Chapter 19
Steph POV:
Nakakainis sya!
Nakakainis ang bola na yon!
Oo, pag-galit ako, bola ang tawag ko sa kanya.
Akalain nyo, sya na nga itong sinusuyo, sya pa itong umiiwas.
Kaninang umaga lang, nakita ko sya sa Gym tapos pinapasabi nyang wala sya?
Oh diba, halatang-halata na.
Iniiwasan nya talaga ako.Pero kahit anong mangyari,kukulitin ko pa rin sya.
Bukas na kasi ang debu ko kaya dapat andun sya.
"Ahm excuse me, nakita mo ba si Lance?", tanong ko sa isang lalaki na ka-team ni Lance.
"Pasensya na Miss, ayaw nya kasing ipasabi kung nasan sya.", sagot nito sa akin.
"Hayss ganyan ka ba sa babae? Kapag tinatanong ka, di mo sasagutin ng tama.", pagdadrama ko.
"Pero sige, sa iba na lang ako magtatanong at sasabihin ko sa momie ni Lance na hindi mo sinasabi kung nasaan ang anak nya.", patuloy ko at tinakot ko pa talaga sya.
"Nasa bar sya ngayon. Sa isang sikat na bar.", pagsuko nito na animo'y nakatakot nga. Yon lang pala ang katapat nya para magsabi ng totoo.Matapos sabihin ng lalaking to ang lugar kung nasaan si Lance ay dumiretso na ako sa may bar.
"Miss, di ka pwedeng pumasok dito. Menor de edad ka pa.", pigil sa akin ni guard na syang nakabantay sa labas ng bar.
"Suss naman kuya, magbibirthday na ako bukas. Pwedeng i-advance mo na lang.", wika ko sa kanya.
"Ang kulit mo naman Miss.Di nga pwede, mapapagalitan ako ng amo namin dito.", kontra nya muli sa akin.
"Alam mo guard, pag ako pinapasok mo. Im sure, bukas na bukas yang panot mo ay magkakabuhok na. Kaya please, papasukin mo na ako. Gusto ko lang talaga makausap yung lalaking yon ohh.", sambit ko dito sabay turo ko kay Lance na nakatalikod.
"Ayss, oh sige. 5minutes lang ha. At pakatapos ay lumabas ka na.", pagsuko nito sa aking kakulitan.
"Ah kuya pwedeng pa-extend ng 5minutes para maging 10minutes na.", wika ko rito at napakamot na lamang si guard sa kanyang panot.
"Aba-aba kaya pala wala ka sa campus kasi nandito ka sa bar.", sambit ko nang makalapit ako sa pwesto ni Lance.
"Ganda.", ang tanging naisambit nya ng makita nya ako.
"Lance, halika na at umalis na tayo dito.", saad ko sabay hawak ng kamay nya.
"Teka lang,di mo ba nakikita? Umiinom ako.", masungit na pahayag nito.
"Hindi ako bulag kaya oo, nakikita ko! Tanga!", saad ko rito at hihilahin ko na sana sya palabas ng may umeksena na naman.
"Excuse me, kadate ko yang lalaking hihilahin mo.", sulpot ng isang babae kaya awtomatikong kumulo agad ang aking dugo.
"Wala akong pake kung kadate ka nya. Kaya wag na wag mo akong pipigilan. Tabi!", mataray at pasigaw na sambit ko sa dalagang nasa dadaanan namin.
"Ganda ano ba?! Halika na nga.", inis na sambit sa akin ni Lance at sya na mismo ang humila sa akin palabas.
"Bakit mo sinigawan ang babae, Steph ha?", iritableng tanong nito ng makalabas kami.Natawag nya na rin ako sa pangalan ko kaya alam kong mainit na rin ang ulo nya sa akin.
"Eh ikaw? Bakit ka nandon? Alam ba to ng momy mo ha?", masungit na balik tanong ko sa kanya. Hindi ako nagpadaig noh.Kung galit sya pwes mas galit ako sa kanya.
"Tsk.", tanging nasabi nya at pumunta sa kanyang kotse.Sinundan ko naman ito para makausap at nang malaman ko ang dahilan ng pag-iwas nya.
"Lance sabihin mo nga, iniiwasan mo ba ako? Bakit ka ganyan? Nang hindi pa tayo magkaibigan halos minu-minuto nasa tabi kita lagi, tapos ngayon na sinabi mo na gusto mo akong maging kaibigan, iniiwasan mo na ako. Ano bang trip mo Lance ha?!", sunod-sunod na tanong ko.Huminga naman sya ng malalim at matamlay akong tiningnan.
"Wala.", tipid na sambit nito sa akin.Ayoko ng awayin sya kaya ang ginawa ko ay inilapag ko yung invitation card sa may kotse nya.
"Ayan! Siguraduhin mong dumalo ka sa kaarawan ko bukas, dahil kung hindi, puputulin ko na ang pagkakaibigan natin.", yan na lamang ang aking sinabi at umalis na ako sa harapan nya.Nakakainis sya!
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...