Kabanata 21°

437 18 1
                                    

Chapter 21

Steph POV:

This day is my day!

Kaarawan ko na pala.

Ang ganda-ganda ko talaga.

And infairness para akong reyna dahil sa suot kong sky blue gown. Isa ito sa mga paborito kong kulay kaya ito ang pinili kong suotin.

Pero naisip ko naman kung ano kaya ang suot ni Glen ngayon? Siguro ang gwapo at ang hot nya.

Naeexcite tuloy akong makita ulit siya. Hindi na ako makapaghintay na makita ang magiging asawa ko.

"Ms. Steph, andito yung mga kaibigan mo galing Paris.", saad ng make-up artist ko.

Nagulat naman ako nang makita ko sila na kakapasok palang sa loob. Talagang tinupad nila ang promise nila sa akin na dadalo sila sa debut ko.

Actually sila Mickey at Juldan, magshota silang dalawa and at the same time parehas kong kaibigan.

"Hmmm, you look so beautiful queen Steph. Happy birthday. Dalaga ka na.", wika sa akin ni Mickey..

Half filipino rin sya kaya marunong din itong magtagalog.

"Thank you so much. I did'nt expect na pupunta kayo.", mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Steph, that was our promise, remember? And besides, we miss you so much. It's been 3 years since you left the Paris.", pahayag ni Juldan.

Ilang minuto din kami nagkwentuhan.

Hanggang sa nag-umpisa na nga ang party.

Dahan-dahan akong bumaba sa mahabang hagdan habang dinadama ko ang bawat hakbang na aking ginagawa.

Tiningnan ko ang mga tao sa ibaba na nagpapalakpakan habang nakangiting nakatingin sa akin.

Kung titingnan, isang bonggang debut party ang ginawa ni dad sa birthday ko.

Ang buong mancion kasi ay pinapalibutan ng mamahaling dekorasyon at syempre hindi mawala ang malaking larawan ko na nakapaskil sa stage.

Pero sa lahat ng nakikita ko, isa lang ang hinahanap ng mata ko, walang iba kundi si Glen.

At teka, tama ba ang nakikita ko?

Si Lance, dumating?

Sabi ko na nga ba, hindi nya ako kayang tiisin.

Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan, marami ang nagsilapitan na photographer sa akin.

Bawat lakad ko, pinipicturan nila.

Pumunta naman ako sa pwesto ni Lance na katabi nito si Tina.

"Lance, thank you at dumating ka.", sambit ko sa kanya at bineso ko pa sya.

"Syempre naman Ganda, hindi kita kayang tiisin eh. Saka naawa ako sayo, baka wala kang gwapong makasayaw.", mahangin na wika ng binata.

Tinapik ko naman ang kanyang braso para matigilan na ito sa pagyayabang.

"Kapal neto! Ang hangin mo talaga noh.", natatawang saad ko sa kanya at hinagilap muli ng aking mata ang lalaking mahal ko.

Hinahanap ko pa rin si Glen dahil hindi ko pa sya nakikita.

"Steph, bat parang di mapakali ang mata mo? Hinahanap mo ang fiance mo noh?", panghuhula ni Tina.

"Oo Tina, hinahanap ko si Glen.", malumanay na sagot ko sa kanya nang lingunin ko ito.

Nakita ko naman ang pag ngiti ng bestfriend ko. Pero nang sulyapan ko ang mukha ni Lance, ewan ko ba pero ramdam ko na parang malungkot sya.

But anyways, hindi ko na muna yon iisipin.

Hindi nagtagal ay nagsimula ng magsalita si dad. Nakakatuwa nga dahil may halong biro ang bawat pagsabi ni dad sa micropono.

At nabuhayan bigla ang saya ng puso ko nang dumating na ang lalaking mahal ko.

Ang gwapo nya talaga.

Sobrang gwapo ni Glen.

Nasabi ko na bang gwapo sya?
Ah basta, ang gwapo ng fiance ko.

Tinabihan naman ako nito sa upuan dahilan para pasimple akong kiligin.

Kung reyna ako ngayon, syempre sya rin ang hari ko.
Maya-maya'y ipinasa na ni dad ang micropono sa akin para ako na ang magsalita.

Kaya tanging pasasalamat lang ang aking sinabi sa mga taong nandirito at sa mga taong walang sawang mahalin ako. At mga ilang minuto ay nagsimula na nga ang pinakahihintay ko.

Ang 18th roses dance.

Ang unang sumayaw sa akin ay si dad.

Habang nagsasayaw kami, sinabi nya na mamaya ay may usapang magaganap tungkol sa amin ni Glen.

Napangiti ako non dahil ibig sabihin, akin na talaga ang taong mahal ko.

Sumunod na sumayaw sa akin ay si Juldan, pero tungkol lang kay Mickey ang pina-usapan naming dalawa. At ang sumunod naman, si Lance na may bitbit na ngiti sa kanyang labi.

"Anong ngiti yan Lance ha?", tanong ko rito.

"Wala naman. Sobrang ganda mo talaga ngayon.", komplimento nito sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking bewang na parang magkayakap na kami.

"Asus. Thank you Lance. Ikaw din naman ha, ang gwapo mo ngayon.", ngiting tugon ko sa kanya.

"Araw-araw naman akong gwapo pero ngayon mo lang napuna.", wika ni Lance na akin namang ikinatawa.

"Hahaha grabe sya oh. Sige na nga, araw-araw ka ng gwapo.", napilitang sambit ko.

At sa sinabi kong yon, mas lalo nya pa akong niyakap.

"Lance naman, masyado ka talagang hokage.", pagbibiro ko rito. Narinig ko na lamang ang cute nyang pagtawa.

"Siguro naman, tapos mo ng isayaw ang FIANCE KO.", sulpot na saad ng isang lalaki sa likuran ko kaya awtomatikong napatigil kami ni Lance sa pagsayaw.

Nang linguni ko ay si Glen pala ang taong yon. Nasilayan ko naman si Lance na nag-smirk dito.

"Sige Ganda, mamaya ulit tayo mag-usap.", paalam nito at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

And at this point, si Glen na ang makakasayaw ko. Nakikilig tuloy ako.

"Sa susunod, alamin mo ang limitasyon mo.", malamig na wika niya habang nakahawak na sya sa aking bewang.

"Ahm wala naman yun na malisya. Kaibigan ko lang si Lance.", pagsasabi ko rito.

"Wala akong pakialam kung kaibigan mo sya. Pero eto ang tandaan mo, sa araw na ikasal tayo, ayoko ng lumapit ka sa kanya.", nakakatakot na paalala nito sa akin.

Ganito ba sya magselos? Nakakatakot ang mga titig nya.

"Oo, promise. Halika na, maupo na tayo.", naiilang na sambit ko ng mapagtanto ko na nakatingin sya sa aking labi.

Pakiramdam ko parang matutunaw ako sa mga titig nya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla nyang akong hinalikan sa mismong lips ko.

Medyo nagulat pa nga ako dahil di ko inexpect yon. But at the same time, natutuwa ako dahil sya ang first kiss ko.

"Wag kang mag-assume na gusto kita dahil lang sa hinalikan kita. Ginawa ko lang yon para ipakita sa lalaki kanina na pagmamay-ari na kita. ", wika nito matapos nya akong mahalikan.

Para akong naestatwa sa sinabi nito. Hindi nya ako gusto? Hindi nya ginusto ang halik na yon?

Tila ba gustong tumulo ng aking luha pero pinigilan ko dahil ayokong masira ang kaarawan ko.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon