lang ba Ganda? Para kasing takot ka.", pagtatanong ko sa kanya.

"Ahm ah oo Lance. Nagulat lang ako sayo. Ahm sige, may kailangan pa akong tapusin na project. Una na ako ha.", kinakabahang wika ng dalaga sa akin at nagmadali ng lumakad palayo sa pwesto ko.

Ano bang nangyayari kay Ganda?

Ibang-iba ang inakto nya ngayon.

Steph POV:

Buo na ang desisyon ko.

Iiwasan ko na talaga si Lance.

Alam ko naman na mali ang gagawin kong pag-iwas sa kaibigan ko. Pero eto lang ang tanging paraan para maging okay na ang pakikitungo sa akin ni Glen.

Napaka-unfair kasi ng buhay.
Bakit kailangan pa ng choices.


"Steph uyy, kinakausap kita.", sita ni Tina na naging hudyat para mabalik ako sa aking sarili.

Andito na pala ako sa classroom namin at kanina pa sya daldal ng daldal.


"Ahm ah sorry. Ano ulit yung sinasabi mo?", paghihinging tawad ko rito.

"Wala. Di ka naman pala nakikinig sa sinasabi ko. Oh well, matanong ko lang, naalala ka na ba ni Glen?", pag-iibang tanong nya.

"Hindi eh. Hanggang ngayon, hindi nya pa rin ako maalala.", malungkot na sagot ko habang nakatanaw sa bintana.

"Steph naman. Kung ako kasi sayo, wag ka ng pumayag sa kasalan na yan. Kasi tingnan mo, parang ang lamig yata ng pakikitungo ni Glen sayo. Nung Birthday mo nga, pinakilala mo ako sa kanya pero hindi man lang sya ako ngumiti sa akin.", pahayag nito habang naka-dekwatrong upo.

"Tina, hindi lang siguro sya sanay kaya ganon. Pero kahit anong mangyari, itutuloy ko pa rin ang pagpapakasal sa kanya.", wika ko sa dalaga.

"Wow Steph, so magpapaka- martyr ka sa lalaking yon?", asar na bigkas nito.

Hindi na lamang ako sumagot pa at nanatiling tahimik na lang.

Mabilis namang natapos ang discussion.
Hindi ko na rin hinintay pa si Tina dahil nagmamadali ako.Alam ko kasing pupunta rito si Lance para kulitin ako.

Dumiretso na ako sa canteen area. Kaso sa kasamaang palad, nakita ko sila Glen at Samantha na masayang nagkekwentuhan.

Hindi ko tuloy maiwasan na magselos kay Sam lalo pa't nagagawa nyang pasayahin ang fiance ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon