Kabanata 41°

373 13 1
                                    

Chapter 41

Steph POV:


"Yaya, timplahan mo nga kami ng juice."

"Yaya, kunin mo nga yung dessert sa ref."

"Yaya, bili ka ng popcorn sa labas!"

Yaya! Yaya! Puro na lang yaya ang nasasabi ni Glen sa akin.

Utos dito, utos doon.

Hayss ewan ko ba, at panay sunod naman ako sa kanya.

Marami kasing request ang pusit na babaeng yon, kaya ayan tuloy lagi akong napag-uutusan. Tsk.

Kung tutuusin nga, halos mamatay na ako sa kakatingin sa kanilang dalawa. Todo yakapan at halikan sila sa harapan ko.

Alam nyo ba yung feeling na parang pinipiga ang puso ko sa mga nakikita at naririnig ko?

Di ko na siguro nakayanan at tumungo na ako ng banyo.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.
Hindi naman ako pangit.Maganda naman ako.Katunayan nga nyan, mas maganda pa ako sa Shaira na yon.

Kaso nga lang, talo nya ako kung manamit.

Halos kita na kasi ang kaluluwa nito samantalang ako, pantalon at t-shirt lang ay okay na sa akin.


"Yaya, buksan mo yung pinto! May kumakatok!", rinig kong sigaw ni Glen sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng banyo at buksan ang pinto.


"Ganda.", ngiting saad ni Lance.

"L-lance?", gulat na sambit ko sa kanyang pangalan.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko sya.
Hindi ko talaga inaasahan na pupunta sya rito dahil nga't hindi nya naman alam ang address na tinutuluyan namin ni Glen.


"Bakit parang nakakita ka yata ng multo Ganda? Hindi ka ba nasurprise sa pagdating ko?", pahayag ulit ng binata.

Napalunok na lamang ako ng laway dahil sa takot na nararamdaman ko.

Alam ko kasing magkakagulo, once na makita ni Lance na harap-harapan akong niloloko ng asawako.


"Yaya, sino ba ang tao? Ang tagal mo yata dyan sa pinto?!", inis na sigaw ni Glen.

"Yaya? Teka ganda, tinawag ka ng asawa mo na yaya?", tanong bigla ng kaibigan ko.

Hindi nya na ako hinayaan pang makasagot, sa halip ay dire-diretso syang pumasok sa loob ng hotel.


"Anong ginagawa mo rito?!", saad ni Glen ng makita nito si Lance.

Napatayo na rin sya sa pagkakaupo at makikita mo talaga sa mukha nito ang pagkagalit.

Hindi pinansin ng binata ang tanong ng asawako, bagkus lumapit siya mismo kung saan nakatayo si Glen.

Doon ko lang napagtanto na nagsukatan na pala ng tingin ang dalawa.

Dumako ang paningin ni Lance kay Shaira na hapit na hapit ang short na parang panty na kung titingnan.

"Wala kang karapatan na ituring na yaya si Ganda. At mas lalong wala kang karapatan na gawing alipin sya sa harapan ng babaeng kalandian mo ngayon!", matigas na bigkas nito sa bawat salitang sinasabi nya.

"Hindi mo ba alam sa ginagawa mong yan,nasasaktan ang asawa mo! Gago ka ba Glen?!", galit na sigaw ni Lance at saka kinwelyuhan ang lalaki.

Mapwersa namang inalis ni Glen ang kamay ni Lance sa kanya.


"Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa kanya. Para sabihin ko sayo, isa lang syang katulong sa paningin ko!", wika niya na naging dahilan ng pagsuntok ni Lance rito.

"Tarantado ka! Kung balak mong pahirapan si Ganda, bakit mo pa sya pinakasalan ha?!", bulyaw ng kaibigan ko na halos sasabog na sya sa galit.

Sa nakita kong to, agad na akong pumagitna para hindi na lumala ang sitwasyon.

Samantalang si Shaira naman ay nakayapos na sa asawako upang tulungan itong tumayo.


"Tsk.", yan ang tanging naisambit ni Glen.

"Lance please, tama na.", pagsasaway ko rito habang nakakapit ako sa kanyang braso.

"Hindi Ganda! Hindi ko hahayaan na gawin ka nyang katulong! Hindi mo ba alam ha? Dahil sa pagiging masunurin mo sa kanya, pati bestfriend mo nasasaktan. At pati ako ganda, nasasaktan rin ako dahil ganyan ka.", wika niya sa akin.

Masyado ng magulo ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Nalilito na rin ako kung ano ba ang dapat kong gawin.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon