Kabanata 12

429 23 0
                                    

Chapter 12

Steph POV:

Hmmmm, ano nga bang meron ngayon? May sinabi kasi si Lance sa akin eh.
Hindi ko lang talaga matandaan kung ano. Hay, kailangan kong isipin yon.


"Grabe noh, ang pangit ng laro nila Lance ngayon.", rinig kong saad ng isang babae na sa tingin ko ay kalalabas palang ng Gym.

"OO nga eh, parang ang tamlay maglaro ni Lance. Akalain mo lamang na lamang na yung kalaban.", sambit pa ng isang dalaga.

Teka, si lance ba ang pinag-uusapan nila?
At ano raw, maglaro?

'Wala naman ganda, may laro kasi ako bukas. Manood ka ha?'

Oh shit! Naalala ko na! May laro nga si Lance!

Wala na akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papasok ng Gym.

Grabe ang daming tao.


"Excuse me, excuse me, dadaan ang cute.", sambit ko sa mga taong nakaharang sa aking daan.

Nagsitabihan naman sila at pinadaan nga ako. Sabi na nga ba, bukod sa maganda ako ay taglay ko pa rin ang pagiging cute.


"Hayy salamat!", ang tanging naibigkas ko nang makita ko na sila Lance at ang mga kateam nito na naglalaro.

Laking gulat ko naman nang masilayan ko ang score nila Lance at ang kalaban nila. 56 ang team ni Lance samantalang 88 naman ang kalaban.

Tsk. Bakit kasi ganon maglaro si Lance?

"OI MR.BOLA! PAG HINDI KAYO NANALO! IBABATO KO SAYO ANG HAWAK KONG PAYONG!", malakas na sigaw ko.

Napatingin naman sa akin ang mga tao dahil sa lakas ng pagsisigaw ko. Pero di bale, wala naman akong pakialam sa kanila.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Lance at ang gago, kinindatan ako!

Naging masigla ang pagbalik ni Lance sa court kaya hindi na ako nag dalawang-isip na i-cheer pa sya.


"Go Bola! Go Bola! Go keso de Bola! Woahhh! Ipashoot mo na ang bola, ishoot mo na ang bola!", yan ang paulit-ulit kong sigaw habang naglalaro sila Lance.

At hindi rin nagtagal ay nakahabol ang team ni Lance at nanalo sila.
Agad akong tumakbo palapit naman sa kanya.


"Yes! Yes! Nanalo kayo!", tumatalon na sigaw ko.

Napatigil bigla ako nang yakapin nya ako ng mahigpit.


"Akala ko di ka na darating Ganda", wika nito habang nakayakap sa akin.

"Asus, syempre darating ako Lance noh. Ikaw pa, malakas ka sa akin eh", pahayag ko rito.

"Tara na Ganda. Magcelebrate tayong dalawa.", saad ni lance at hinawakan ang aking kamay.

"Hokage", sambit ko sa kanya at sabay kaming natawa.

Habang naglalakad kami palabas, nakita ko naman si Mr.mysterious na pinupunasan ang pawis ni Samantha.

Si Samantha kasi ang leader sa cheering squad nila Lance.

Hanggang ngayon,
masakit pa rin eh, masakit kapag lagi kong nakikita ang pagiging sweet nila sa isat-isa.

LOVING THE HELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon