Chapter 7
Steph POV:
Nasa tapat na pala ako ng music room.
Matapos kong kumopya ay tumungo na ako rito. Kailangan kong matapos ang lahat ng naka-schedule sa akin para di na ako maabutan ng one week sa paglilinis.
Binuksan ko yung pinto at tuluyan na akong pumasok.
Kawawa naman ang ibang mga instrumento at sirang-sira na.
Kinuha ko yung gitara na sira na ang string at triny ko itong ayusin.
Habang patuloy naman ako sa pag-aayos, naantig ang aking tenga sa isang lalaking kumakanta.
Pinakinggan ko itong mabuti.
Para akong nakaramdam ng excitement sa naririnig kong boses ng lalaki.
Ang tinig at boses nito, kilala ko.
Pamilyar ang boses nya at ramdam kong siya iyon.
Agad akong tumayo at tumungo sa kabilang room kung saan galing ang boses ng lalaking kumakanta.
Kaso lang napakamalas ko,nakalock yung pinto.
Kaya ang tanging ginawa ko ay sumilip na lamang sa bintana.
Hindi lang pala sya nag-iisa, may kasama syang babae at yon ay si Samantha.
Kilala ko na kasi si Samantha kahit nakatalikod ito.Pero yung lalaki, gusto kong makita ang mukha nya.
Alam ko kasi na sya iyon.
Alam ko at ramdam ko na sya si Mr.Mysterious.
Ibinagsak ko ang aking dalang gitara para makagawa ako ng ingay nang sa gayon tumingin sila sa gawi ko.
At di nga ako nagkamali dahil tumigin sila.
Tumingin ang lalaki sa akin.
Ang lalaking kumakanta ay ang matagal ko ng hinahanap.
Si Mr.Mysterious!
Sya nga!
Nakita ko na sya.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya, ngunit ganon na lamang ang lungkot sa puso ko ng i-alis nya ang tingin nito sa akin.
Hindi man lang sya tumugon sa aking ngiti.
Para tuloy akong nadismaya sa kanyang ipinakita.'Hindi nya na ba ako kilala?', yan ang aking tanong sa isipan.
Nawalan na rin ako ng ganang maglinis ng music room kaya pumunta na lamang ako sa aking paboritong tambayan.
Sa ilalim ng malaking puno ko ninais magpahinga kung saan dito ako natamaan ng bola.
Salamat naman at wala ng may naglalarong basketbol.
Siguro naman, wala ng may babato sa akin.Umupo na ako at isinanday ang aking likod sa may puno.
Naalala ko yung ekspresyon ng mukha ni Mr.mysterious.
Sa mukha nya pa lang, alam kong di nya na ako kilala.Biglang sumagi sa isip ko kung sino ba si Samantha sa buhay nya?
Andaya-daya naman kasi, matagal ko syang hinanap.
Halos ginawa ko ang lahat para mahanap ko sya.
Pero bakit ganon?
Bakit parang ang dali nyang makalimot?Teka, dapat maging masaya ako diba?
Dahil yung taong matagal ko ng hinahanap ay andito na, malapit sa akin.Kaya lang base sa postura nya ngayon, parang nagbago na sya.
Mala-gangster na ang porma nito.
Meron na syang hikaw sa kabilang tenga at may kulay na rin ang kanyang buhok na kung sumuot sya ay hawig na hawig ito sa gangster.Sa madaling salita, talagang ibang-iba na sya kumpara noon.
"Aray!", impit na sigaw ko.Ang sakit non ha?!
Natamaan ang aking ulo ng isang sapatos!Pero teka, san galing ang sapatos na ito?
Like ewww.
Idinako ko ang aking paningin para tingnan kung may mga tao. Pero ni isang anino, wala akong nakita.
So it means, sa taas galing ang sapatos na to.Inis akong tumingin sa bandang itaas at may isang lalaki nga akong nasilayan na feel na feel humiga sa may sanga ng puno.
Anong akala nya?
Nagshoshooting sya?Tumayo naman ako para tingnan ang mukha ng kumag na to.
Laking gulat ko na lamang ng makita ko si Mr.Bola na nakaheadphone at nakapikit ang mga mata.
Ang demonyong to, panira ng moment!
Dahil sa mabait akong babae, kinuha ko ang sapatos at ibinato ito mismo sa mukha nya.
Halatang nagulat sya kaya awtomatikong minulat nya ang kanyang mata.
"Ganda...", gigil na tawag nito sa akin at bumaba sya sa may puno.
"Oh?", patay malisyang tanong ko.
"Bakit mo ako binato ng sapatos?", asar na tanong ng binata.
"Bakit di mo muna tanungin kung kaninong sapatos ang ibinato ko sayo?", balik na tanong ko sa kanya at nilagpasan sya.
"Teka nga, diba dapat nasa music room ka ngayon at naglilinis?", wika nito sa akin at talagang sinundan pa ako.Agad naman akong napahinto at liningon sya.
"Bakit? Bawal na ba akong magpahinga? At wow lang ha, alam na alam mo talaga kung saan ako naka-assign. Stalker ka talaga eh noh!", pahayag ko rito ngunit ngumiti lang sya.
"Ganda, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na mga pangit lang ang stalker. Saka sino ba sa atin ang stalker? Yung taong alam kung nasan ako?", smirk na tugon nya sa akin.Ano bang gustong iparating nya? Na ako ang stalker?!
"Oi Bola! Hindi ako stalker! And hello, eto kaya yung tambayan ko! Remember, dito mo ako binato ng bola?!", pagpapa-alala ko naman. Pero sa sinabi ko, mas lalo pa yata syang ngumisi.
"Hindi mo pala yon makalimutan ganda. Ikaw ha, pwede mo naman sabihin sa akin na natitipuhan mo na ako.", pahayag nya sabay kindat pa.Eww, may sakit yata ang mata nya.
At teka, natitipuhan? Abah! Ang laki talaga ng confident nya sa sarili noh.
"Hindi lang pala mukha mo ang makapal, pati pala yang tabas ng dila mo, ang kapal-kapal! Abah-abah, sino ba sayo ang magkakagusto?! Bukod sa mabaho na nga yang sapatos mo, ang baho pa ng hininga mo!", bulyaw ko rito.Nakakainis at nakakaasar talaga ang lalaking to.
"Ouch naman ganda, ang sakit mo magsalita.", wika ni Bola na may pahawak-hawak pa sa kanyang dibdib.Magsasalita pa sana ako sa kanya, kaya lang may nahagip ang aking mata na dalawang taong masayang nagtatawanan.
Ang sakit palang makita na yung taong mahal mo, masaya sa iba.
Si Mr.Mysterious ang aking tinutukoy and until now, kasama nya pa rin si Samantha.
Siguro, alam ko na ang sagot kung sino ba si Samantha sa buhay ni Mr.Mysterious.
Masyado talagang mapaglaro si Tadhana, bakit sila pa?
Bakit hindi na lang ako?
Naramdaman ko na lamang na may tubig na lumabas sa aking mata.
Hinawakan ko ang aking pisngi at don ko lang napagtanto na lumuha pala ako.Lumuha ako sa harapan ni Mr.Bola.
"Oi ganda, umiyak ka ba?", nag-aalalang tanong ng binata sa akin.Agad ko namang pinahid ang mga luha ko.
"Hindi ah. Ba't naman ako iiyak?", pagdedeny na balik tanong ko sa lalaki.Baka kasi asarin nya lang ako kapag nalaman nito ang totoo.
"Kung hindi ka umiyak, ano yang luha na tumulo sa mata mo?", wika niya sa akin.
"Napuwing lang ako kaya napaluha ako.", mariing saad ko.Hindi ko na sya hinayaang magsalita pa at umalis na ako.
Gusto kong mapag-isa ngayon. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...