Kabanata 1°

1.5K 30 0
                                    

Chapter 1

Steph POV:

Dalawang oras na akong nakababad sa aking laptop.

Nagbabakasakali kasi akong makita muli ang lalaking matagal ko ng hinahanap.

Kahit nangangalay na ang kamay nito sa pagpipindot ay binabalewala nya lang.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng malaking puno at sa di-kalayuan, tanaw na tanaw nito ang mga varsity player na naglalaro ng basketball.

Sa isang buwan na pag-aaral nya sa Agustin Academy, ito ang naging paborito nyang tambayan.

'Hayy, sana talaga makita ko na sya.', sambit ko sa sarili.

Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na may bola na palang papalapit sa aking gawi.

"Aray!", impit na sigaw ko ng maramdaman ko na nabato pala ako ng bola sa mukha.

'Haisst! Kainis! Ang layo ko na nga, natamaan pa ako! Putcha!', inis na turan ko sa isipan.

Dahil sa sakit na naramdaman nya, dinampot nito ang bola at agad na lumapit sa mga lalaking naglalaro ng basketbol.

"Kung maglalaro kayo,siguraduhin nyo lang na wala kayong matatamaan na tao!", sigaw ko sa mga varsity player at sabay bato na rin ng bola sa isang lalaki.

Buong akala ko kasi, ito ang bumato sa kanya. Kita ko kasi ang pagkangisi niya, dahilan para maasar ako.

"Miss kung di ka naman kasi tanga, alam mo ng matatamaan ka ng bola hindi ka pa umilag.", pilosopong saad ng binata.

Lalo tuloy na kumulo ang dugo ko dahil sa tinuran nito.

"Excuse me?! Ang kapal ng mukha mo! Wag mo nga akong sabihang tanga! Wala kang modo! Dapat nga magsorry ka!", inis na bulyaw ko ulit sabay duro ko sa mata ng binata.

"Oh edi sorry miss. Ayan, pwede ka na bang umalis?", tanging wika ng lalaki na may halong pang-iinsulto.

"Salamat!", tanging sambit ko sabay talikod ko sa kanila.

Habang naglalakad ako palayo ay narinig ko naman na sumigaw ang walang modong lalaking yun. At alam nyo kung ano ang isinigaw?

'Your welcome raw',

Oh diba? Ang kapal ng mukha!

Dumiretso na ako sa may classroom. Ang lalaking yun, sinira nya ang araw ko! Inis na inis akong umupo sa aking upuan.

"Oh Steph, december pa lang ngayon pero ang mukha mo ay pang-byernes santo na agad.", sulpot na wika ng aking bestfriend na si Tina.
Kaklase ko sya sa taon na ito.

"Eh kasi nakakabwisit yung lalaki kanina! Akalain mo, ako na nga tong nabato ng bola at nasaktan, sinabihan pa akong tanga!", gigil na saad ko kay Tina. Pero isa rin tong kupal kong kaibigan, tinawanan lang ako.

"Ano ba kasi ang ginawa mo at nabato ka ng bola?", tanong nito na alam kong nagpipigil lang ng tawa.

Biglang sumagi sa isip ko si Mr.Mysterious. Oo, Mr.Mysterious na ang tawag ko sa lalaking matagal ko ng hinahanap, ang misteryoso nya kasi.

"Nagtatambay lang ako sa may puno, as usual, hinahanap ko si Mr.Mysterious, ramdam ko kasi na andito lang sya, malapit sa akin.", pahayag ko rito.

Narinig ko na lamang ang malalim na paghinga ni Tina.

"Steph, hindi ka ba napapagod sa kakahanap sa kanya?", tanong nito sa akin.

Mariin naman akong umiling.

Hindi.
Hindi ako mapapagod sa kanya. Habang maaga pa, kailangan ko syang mahanap. Siya lang kasi ang makatutulong sa akin para di matuloy ang kasal ko.

Yes, ikakasal na ako. Engage na ako sa taong hindi ko pa nakita at nakilala.

Pwede naman sanang umurong sa kasal na yun, kapag nakita ko na ang mahal ko at yun ay walang iba kundi si Mr.Mysterious.

"Payong kaibigan lang steph ha? Kung ako sayo, wag mo na syang hanapin, malay mo darating na lang yan na bigla diba?", matalinhagang wika nya.
Kung sabagay, tama si Tina.

Kapag hinahanap mo kasi ang isang tao, hindi sya nag papakita. Pero sana, sana talaga magkita na kami.


Mabilis namang tumakbo ang oras kaya sa puntong ito ay lunch time na.

Nauna na akong pumunta ng canteen dahil may tinatapos pa kasi si Tina na isang subject kaya di ko na sya hinintay pa.

"Ate, one coke, one rice and fried chicken po.", magalang na sambit ko sa tindera sa canteen sabay lahad ko ng pera rito.

Kukunin ko na sana yung coke ko ng maramdaman kong may nakahawak din dito.

Pagtingin ko sa tao ay nagulat ako nang si Mr.Bola ang syang kaagaw ko nito.

Yeah, yung lalaking bumato sa akin ng bola kaya Mr.Bola na ang tawag ko sa kanya.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago ako nagsalita.

"Akin to.", saad ko sa kanya sa mahinahon na boses.

"Akin na lang to ganda, babayaran na lang kita.", pacute na sambit nya.

Tsk. Lokong to! Ang kapal talaga ng mukha!
Hindi yata siya marunong umintindi ng LADIES FIRST! Konti na lang talaga at kukulo na ang dugo ko sa kanya.

"Nabayaran ko na to kaya pwede bumili ka ng sayo.", inis na sambit ko. Nagtitimpi na lang ako sa kanya noh. May atraso pa kaya sya sa akin.

"Ganda, wala na raw na available na coke. Pero sige, ganito na lang, dahil sa mabait ako, share na lang tayo.",wika nito sabay kindat pa sa akin.

Dahil hindi ko na matimpi ang inis at kulo ng dugo ko sa kanya ay mapwersa kong inagaw yung coke at ibinuhos ito sa mukha nya.

"Oh ayan. Kung mabait ka, mas mabait ako sayo. Solong-solo mo na yung coke.", ngiting saad ko sa kanya.

Natatawa na lamang akong lumabas ng canteen at bilang pang-iinsulto ay dinilaan ko pa sya.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon