Chapter 24
Steph POV:
"So as of now, naplano na natin ang kasal nila. So I think, kailangan na lang natin asikasuhin ang dapat asikasuhin. Kasi sa mga susunod na araw, nasa Paris na ulit ako.", pahayag ni dad habang kami kumakain.Napahinto ako sa pag-nguya sa narinig ko.
"Huh? Aalis ka na naman po dad?", malungkot na tanong ko sa kanya.
"Sad to say but yes Princess, babalik ulit ako ng Paris. May meeting kasing magaganap sa business natin.", paliwanag nito sa akin.Nakakalungkot naman, lagi na lang ganito ang nangyayari sa amin ni dad.
Siguro talaga, ganito na ang buhay namin.Tsk. Ang hirap din pala maging mayaman.
"So pano mga balae, sa tingin ko masyadong gabi na. Pano kung dito na lang kayo matulog.", suhestiyon ni dad sa magulang ni Glen.
"Aba oo naman balae. Wala yon na problema.", ngiting tugon naman ng ina.Halos naging speechless ako sa mga oras na to, knowing na dito matutulog sa mancion sila Glen.
"Oh Princess, tulala ka yata dyan. Sino ba ang iniisip mo?", puna sa akin ni dad.
"Ahm wala po dad.",simpleng sagot ko sa kanya.Tiningnan ko naman ang mukha ni Glen na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"Tsk.", ang tanging lumabas sa bibig nya.Maya-maya'y pumasok na nga kami sa kwarto ko. Sabi ni dad, mas mabuting masanay na kami ni Glen na magkasama kaya dito sya mismo matutulog sa aking kama.
"Ahm Glen, eto na pala yung kama ko. Dyan ka matutulog tapos sa sofa na lang ako.", wika ko sa kanya sabay turo ko sa malaking kama.
Wala man lang syang sinabi bagkus patuloy lang ito sa paglilibot sa kabuuan ng aking kwarto.
Nagulat ako nang makita ko naman na hawak nya na ang diary ko.
Kaya agad ko naman itong hinablot sa kanya.
"Ahm diary ko to hehe.", sambit ko at tinago ito sa aking likod.Malamig nya naman akong tiningnan na para bang sinasabi nito na ibigay ko yon sa kanya.
"T-tungkol lang naman ito sa akin.", kinakabahang paliwanag ko.Ang totoo kasi nyan, tungkol sa kanya ang nasa loob ng diary ko.
"Ibibigay mo ba sa akin o hindi?", pagbabanta nito na may mariing salita.
"Ahm kasi--", hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marahas nya itong kunin sa akin.Ewan ko ba at bigla akong nakaramdam ng takot.
"Sino si Mr.Mysterious?", tanong agad nito.
"Sya ba ang lalaking kalandian mo?", muling saad niya.
"Huh? Hindi.", iling na sabi ko.
"Tsk.", gigil na sambit nito at pinunit ang aking diary.
"Glen please, wag! Hindi ko lalaki si Mr.Mysterious. Glen, ikaw. Ikaw ang Mr.Mysterious na tinutukoy ko dyan.", pagsasabi ko ng totoo at biglang tumulo ang luha sa aking mata.Sa sinabi kong yon, napatigil sya sa kanyang ginagawa.
"Naalala mo ba? Ako ito. Ako si Steph. Ang babaeng iniligtas mo dati. Ang babaeng hinanap ka sa loob ng tatlong taon. Glen ako ito. Hindi ko kasi naitanong ang pangalan mo noon kaya Mr.Mysterious na ang tinawag ko sayo. At ikaw, si Mr.Mysyerious na tinutukoy ko sa diary.", pagpapatuloy ko sa kanya na pinipigilan ko na wag tuluyang umiyak.Biglang namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya na halos ikataas ng aking balahibo.
"Wala na akong panahon na alalahanin ka.", cold na wika niya sa akin at tumungo na sya sa kama.Nanghina naman ako sa kanyang sinabi. Pero pinilit kong wag magpaapekto na lang.
Tumungo na rin ako sa sofa para matulog. Kaso nga lang, ilang minuto na akong nakahiga pero di man lang ako dinadalaw ng antok.
Dahil sa wala akong magawa ay minabuti kong silipin si Glen na ngayon ay tulog na.
Kahit tulog sya, ang gwapo nya pa rin.
Napapangiti tuloy ako kapag nakikita ko sya.Sabihin na natin na sobra talaga akong inlove sa kanya. Kahit na iba na ang pakikitungo niya sa akin, kaya kong tiisin yon dahil mahal ko sya.
Alam ko na darating rin ang panahon na magkakasundo kami, at handa akong hintayin yon.
Nawala naman ang aking ngiti nang magring ang cellphone ng binata.
Dis-oras na kasi ng gabi pero may tumatawag pa rin sa kanya. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot nang magising si Glen at agad na sinagot ito.Kaya isa lang ang ginawa ko, nagpanggap akong tulog para hindi nya ako mahalata na gising pa.
"Hello.", husky na sambit nito.
Hindi ko naman marinig ang sinabi ng kabilang linya dahil hindi naman ito naka-loudspeaker. So tanging salita lamang ni Glen ang naririnig ko.
"Okay, pupuntahan kita bukas. Matulog ka na dyan,sweetie. Inumin mo na ang gamot mo, okay? I love you and goodnight.", wika nito na syang ikinatigil ng tibok ng puso ko.Sweetie? May girlfriend sya?
Pero diba, fiance nya na ako at ikakasal na kami?
Sa naisip kong yon, hindi ko namalayan na nagsibuhos na pala ang luha sa aking mata.
Gusto kong humikbi pero pinigilan ko.
Alam ko naman kasi na wala akong laban sa girlfriend nya dahil mahal nya ito.Now, I know kung bakit ganito sya makitungo sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
General FictionSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...