Ynez!

59 2 0
                                    

" Ynez!" Napatingin ako ng may sumigaw ng pangalan ko.

Pero bago pa ako makalingon ay isang braso na ang pumulupot sa balikat ko. " Kanina pa kita tinatawag, di ka naman lumilingon." He pouted his lips.

Natawa ako. " Hindi ko narinig eh."

" Tsk, magpatingin ka na nga."

" Baliw. Bakit ba?"

Hinila niya pa ako palapit sa kanya at inayos ang bag niya. " La lang. How was your day?"

" Ahm, ayos lang naman kung hindi ka sumulpot." Natatawang biro ko.

" Ouch ha! Ang sama mo sakin." Simangot niya.

Pabiro ko na lang syang inirapan at binilasan ang paglalakad. Humabol ulit siya at kinuha ang bitbit kong bag..

" Uy, akin na yan!" Agaw ko sa bag ko. Mas itinaas niya naman ito.

" Ayaw! Diba sabi ko ako ang magdadalan ng bag mo?" Napatango na lang ako. Ngumiti siya at inakbayan ulit ako. " Very good! Tara na, hatid na kita."

Napangiti ako at huminga ng malalim. Bahala na.

" Ynez!" Hinihingal siyang tumakbo palapit sakin.

" Oh? Cedric? Bakit?" Takang tanong ko.

He shrugged. " Wala lang, sabay na tayo." Aniya at sinabayan ako sa paglalakad. Tumango na lang ako at napangiti.

" May gagawin ka ba?" Tanong niya ng makita ko siyang nanghihintay sa labas ng classroom ko.

Araw araw niya akong hinihintay kapag siya ang nauunang lumabas o di kaya'y mag lunch. Pero pag ako naman ang nauuna, ay iniiwanan ko siya.

" Syempre kakain sa canteen." Natatawang ani ko.

Nagkamot siya ng ulo. " Ah oo nga pala. Tara, libre kita." Hinila niya na ako bago pa ako makapagsalita.

" Kumain ka kaya ng marami. " Utos niya sakin ng makita ang kunti ng pagkain ko.

" Ayoko. Tataba ako."

"Tsk! Pag hinipan yata kita, talsik ka diyan!"

Sumimangot ako. " Wow ah! Hiyang hiya naman sayo."

" Oh bakit? Payat ba ako ah?" Tawa niya.

" Oo kaya--"

" Ynez?" Napatingin ako sa tumawag sakin.

" Oh, Trix? " Tumayo ako at nakipagyakapan sa kanya.

" Ngayon na lang ulit kita nakita ah? " Aniya at tumingin sa kasama ko sa table. " Ehem, sino yan?" Nanliliit ang mga mata niya sakin.

Tumawa ako. " Kaibigan ko. Halika, dito ka na umupo." Iginaya ko siya sa tabi ko. Umupo naman siya at inayos ang kanyang dalang pagkain.

" Ipakilala mo naman ako." Bulong niya sakin. Natawa naman  ako.

Tumingin ako kay Cedric na nakangiti na sakin. " Ahm, Ced ito nga pala si Trix. Kaibigan ko siya."

Ngumiti siya at tumingin kay Trix.
" Hi, Trix!" Bati niya.

Ngumiti din si Trix. " Ahm, Trix si Cedric. Kaibigan ko." Pakilala ko.

Matapos ang kwentuhan at kainan ay bumalik na kami sa classroom. Hinatid lang ako ni Cedric. At sinabi niya sakin na sabay daw kami sa pag uwi. Napangiti ako at tumango na lang. Alam ko. Ramdam ko sa sarili kong may kung ano akong nararamdaman kapag magkasama kami. Alam kong higit na sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. At natatakot akong umamin.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon