Kababata 6°

552 22 0
                                    

Chapter 6

Steph POV:


Pagulong-gulong ako sa may kama dahil sa sayang umaapaw sa akin. Hanggang ngayon,
tawa pa rin ako ng tawa. Hindi ko akalain na ang Mr.Bola na yun ay TAKOT SA MULTO! HAHAHA. Sayang dapat vinideo ko sya kanina.Siguro nagviral na agad yon. Pero sa wakas, makakatulog na ulit ako na may ngiti sa aking labi.

Lance POV:


What the Fuck! Until now ay dikit na dikit pa rin sa akin ang pintura.

And you know what?

Maging si Mom ay pinagtawanan ako dahil sa naging itsura ko.

Tsk.

It seems na palaban talaga ang ganda na yon! Para syang isang Amazona!

Actually, takot naman talaga ako sa multo eh and I admit that.

Kahit sino naman kasi ay matatakot diba?

Kasi nga boys c.r yon at hindi pwede ang babae don. Tsk.

Nakakahiya tuloy yung pag takbo ko na nakaboxer lang.

Grabe! Ganda is so unbelievable!
Sya lang ang nakakagawa sa akin ng ganito!

First time kong mabuhusan ng pintura sa tanan ng buhay ko.
Ibang-iba talaga sya.

Steph POV:

Inat-inat!

Arrgh!

Sakit ng katawan ko!


Bumangon na agad ako para maligo. Pero bago iyon, kinuha ko yung schedule paper sa may side table.

Music Room?

Doon pala ako maglilinis ngayon.

Kung sabagay, di naman siguro nakakapagod don.


Matapos kong maligo ay sinuklay ko na ang aking buhok at naglagay ng konting lipstick sa labi.
Kahit simple lang ang make-up ko ngayon, dyosa pa rin ang dating.


"Goodmorning Tina!", masiglang bati ko sa kaibigan ko na busy sa pagsusulat.

Halos mabitawan nya naman ang ballpen dahil siguro sa nagulat ko sya.

Nandirito na pala ako sa classroom. Hindi naman ako natagalan dahil mabilis naman akong kumilos.


"Diyos ko naman Steph! Kung may sakit ako sa puso, siguro patay na ako ngayon.", wika nito sa akin habang nakahawak sya sa kanyang dibdib.

Napatawa na lamang ako sabay tabi ko sa kanya.

"Pagaya rin ako ha?", saad ko sa kanya ng mabasa ko na assignment pala ang kanyang sinusulat.

Ipinagitna nya naman yung libro sa pagitan naming dalawa at nakikopya na rin ako.

"So kumusta pala yung first day mo sa paglilinis?", tanong nito sa akin habang pareho kaming nag susulat.

Napangiti naman ako ng maalala ko yung mukha ni Mr.Bola kahapon.

"Okay naman. Nakakawala ng stress. At alam mo ba, tama ka nga. Yung nanghila pala sa akin ay anak ng principal.", pagkukwento ko rito.

Bigla namang lumaki ang mata ng kaibigan ko dahil sa kanyang nalaman at narinig.

"Talaga?! As in Lance Agustin? Oh my ghad! Ang swerte mo bessy.", kinikilig na pahayag nito.

"Tsk. Ano namang maswerte don?", tanong ko naman sa kanya.

Ang malas kaya!

Simula nang dumating sya sa buhay ko, naging malapit na sa akin si kamalasan.

"Eh kasi yan si Lance, wala yan na pake sa mga babae, yung tipong bola lang ang hawak nya. Ewan ko nga ba at nagkaroon sya ng pake. And take note, ikaw palang ang pinakialaman nya. Oh diba ang swerte mo? Dahil yung heartthrob ng campus ang nagkaroon ng pake sayo.", mahabang litanya ni Tina.

Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagsusulat. Tsk.

Kahit naman may pake sya sa akin, bwisit pa rin ang lalaking yan!

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon