Kabanata 10°

509 20 0
                                    

Chapter 10

Lance POV:

Dalawang beses.

Dalawang beses ko ng nakita ang pag-iyak ni ganda. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Alam ko sa mga oras na iyon, may problema sya.

Oo na, kahit papano may concern pa rin ako sa kanya.

Kahit paulit-ulit nyang saktan ang gwapo kong mukha, meron pa naman akong puso

Masisi nyo ba na gwapo ako?

Abah, ang sisihin nyo ang parents ko dahil masyado silang magaling gumawa ng anak.

But seriously, ano bang nangyayari kay ganda at lagi na lang syang umiiyak?

Siguro ito na ang araw para kaibiganin ko sya.

Tama!

Kakaibiganin ko na si ganda!

Kaya naman, heto ako sa may gate at hinihintay na pumasok si ganda.

Inagahan ko talaga ang pagpasok para makapag-usap kami.

Mga ilang minuto ay nakita ko na si ganda.

Tila ba nag-slow motion naman ang nasa paligid ko.

Ang ganda nya talaga.


"Oh, anong tingin yan bola?", masungit na sambit nito ng makalapit sya sa akin.

"Ah, ang ganda mo.", nahihiyang komplimento ko sa kanya.

Feeling ko, lalabas ang aking puso dahil sa lakas ng tibok nito.

"Oi Bola, alam ko na kung ano yan ha! Kaya pwede, kung balak mo akong inisin ngayon, wag mo ng ituloy!" wika niya sa akin.

"Ganda, wala akong balak na inisin ka. Ang totoo nyan,gusto kong makipagkaibigan sayo.", kinakabahang sabi ko kahit may pangangamba sa aking puso.

Isa,
dalawa,
tatlo,
apat.

Apat na segundo ang tinagal bago tumawa ng malakas ang dalaga.

"Hahahahaha, ako? Gusto mong maging kaibigan? Hahaha nakakatawa ka bola.", pahayag nito at inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko na parang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Anong nakain mo?", tanong bigla ng babae.

Akala ko kung ano na ang sasabihin nya

"Ahm ah, pancake lang ganda ang kinain ko.", sagot ko sa tanong nya.

"Ahhh ganon ba?", patango-tangong sambit nito at umikot sya sa akin habang nakapamewang.

"Hmmmm, gusto mo bang malaman kung pumapayag ba akong maging kaibigan mo?" tanong nya muli.

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang bilang tugon.

"Well, ang totoo nyan...", slow motion na saad nya sabay lapit ng bibig nito sa tenga ko.

"AYOKO!", mariing patuloy nito at iniwan na ako ni ganda.

Ouch! Ang sakit nun ha!

Below to the belt talaga kung magsalita ang taong yon!

Steph POV:

Himala!

Si Bola, makikipagkaibigan sa akin?

Ganon pala ang epekto ng pancake sa isang tao kapag kinain mo.

Tsk. Baka nasabi nya lang yon dahil sa nangyari kahapon.

Dumiretso na ako sa may cafeteria para bumili ng makakain.
Nakalimutan ko kasing mag-almusal bago ako pumunta rito. And besides, ayos lang na kumain muna ako saglit dahil hindi pa naman time.

Nang makarating ako room ay konti lang ang tao kaya madali akong makabili at makahanap ng pwesto.

Inilapag ko na ang tray sa lamesa at kinuha ang burger.
Handa ko na sana itong isubo kaso narinig ko ang boses ni Mr.Mysterious na nasa likuran ko.

"Anong gusto mong kainin Samantha?", tanong nito kay Sam.

Mag kasama na naman pala sila. Naiinggit tuloy ako at nagseselos. But I know na wala akong karapatang magselos dahil 'WALANG KAMI'.


"Kahit ano na lang. Sige hanap muna ako ng pwesto natin.", rinig kong sagot ng dalaga.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya ang ginawa ko, kinuha ko na lamang yung pagkain at umalis na ako.

Ayokong makita sila na sweet at baka umiyak na naman ako.


"Tina, ang hirap.", yan ang tanging nasabi ko sa aking bestfriend.

Andito na ako sa classroom namin at kasalukuyang nagdadrama sa harapan ng kaibigan ko.


"Bess, kaya mo yan. Hello, nasa stage 1 ka pa lang kaya ng pagmomove-on.", wika nito sa akin.

Oo, nasa stage 1 pa lang ako ng pagmomove-on pero parang di ko na yata kaya.
Sa mga nakikita ko, nasasaktan pa rin ako.

"Bahala na nga lang.", sambit ko na lamang.

Lance POV:

Mabuti naman at uwian na.

Kailangan ko pa ring kausapin at kulitin si ganda.

Ewan ko ba, pero kapag naiisip ko siya, bumibilis ang tibok ng puso ko.

May kakaiba kasi akong nararamdaman sa kanya sa tuwing kasama at pinagtitripan ko sya.

Tamang-tama at nakita ko na agad ito palabas ng gate.

Pero teka, parang wala yata sa katinuan si ganda.

Mabilis akong tumakbo malapit sa kanya at marahas ko syang inilayo sa may kotseng papalapit sa mismong gawi nito.

Muntik na kasi syang masagasaan.

Ayan na naman ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong nakayakap ako sa kanya.


"Ano bang nangyayari sayo ganda?! Hindi mo ba alam na muntik ka ng masagasaan ha?!", nag-aalalang sambit ko.

Ngunit blangko at walang ekspresyon nya akong tiningnan at maya-maya'y biglang tumulo ang kanyang luha.

Oh Shit! Umiiyak na naman sya.


"Bola please, kahit 5minutes lang, ganito muna tayo.", humihikbing saad nya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang ang babae.

Alam ko kasi sa mga oras na to, kailangan nya ng karamay.


"Sorry nabasa ko yata ang damit mo hehe.", nahihiyang sambit ni gamda ng kumalas sya sa yakap.

"Ok lang ganda. Uwian din lang naman.", tugon ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin.

"Salamat. Ahm nga pala, napag-isipan ko na wala naman sigurong problema kung maging magkaibigan tayo diba? Kaya oo bola, pumapayag na akong maging kaibigan mo.", saad nito na may ngiti pa rin sa labi.

Dahil sa sinabi nya, kaagad ko naman syang yinakap dahil sa sayang naramdaman ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon