Chapter 49
Shaira POV:
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig na pag-uusap nila Glen at Samantha.
I was looking for him kanina at sa di sinasadya, napadpad ako sa music room which kung saan paboritong lugar to ng binata.
Kilala kasing performer si Glen sa campus namin as a band vocalist kaya dito ko naisipang pumunta.
Pero mukhang kinapitan yata ako ng swerte dahil nalaman ko ang lahat.
Hindi si Glen ang lalaking minahal ni Steph kundi ang kambal nito. Tapos si Glen totoong minahal nya na si Steph ngayon.
Parang kailan lang,pinahihirapan niya pa ang dalaga.
Pero hindi, hindi ako papayag na mapupunta lang sa babaeng yon ang lalaking gusto ko.
Kailangan kong gumawa ng paraan para masira ng tuluyan ang relasyon nila.
Agad ko namang kinuha ang aking cellphone sa bag at tinext ko si Glen na magkita at mag-usap kami sa rooftop.
Kapag di nya ako sinipot, sasabihin ko kay Steph ang mga nalaman ko.
Tingnan lang natin kung hindi sya iwan ng dalaga.
Lance POV:
Gago talaga ang Glen na yon!
Anong akala nya?
Susundin ko ang gusto niya?
Tsk.
Wala sa vocabulary ko ang magparaya.Alam kong mahal ni Steph Si Glen, pero alam ko rin na darating ang araw na magigising siya sa katotohanan.
Glen POV:
Pumayag ako na makipag-usap kay Shaira. Isa na rin ito sa pagbabago na gusto kong baguhin sa aking sarili.
Ang hindi na mag-paasa pa sa mga babae.
Nagpaalam na ako kay Samantha na may kailangan pa akong puntahan.
Kinuha ko na ang aking bag sa table at naglakad na palabas ng music room.Tumungo na agad ako ng rooftop kung saan naghihintay don si Shaira.
Hindi makakaila na may angking kasexihan at kagandahan rin ang dalaga.
Bumabagay din sa kanyang mata ang black eyeliner kaya medyo astig ang datingan nya.
"Buti naman at dumating ka, hindi na sana ako magdadalawang-isip na sabihin kay Steph ang lahat.", wika nito sa akin habang may ngiti sa labi.Kunot-noo ko syang tinapunan ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.
"Oh I'm sorry. Nabigla ka yata sa narinig mo Glen. But yes, alam ko na ang lihim na tinatago mo. Well, sabihin na natin na narinig ko ang usapan nyo ni Samantha kanina.", paliwanag nito na akin namang ipinagtaka.Nandon din sya sa labas ng music room? Tsk. Kung sabagay, maririnig nya talaga ang usapan namin don dahil kapag nagsasalita ang isang tao sa loob, parang may eco.
Shit!
Eto na nga ba ang kinatatakutan ko.
Alam kong may binabalak si Shaira ngayon.
"What do you want Shaira?", tanong ko agad rito.
"Kilala mo na talaga ako Glen. So sweet naman. Pero sige, ikaw ang gusto ko. Siguro naman, hindi ka manhid diba? I love you Glen, kaya nga, nung pinapunta mo ako ng hotel, gusto ko ng ibigay ang sarili ko sayo.", pahayag nya muli sa akin.
"Shaira, I'm sorry but I can't. May asawa ako at alam mo yon.", sambit ko sa kanya.
"Yes, alam ko nga Glen pero alam ko rin ang lahat.Remember, kaya kong sabihin kay Steph ang totoo. At kung hindi man sya maniwala, edi kay Lance na lang ako pupunta. Kung sabagay, I know Lance will believe me dahil mahal nya si Steph.", ngising saad ni Shaira.Steph POV:
Kanina pa ako naghihintay kay Glen na dumating. Pabalik-balik na rin ako sa kakalakad para mawala ang aking kaba sa puso ko.
Sabi nya, kakausapin nya lang si Lance pero ang tagal naman yata.
Hindi ko na tuloy alam kung ano bang nangyari sa pag-uusap nilang dalawa.Napatingin naman ako sa wall clock, at don ko namalayan na gabi na pala.
Saktong isang busina ng kotse ang syang narinig ko sa labas.Kaya dali-dali kong binuksan ang pinto kasi malakas ang kutob ko na si Glen iyon.
Nakangiti kong tinanaw ang pagbaba nya ng sasakyan. Kaso bigla naman itong napawi nang makita kong kasama nya si Shaira.
Teka, akala ko ba si Lance ang pinuntahan nya?
Bakit ang babaeng yan ang kasama nya?
"Ang sweet-sweet mo talaga Glen. Nag-enjoy tuloy ako sa ginawa natin ngayon. So pano, goodnight. Mwaah.", malanding saad ni Shaira sabay halik sa labi ng asawa ko.Para akong isang yelo na nanlalamig sa mga nakikita ko.
Akala ko ba nagbago na sya?
Akala ko ba magbabago na sya?
Nang makaalis na si Shaira ay agad na pumasok si Glen na hindi man lang ako tinitingnan.
Amoy ko na rin ang kanyang hininga na medyo nakainom sya ng alak.
"G-Glen." nangangaratal na sambit ko.
Gusto kong magtanong sa kanya. Pero di ko alam kung paano ko sisimulan.
"Kung wala kang sasabihin. Matutulog na ako.", walang ekspresyon na sabi nito sa akin at saka nya tinungo ang kwarto.Okay na sana ang lahat.
Pero bakit parang nagbago na naman yata ngayon?
Glen POV:
'Tangina! Naduduwag na naman ako!'
'Shit Glen! Ang gago mo!'Samut-saring mura ang sinasabi ko sa aking sarili habang nakaupo sa may kama.
Wala kasi akong naging choice kundi ang pumayag na lamang sa kagustuhan ni Shaira.
Pumayag akong maging sunud-sunuran nya kapalit ng di nya pagsabi ng katotohanan sa babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
LOVING THE HELL (COMPLETED)
Fiction généraleSi Stephanie Gab ang dalagang sobrang mainlove sa isang lalaki. Minahal nito ang binatang nagligtas sa kanya, kaya lang hindi niya na ito makita pa. Until one day, pinagtagpo sila ni Tadhana. At labis ang sayang naramdaman niya nang malaman nito na...