Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may panibago na namang nagtext sa akin. Pilit kong inabot ang cellphone sa side table habang ngumunguya ng pop corn.
Sel:
Hoy ano na? Buhay ka pa ba? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag namin?
Tiningnan ko pa ang ibang mga texts na noong nakaraang linggo pa.
Diane:
Clarie? How are you? Hindi ka nagbubukas ng socmed accounts mo.
Sel:
Labas tayo? Hintayin ka namin. Pls, reply.
Diane:
Good morning! How are you? Don't forget to eat u'r breakfast!Sel:
Hoy! Nagbakasyon lang, wala ng paramdam ah?I sighed and turned off my phone. Marami pa ang texts nila at ng iba kong mga kakilala ngunit ni isa roon ay hindi ko nireplyan. Agad ko 'yong hinagis sa kama at tumingin sa TV.
Tatlong linggo na akong nakakulong sa dorm ko. Wala naman akong pakialam at bakasyon na naman. Ni hindi ako nakauwi sa amin dahil sa nararamdaman.
Kinuha ko ang canned beer saka 'yon binuksan at basta na lamang nilaklak. Akma na sana akong hihiga ulit nang marahas na bumukas ang pintuan.
"Oh my gosh!"
Napapikit ako nang marinig ang pamilyar na boses. Sinundan 'yon ng pahisteryang tawa.
"There you are! Anong ginagawa mo sa sarili mo?!"
Iminulat ko ang mga mata. Nakatayo si Sel sa harapan ko habang hindi naman makapaniwalang nililibot ng tingin ni Diane ang dorm ko.
"What are you doing here?" Umupo ako at ipinatong ang canned beer at pop corn sa side table.
Hindi makapaniwalang tumitig sa akin si Sel. "Ano nga bang ginagawa namin? Tatlong linggo kang hindi nagparamdam! Alam mo bang gusto ka na naming puntahan? Pero nirerespeto ka pa rin namin! Kasi baka gusto mo lang mapag isa! Naghihintay kami sa'yo, pero anong ginagawa mo sa sarili mo..Clarie?" Lumapit si Diane at inawat siya. "Nagkukulong ka rito at walang ginawa kundi ang uminom? Sa tingin babalik siya sa'yo?"
Mariin kong pinikit ang mga mata. Ramdam ko ang paglapit niya.
"Clarie, wake up. Kahit anong gawin mo hindi na siya babalik!" Umalingawngaw ang sigaw niyang 'yon.
"Selene.." umiiyak na awat ni Diane.
Iminulat ko ang mga mata. Natamaan ako sa sinabi niya ngunit hindi man lang namasa ang aking mga mata. Pagod na siguro. Naubos na siguro ang mga luha ko. Sana nga.
Tiningnan ko si Sel, bagaman galit ang mga mata ngunit naroon ang awa at pagmamalasakit sa akin.
"C-Clarie, hindi isang lalaki ang sisira sa'yo..kaya huwag kang magmukmok dito." Tumulo ang luha niya. Agad siyang nakalapit sa akin at binalot ako ng kaniyang mga braso.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong inaayusan ng dalawa. Panay ang ligpit ni Sel ng mga kalat sa dorm ko. Tinaas niya rin ang mga kurtina kaya lumiwanag sa pwesto namin. Habang si Diane naman ang nag-aayos sa mukha ko. Marunong naman ako ngunit wala talaga akong gana.
Pinilit nila ako kanina at mamasyal daw kami. Wala naman akong nagawa at baka umiyak na naman ang dalawa.
Nang makarating kami sa pinakamalapit na mall, dumiretso muna kami sa restaurant at doon kumain. Panay ang kwento nila sa mga napuntahan nila nitong bakasyon. Pilit lamang akong ngumingiti at tumatango. Ilang saglit pa, nagtaka ako nang tumahimik si Diane habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa bandang likuran ko.
"Sel.." palihim niyang siniko ito at nginuso ang tinitingnan.
Nasamid si Sel sa iniinom at agad na napatingin sa akin. Bumalatay ang takot niya kaya nangunot ang noo ko.
"Bakit?"
She blinked twice. Agaran ang pag-ayos niya ng mga gamit. "T-Tapos na kayo? Tara na."
"A-Ah sige." Tumayo si Diane.
Tumaas ang kilay ko sa ikinilos nilang dalawa bago lumingon sa likuran ko. Napasinghap si Sel nang makita ko kung bakit sila nagkakaganiyan.
Nakaupo sa pandalawahang table si Marco kaharap ang babae na may maikling buhok. He smiled at her and whispered something. Nangunot ang noo ko. Agad na naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib.
"C-Clarie."
Napakurap-kurap ako. Pinanood ko kung paano niyang asikasuhin ang babae mula sa pagsusuri sa mga kagamitan na nakalagay sa table nila hanggang sa pag-aayos ng pagkain sa harap nito. Unti-unti akong kinakain ng kirot na nararamdaman. Halos hindi ko na maalis ang mga mata sa kanila. Lalo pa nang tumawa ang babae, at kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Marco habang titig na titig sa kaharap.
"Clarie.." nagulat ako nang punasan ni Diane ang pisngi ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila at humarap sa dalawa na ngayon ay nag-aalala na sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha at agad yumuko. Kinalma ko ang sarili ngunit nang maalala ko ang nasaksihan kanina ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
"Oh my.. " hindi natapos ni Diane ang sasabihin nang nag-angat ako ng tingin sa kanila.
"H-Hindi ko maintindihan eh. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako itong lumuluha?" Huminga ako ng malalim. " Ako ang nakipaghiwalay eh. Bakit ako itong nagdudusa? Hindi ba dapat...ako itong ayos na? Ako itong..dapat hindi na umiiyak?" Tiningnan ko sila. "Kasi..ako naman ang kumalas. Pero bakit ang sakit-sakit? H-Hindi ko maintindihan."
Hindi sila nagsalita. Mas ayos na 'yon. Gusto ko lamang naman ng makikinig sa akin. 'Yong hindi ako huhusgahan sa ginawa kong desisyon. 'Yong hindi ipaparamdam sa akin na kasalanan ko. Gusto ko lang ng makikinig sa akin. Ilang buwan ko 'tong tinago. Ilang buwan kong kinimkim lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit, na tanging ako lamang ang makakaintindi.
"Hiniwalayan ko siya dahil..alam kong hindi niya na ako mahal. Dahil alam kong hindi na ako. P-Pero bakit, ang sakit-sakit? Bakit parang kasalanan ko pa rin?" Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko.
Nilingon ko ulit sila. At lalo akong nanghina nang makita ang titigan nila sa isat-isa. Tinitigan ko siya at bumuntong hininga.
Kung patuloy akong lilingon sa nakaraan, paano ako makakausad?
Kung patuloy akong nakakulong sa alaala naming dalawa, paano ako makakalabas?
Paano ako makakaahon? Paano ako?
Kung patuloy akong aasa, na sana siya naman ang kumilos.
Na sana ako naman ang habulin niya.
Na sana humingi man lang siya ng tawad sa akin.
Na sana siya naman ang mag first move..
Pero walang mangyayari sa akin. Kung aasa ako ng aasa.
Dahil alam ko, na kahit papano..nakaahon na siya. Nakalabas na siya. Nagpapatuloy na siya. Ngunit ako? Nandito pa rin. Ako pa rin ang nagdudusa sa ginawa kong desisyon.
Pero alam kong sa tamang panahon, makakalimutan din kita.
_____
Aimeesshh25.Sakit? HAHAHHAHAHAH sobra nye.
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙