Chapter 22
Lance POV:
Bullshit naman oh!
Tanginang Glen yon!
Kaya pala nginitian ako ng gago kanina dahil may balak syang halikan si Steph.Feeling ko nang-iinsulto lang ito sa akin. Pasalamat sya at kaarawan ni Steph ngayon.
At mas lalong pasalamat sya dahil mahal sya ng babaeng mahal ko.
Pero putek! Ang sakit lang eh.
Yung makita ko ang babaeng mahal ko na may kahalikang iba. Tsk.Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas ng Mancion dahil sa init ng aking ulo. Dapat di na lang sana ako pumunta dito.
Steph POV:
Matapos sabihin ni Glen ang masakit na salita sa akin ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako ng c.r.
Pero ang totoo, hindi sa c.r ang punta ko kundi sa labas ng mancion, sa hardin namin.
Gusto ko kasi makalanghap ng sariwang hangin.
Ayokong ipakita kay Glen na nasaktan ako sa sinabi nya.
Kaso hindi ko inaasahan na nasa labas din pala si Lance kaya linapitan ko naman ito.
"Lance, bat andito ka sa labas?", tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sya sa aking gawi.
"Eh ikaw ganda, bat lumabas ka? Diba dapat nasa loob ka lang at kasama ang FIANCE MO?", balik na tanong nito at diniinan pa talaga ang salitang fiance.
"Lance naman eh. Tama bang sagutin mo ng tanong ang tanong ko?",wika ko rito sabay upo sa tabi nya.
"Tsk. Pumasok ka na lang don ganda. Diba eto na yung hinihintay mo? Kaya dapat mag-enjoy ka na lang sa loob.", saad nito nang hindi tumitingin sa akin.
"Lance naman. Paano ako mag-eenjoy? Eh hindi mo pa nga binibigay ang gift mo sa akin.", pagdadaan na biro ko sa binata.
"Tsk. Gift lang pala ang gusto mo ganda. Oh eto, para sayo.", sambit nito at inilahad sa akin ang isang regalo.Agad ko naman itong kinuha at binuksan.
"Wow. Thank you Lance. Ang ganda ng kwintas. Thank you talaga.", wika ko rito at yinakap ko naman sya.
"Kailan ba naging c.r ang hardin?", sulpot ng isang lalaki sa likuran namin.Paglingon ko ay nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Glen.
Nakaramdam tuloy ako ng kaba at takot sa aking dibdib ng matalim nyang tingnan si Lance.
"G-glen.", ang tanging nabigkas ko sa pangalan nya.
"Pumasok.ka.na.sa.loob.", mariing utos nito sa akin.Sa boses palang nya, nangunguna na ang takot ko.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?", malamig na tanong ni Glen sa akin habang nagpipigil ng galit.Ewan ko ba at parang may nabubuong tubig sa mata ko.
"Papasok ka ba? O gusto mong kaladkarin kita?", tanong muli nito na parang pinagbabantaan ako.
"Pare, wag ka namang bastos. Kita mo naman na nag uusap lang kami ni Ganda.", wika ni Lance at sya na mismo ang lumapit kay Glen.Kaso mas lalong uminit ang tensyon sa pagitan nila dahil sa sukatan nilang tingin.
"I dont fuck'n care. At kelan ba naging usapan ang yakap?", maangas na saad ni Glen rito.
"Tsk. Wala namang malisya ang yakap na yon. Natural na yon sa magkaibigan.", tugon naman ni Lance.
"Sayo, wala yon na malisya, pero sa akin oo. Baka nakakalimutan mong fiance ako ng babaeng yinayakap mo.", nakakatakot na pahayag ni lalaki.Nagulat ako ng biglang tumawa ng mapakla si Lance na animo'y nang-iinsulto.
"Fiance ka palang, hindi mo pa sya asawa. At eto ang tandaan mo, sa oras na sinaktan mo si Ganda, ako ang makakalaban mo.", pagpapaalala ni Lance rito at hinarap nya na ako.
"Sige na Ganda, pumasok ka na sa loob. Aalis na din ako, happy birthday na lang.", wika nito sa akin at pasimple akong nginitian.Abot-tanaw ko na lamang ang papalayong binata.
"A-aray ko Glen.", sambit ko ng marahas akong hilahin ni Glen papasok sa mansyon.
"Hindi ka ba nakakaintindi sa salitang limitasyon ha?!", mariing bigkas nito at mas lalong diniinan ang pagkakahawak niya sa aking braso.
"G-glen, nasasaktan ako." ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Masasaktan ka talaga kapag nakita ulit kitang kasama sya.", wika ni Glen sa akin at mala-demonyo akong tinitigan sa mata.Sobra na akong natatakot..
Bakit ganito sya?
Bakit ganito sya kung magsalita sa akin?
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...