Chapter 9
Steph POV:
"Ok. That's all for today, the class dismiss.", yan ang huling litanyang narinig ko sa guro.
Blangko ang isip ko ngayon at kahit ni isang sagot wala akong alam.
"Ah Steph, pwedeng pakitulungan mo akong dalhin ito sa music room, ang bibigat kasi.", paghihinging tulong ni Jessa sa akin sabay turo sa mga gitara. Dahil sa mabait at matulungin ako ay tinulungan ko naman siya.
"Steph, anong nangyari sayo kanina? Bakit zero lang ang score mo?", tanong muli ng kaklase ko habang kami ay naglalakad.
"Ah hehe, nakalimutan ko kasi mag review kahapon.",nahihiyang sagot ko at tumango naman sya bilang tugon.
Napahinto naman ako sa harapan ng isang room na kung saan may lalaking tumutogtog ng piano.
Napangiti ako ng mapagtanto ko na si Mr.Mysterious pala ang syang tumutogtog.
"Oi Steph, ang bagal mo namang maglakad.", lingon na sita ni Jessa sa akin.
"Ah mauna ka na Jessa, susunod na lang ako.", tugon ko sa kanya.
Nag OK sign naman ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Samantalang ako ay muling lumingon sa gawi ni Mr.Mysterious.
Eto na siguro ang oras na dapat ko syang kausapin.
Kaya kahit may pangangamba sa aking puso ay lumapit pa rin ako sa kanya. Siguro ay naramdaman nitong may tumitingin sa kanya kaya napahinto sya sa pagpa-piano.
"A-ang g-galing mo naman tumugtog ng piano.",nauutal-utal na komplimento ko rito.
Pero bigla naman syang tumayo para umalis kaya agad ko syang pinigilan.
"Sandali lang, hindi mo na ba ako kilala?", lakas na loob na tanong ko sa binata.
Tinapunan naman ako nito ng tingin na sobrang nakakatakot.
"Ako ito si Steph. Yung babaeng iniligtas mo noon.", patuloy kong sabi para kumbinsihin sya.
Inalis nya yung kamay ko na nakahawak sa braso nya at matalim akong tinitigan.
"I dont know what your talking about. And I dont know who you are bitch.", malamig na saad nito at iniwan nya ulit ako.
Hindi nya na ba talaga ako kilala?
At bitch?
Bitch ba ang tingin nya sa akin? Bitch ba ang tawag nya sa babaeng walang sawang mahalin sya?
Sa inaakto nya, nasasaktan ako.
Nagbago na talaga sya.
Sobrang ibang-iba na talaga ang binata kumpara dati.Hindi ko maiwasan na di mapaluha na sa sinabi ni Mr. Mysterious.
Parang nakatatak pa rin ito sa utak ko na lagi kong binabalikan.
"Ganda.", sambit ng isang tao.
Sa tawag nya pa lang sa akin, alam ko na kung sino sya.Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha para hindi nya mahalatang umiyak ako.
Bakit ba kasi sa tuwing iiyak ako, sya ang laging nakakakita sa akin?
Tiningnan ko naman ang kanyang mukha at bakas dito ang pag-aalala.
Walang salita ang lumabas sa aking bibig ko sa halip ay naglakad ako palayo sa kanya.
Nakakapanibago nga dahil di nya ako kinulit at sinundan.
Pero mabuti na yon, ayoko namang makipagsagutan sa kanya.
"Tina ang sakit. Ang sakit-sakit Tina. Bakit ganon? Bakit ang dali nyang makalimot?", umiiyak na sambit ko sa aking kaibigan.
Pinapunta ko sya dito para damayan ako.
Kinwento ko na rin ang lahat-lahat sa kanya."Sshhh, tahan na Steph.", pagpapatahan niya sa akin.
"Ikaw naman kasi, ang hilig mong umasa. Ayan tuloy, nasasaktan ka.", patuloy nito.
"Eh kasi Tina, yung mga pinakita nya sa akin noon akala ko totoo.", wika ko rito.
"Ayan ka naman sa akala Steph. Alam mo bang maraming namamatay sa akala na yan.", saad nito at ipinatong ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Alam mo Steph, kung ako sayo, mag move-on ka na lang bess.", patuloy niya.
Hindi ko alam kung kaya kong mag move-on. Ang hirap kasi lalo pa't sya ang first love ko.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...