Chapter 26
Steph POV:
Pinilit ko na lamang tumayo kahit medyo masakit ang balakang ko dahil sa pagkatumba.
Nang medyo okay na ay sumunod na ako kay Glen na pumasok sa kanyang condo.
Kung titingnan ay parang isang maliit na mancion lamang ito dahil sa ganda ng pagkakadesenyo ng mga gamit.
"Kung makikita mo, isa lang ang kwarto dito. Kaya ako lang ang pwedeng matulog at pumasok don. Naiintindihan mo?", malamig na pahayag nito sa akin.
"Oo pero-- san ba ako matutulog?", kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Bulag ka ba o sadyang bobo ka lang? Malamang dito ka sa sofa matutulog.", inis na wika nito at tinalikuran na ako.Para akong nakaramdam ng dismaya sa aking puso dahil sa sinabi nya.
Kung tratuhin nya ako ay parang di nya ako magiging asawa.Pero bakit ganon?
Bakit kahit nasasaktan na ako, gusto pa ring lumaban ng puso ko?
"Aalis ako at gabi ako uuwi. Linisin mo ang lahat ng sulok ng condo and make sure na pag-uwi ko ay may naluto ka na. Naiintindihan mo?", pahayag nito na may nakakatakot na tono.Para akong tuta na tumango na lamang sa sinabi nya bilang tugon.
"At nga pala, wag na wag kang lumabas dito sa condo ko. Gusto ko pagbalik ko ay nandito ka.", pahabol na wika niya at maya-maya'y tinalikuran na ako.Sa tingin ko, alam ko na kung saan sya pupunta.
Ewan ko ba at nakaramdam na naman ako ng selos.
Hayyy, ang hirap naman pala ng ganitong sitwasyon.
Glen POV:
Tsk. Di ko talaga mapigilan na hindi maging malamig ang pakikitungo ko sa kanya.
Kung sabagay, eto naman ang gusto kong mangyari ang mahirapan sya.
Tama kayo ng iniisip,
ituturing ko sya na parang katulong ko dahil bagay naman yon sa kanya.Actually, wala naman talaga akong balak na isama sya sa bahay nila Samantha.
Baka kasi kung ano na naman ang sabihin sa akin ni Sam kapag nakita nya ito.
Si Samantha, siya yung kababata namin ng kambal kong Si Jonathan.
Parang kapatid ko na rin sya kung ituring.
"Tito Glen, your here.", mahinang sambit ni Angel habang nakahilata sa kama.Nandito na ako ngayon sa bahay ni Samantha at kasalukuyan na rin akong lumapit sa bata.
Si Angel sya yung nakausap ko kagabi. Iyak ng iyak at gusto nya na lagi akong nasa tabi nya.
Pamangkin sya si Samantha kaya napamahal na rin ako sa kanya at naging malapit ang loob namin sa isat-isa.
"Yes sweetie, Im here. Ininom mo na ba ang gamot mo?", tanong ko rito at marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.
"Hay naku Glen. Hindi nya ininom yung gamot. Ang gusto nya, ikaw itong magpainom sa kanya. Kung alam mo lang grabe ang pag-alala ko sa kanya kagabi.", mahabang litanya ni Sam sa akin at sya na mismo ang sumagot sa tanong ko kay Angel.
"Ganon ba? Sige, ako na lang ang magpapainom sa kanya.", presinta ko rito.
"Tito Glen, can you take care of me, this day?", malumanay na tanong ni Angel sa akin.
Sa mata nito ay alam ko na kailangan nya ako.
"Yes sweetie. Don't worry, I will take care of you. Dito na ako matutulog.", ngiting wika ko sa kanya.Gumuhit naman sa labi nito ang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...