Kabanata 13

454 19 0
                                    

Chapter 13

Steph POV:

Mabilis na lumipas ang mga araw.
As usual kahit magkaibigan na kami ni Lance, nagkukulitan at nag-aasaran pa rin kami.

Wala eh, naging routine na namin tong dalawa.

      
"Lance! Akin na nga yan!", sigaw ko sa kanya at patuloy na inaagaw ang  aking diary.
     
"Ayoko nga.", saad nito at pilit na nilalayo ang gamit ko.
      
"Andaya! Diary ko yan eh.", wika ko with panguso effect pa at umupo ako sa may grass.

Kailangan kong gumawa ng paraan para maawa sya sa akin.

    
"Sabihin mo na kasi sa akin ganda kung sino ang crush mo." pagkukulit muli ng binata.

Ang totoo nyan, kanina pa ako nito kinukulit at tinatanong kung sino ba ang crush ko, pero hindi ko sinasabi dahil privacy yon.

Kaya nanatiling tahimik ang aking bibig para isipin nyang nagtatampo na ako.

      
"Oh ayan na ang diary mo. Nakakaawa kasing tingnan ang mukha mo ganda.", pang-aasar nito at binigay na sa akin ang diary.
      
"Gago! Ibibigay mo rin pala, ang dami mo pang pasakalye!", sigaw ko rito at sinabunutan sya.

Matapos naming magharutan ay kumain na kami ni Lance.

Hindi sumama si Tina dahil busy yun sa manliligaw nya.

Kawawa nga yung manliligaw dahil masyado nyang pinahihirapan.

    
"Anong gusto mong i-order ganda? Libre ko.", tanong ni Lance sa akin.

Nandito kami ngayon sa isang fast food chain. Malapit lang sa campus ang kainan na to kaya nilakad lang namin.

     
"Ayun, ayun, ayun, ayun, ayun at ayun.", turo ko sa mga pagkain na nasa menu.
     

"Grabe ka naman ganda. Parang gusto mo ng lahatin ha?", natatawang sambit nito.
      
"Abah syempre, libre mo eh. Kaya sinusulit ko lang.", ngiting turan ko sa kanya at pakunwari ko syang kinindatan.

Napakamot na lamang sya sa kanyang batok at napailing ng ulo.

     
"Wow! Sarap-sarap naman neto!", matakham-takham na wika nang dumating na ang order namin.
     
"Ganda, dahan-dahan ka ngang kumain. Para ka namang bata oh.", puna ni Lance sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pagkain hanggang sa nakarinig akong 'click' na ibig sabihin ay kinuhanan nya ako ng picture.

     
"Oi Lance! Wag mo nga akong picturan! Kita mo namang kumakain ako eh.", saway ko sa kanya.
   
"Haha, ang cute mo kasing kumain ganda. Tingnan mo, may ketsup ka pa sa gilid ng labi. ", natatawang asar nito.

Dahil sa good girl nga ako ay kinuha ko ang ketsup at tinapon ko rin ito sa kanyang mukha.

Akala nya ha! Hindi nya ako maiisahan noh!

Sabay tuloy kaming natawa nang makita namin pareho ang aming itsura sa salamin.

Lance POV:

Now, I realized na totoong nahuhulog na ang loob ko kay ganda. She makes me smile everyday.

Yung tipong kapag kasama ko sya, lagi akong napapangiti.
Bawat harutan at kulitan namin ay nasisiyahan ako.

Hindi mahirap na mahalin si ganda.

Kahit ilang araw pa lang kami magkasama, alam ko at ramdam ko na mahal ko na sya.

    
"Lance, ano ba yan oh! Pawis na pawis ka na. Baka magkasakit ka nyan pag natuyuan ka.", wika nito habang pinupunasan ang aking pawis gamit ang panyong hawak nya.

Panibagong araw na naman pala.

Panibagong araw na naman kaming magkasama ni ganda.

Actually, nagpapraktis ako ng basketball and this time nanunuod si ganda.

      
"Asuss. Concern ka ba sa akin ganda?", ngiting tanong ko sa dalaga.
     
"Syempre naman. Concern ako sayo dahil ayokong magkasakit ka.", tugon nito sa akin .

Diba kapag concern ang isang tao it means may pagmamahal sya sayo?

So ibig sabihin, mahal ako ni Ganda.

     
"Ahhhh! Lance ano ba! Yuck! Wag mo nga akong yakapin! Ang pawis-pawis mo! Ano ba Lance! Ang baho!", sigaw ni Steph sa akin.

Niyakap ko kasi sya, dahilan ng pagsigaw nya.

    
"Ganda, kahit pawis ako, mabango pa rin ako.", confident na pahayag ko rito.
   
"Wow! Hiyang-hiya naman ako sayo Lance!", bigkas nito na akin namang ikinatawa.

Ang babaeng nasa harapan ko ngayon, ang babaeng minamahal ko na.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon