Chapter 38
Reign POV:
"AGUSTIN ACADEMY", yan agad ang aking nabasa sa labas ng gate na papasukan ko ngayon.
Tama!
Eto na ang Universiting hinahanap ko.
Magtatransfer na kasi ako dito dahil nakick-out ako sa dati kong pinapasukan.
Sa pagkakaalam ko, naging basagulera lang ako. Kaya palagi akong napapaaway dahilan para mahospital ang iba.
Yon lang ang ginawa ko pero pinaalis agad nila ako.
Tsk. Ang babaw nga ng dahilan ng mga guro sa University namin.
But anyways, sana naman maging swerte na ako sa araw na to. Halos kamalasan na lang kasi ang nangyayari sa buhay ko.
"Reign, please. Payagan mo naman ako na ligawan ka.", pangungulit ni Jhon.Shit! Kahit pala saan ako magpunta, sinusundan ako neto.
Si Jhon, sya ang nag-iisang stalker and admirer ko na sobrang patay na patay sa akin.
"Ayoko nga diba? A.yo.ko. So pwede, tigilan mo na ako. Kung ayaw mong kamao ko ang sumalubong sa mukha mo.", inis na sambit ko sa kanya at ipinakita ko ang aking kamay na nakakuyom.Akalain nyo, nagtransfer din sya para lang makita at makasama nya raw ako.
Oh diba, desperadong tanga sya.
Alam ko naman na maganda ako, pero sorry lang dahil hindi ko sya type."Reign naman, kahit saktan mo ng paulit-ulit ang mukha ko. Hindi ako susuko sayo.", wika nitong muli.
My gosh! Ngayon ko lang narealize, na mahirap palang maging maganda.
"Jhon, didiretsuhin na kita. May Boyfrend na ako.", wika ko sa kanya para tumigil na sya.
Eto lang ang tanging naisip ko na palusot para wag na syang maghabol sa akin.
But to be honest, wala talaga akong boyfriend."Huh? Kailan pa?", malungkot na tanong ng binata.
"Ahm matagal na. And actually, dito sya nag-aaral.", pagsisinungaling ko kahit hindi naman talaga.
At kung siniswerte nga naman ako dahil nakita ko si Mr. Kotse na papalapit sa aming pwesto.
Wala pasakalye ko itong hinila para ipakilala sa harapan ni Jhon.
"Sya. Sya nga pala ang boyfriend ko.", ngiting wika ko sa lalaki para naman magmukhang kapani-paniwala ang kasinungalingan ko.
Hindi na nagsalita si Jhon at tumalikod na ito sa akin.
Nakita ko naman ang mukha ni Mr.Kotse na nakangisi sa akin.
Lance POV:
Tama nga ang hinala ko, baliw ang babaeng to.
Ipakilala ba naman akong boyfriend sa harapan ng iba.
Tsk. Ganyan ba sya ka-inlove sa akin at gumagawa pa sya ng kwento-kwento?"Miss, kung may gusto ka sa akin. Pwede mo naman sabihin, hindi yung bigla-bigla mo na lang akong hihilahin at ipapakilala na boyfriend mo sa harap ng isang lalaki.", ngising pahayag ko para insultuhin sya.
Napakawrong timing nya kasi.
Nagmamadali pa naman ako para puntahan si Ganda pero etong babaeng to, masyadong papansin talaga sa akin.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kabila nyang kilay.
"For your information, hindi kita gusto! In case of emergency lang yon noh! Duh!", mataray na saad nito sa akin at saka ako tinarayan.
"So anong akala mo sa mukha ko? Takbuhan ng mga emergency? Tsk. Baka di mo alam kung sino ang nasa harapan mo ngayon.", sambit ko rito at ipinakita ang aking pangalan sa I.D.
Kaagad namang lumaki ang kanyang mata nang mabasa ang aking apelyido.
"OMG! Anak ka ng may-ari ng University na to?!", hindi makapaniwalang sambit nya habang nakatakip ang kamay sa mismong bibig.
"Nabasa mo naman diba? So hindi na obvious yon. Tsk.", turan ko sa kanya.
Akma na sana akong tatalikod pero may nakalimutan pa pala akong sabihin dito kaya muli kong hinarap ang dalaga.
"And by the way, gusto kong paalalahanan ka na hindi mo alam kung paano ako magalit Miss.", patuloy kong sabi na may pananakot.
Bigla kasing sumagi sa isip ko ang mga ginawa ko kay Ganda, nung time na di pa kami close isat-isa.Pero katulad ni Steph, hindi rin ito napasindak sa aking sinabi.
"Wala akong pakialam kung sino ka! Baka kasi nakakalimutan mong may atraso ka sa akin! Kaya para maging quits tayo, eto ang dapat sayo!", sigaw nya at saka ako tinadyakan sa aking alaga.Mabilis naman itong tumakbo at dinilaan pa ako para pikunin.
Namimilipit naman tuloy ako sa sakit buhat ng pagkatadyak nito sa mismong junjun ko.
Ang babaeng yon, balak pa yatang basagin ang itlog ko.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...