Kabanata 33°

391 14 0
                                    

Chapter 33

Steph POV:


"Goodmorning Glen.", ngiting bati ko sa binata ng makita kong gising na ito.

Panibagong araw na naman.

Wala akong magawa kundi ang kalimutan na lamang ang sinabi nito sa akin kagabi.

"May niluto ka na bang almusal?" tanong nito sa akin nang makaupo sya.

Sa halip na batiin nya ako ay ito agad ang unang lumabas na salita sa bibig nya.

Pero patay! Kanina pa pala akong gising tapos di ko man lang naisipan na ipagluto sya.

Eh kasi naman di ko alam ang mga paborito nya.


"Tinatanong kita.", malamig na sambit ni Glen ng mahalata nyang di pa ako sumasagot.

"Ahm wala pa eh. Pero ano bang gusto mong pagkain at paglulutuan kita.", wika ko sa kanya na may halong kaba sa aking pananalita.

"Ano ba naman yan Steph! Ganyan ka ba katamad?! Pagdating sa landian sa Lance na yon, ang galing-galing mo! Pero pag dating sa mga gawain, wala ka man lang na kusa!", galit na saad nya at tumayo sya.

"Ahm pramis, saglit lang at magluluto ako Glen. Hintayin mo na lang---", hindi ko naituloy ang aking pagsasalita dahil sumingit ito bigla.

"Wag na. Kakain na lang ako sa labas.", pahayag nito at pumasok na sya sa banyo.

Napasapo naman ang kaliwa kong kamay sa aking noo dahil sa pagiging tamad ko.
Wala akong ibang sinisi ngayon kundi ang sarili ko.

Lagi na lang kasi galit at malamig ang pakikitungo sa akin ni Glen.

Sana naman dumating yung araw na maging okay na kami.


"Oh, anong mukha na naman ba yan Steph? Ang aga-aga ay parang badtrip ka yata.", wika ni Tina habang sinusuri ang aking pagmumukha.

Kasalukuyan akong nandito sa kanyang bahay para humingi ng payo tungkol sa lalaki.


"Eh kasi Tina, hindi ko alam ang mga gusto nya eh.", pag sasabi ko rito habang nakanguso.

"Ay wow naman Steph. Sino bang may kasalanan ha? Ang excited mo kasing magpakasal. Saka aba aba, hindi mo man lang ako inimbitahan.", saad nito na may halong pagtatampo.

Kumuha naman sya ng green apple at kinagat ito.


"Eh Tina, sorry na. Masyado lang kasing mabilisan ang lahat.", paghihingi ko ng tawad sa kanya at inagaw ang apple na hawak nito.

Para na kasi kaming magkapatid ni besty.


"Tsk.", iling na sambit nya.

"Dali na kasi Tina. Help me pleasee.", pangungulit ko rito.

"Steph, kahit anong pagpupumilit at pagmamakaawa mo sa akin, hindi kita matutulungan. Bakit hindi na lang si Lance ang tanungin mo, kasi diba lalaki rin sya kaya alam nya rin ang mga paborito ng lalaki.", suhestiyon nya sa akin.

Napaisip bigla ako sa kanyang sinabi at tama nga naman sya. Kaso kapag kinausap ko naman ang binata, baka makita ulit ako ni Glen na kasama si Lance.

At kapag nangyari yon, tiyak na magagalit sya sa akin.

Edi magiging lagot ako nito.

Hayysss, ano bang gagawin ko?

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon