Kabanata 46°

402 10 0
                                    

Chapter 46

Glen POV:

Matapos kong makuha ang pagkababae ni Steph, parang nawala ang galit ko sa kanya.

Tila ba nalinawan na rin ako na wala syang kasalanan sa pagkamatay ng kambal ko.

Sadyang nilamon lang ako ng emosyon ko noon, kaya sa kanya ko nabubunton ang lahat ng hinanakit ko.

Pero ngayon, naisip ko na kailangan ko ng magbabago.

Pero tangina, nagseselos ako kapag sumisingit si Lance sa amin.

Bullshit! Sya pa tong todo lapit sa asawako.

Dahil ayokong makasabi ng masakit na salita ay minabuti kong wag na lamang ipagpatuloy ang pagluluto.

Tumungo muna ako sa higaan para don umupo. Kailangan kong magpalamig dahil masyadong umiinit na naman ang ulo ko.

"Pigilan mo ang sarili mo Glen.", wika ko sa aking isipan.
Kapag naaalala ko kasi ang sinabi ni Lance na aagawin nya si Steph sa akin, hindi ko maiwasan na di magalit.

Tsk. Asawa ko na ang babaeng mahal nya, hindi pa ba malinaw sa kanya yon?


"Glen.", rinig kong sambit ni Steph nang masundan nya ako.

Hindi ko sya inimik o nilingon man lang.

"Glen, galit ka na naman ba?", tanong nito sa akin na alam kong medyo kinakabahan sya.

"Tsk.", yan ang tanging naisambit ko.

Naramdaman ko na lamang ang paglubog ng kama na ibig sabihin ay tumabi sya sa akin.

"Kung iniisip mo na nagkausap kami ni Lance, nagkakamali ka. Hindi ko sinagot ang tawag nya.", paliwanag nya sa akin para maniwala ako at maibsan ang galit sa puso ko.

Yun na nga ang problema eh.
Kahit hindi nya sagutin ang tawag ni Lance, alam kong gagawa pa rin ito ng paraan makausap nya lang si Steph.

Tsk.
Dapat talaga harapin ko na ang lalaking yon para magkalinawan na kami.

Marahan ko namang niyakap si Steph habang nakaupo sa tabi ko.

Ayoko na syang saktan ng pisikal at ayoko na ring makitang umiyak ulit sya ng dahil sa akin.

"Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagluluto. Dahil mamaya may pupuntahan ako.", wika ko sa kanya.

Ang ganda talaga ni Steph lalo na sa malapitan. Para syang anghel na bumaba sa langit.

"Huh? Saan ka pupunta?", nag-aalinlangan na tanong nito sa akin.

Ngumiti ako ng bahagya at inalis ang hibla ng kanyang buhok.

"Kailangan kong kausapin si Lance para maging malinaw ang lahat. At kung kinakailangan ko na humingi sa kanya ng permiso para iwasan ka, gagawin ko. Pero wag kang mag-alala, hindi kami mag-aaway na dalawa.",

Sa sinabi kong yon ay agad nya akong niyakap ng napakahigpit.

"Totoo nga. Totoo ngang nagbago ka na Glen. Alam mo, ang tagal ko ng hinintay na makita ulit ang matamis mong ngiti. Namiss ko yung Mr.Mysterious na nakilala ko noon. Namiss kita Glen. Mahal na mahal kita.", sweet na sambit niya sa akin.

Isang malambing na boses ang kanyang sinabi na sobrang sarap sa pandinig ko.
Kaya lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil buong akala nya, ako si Mr.Mysterious na minahal nya noon.

Pero kasi hindi ako yon. Kakambal ko ang lalaking paulit-ulit nyang binabanggit.

Kung sabihin ko man ang totoo sa kanya, maraming pwedeng magbago.

At hindi pa ako handang harapin yon.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon