You will be.

27 2 0
                                    

Kabado kong inayos ang suot kong tuxedo na nirentahan pa ni Mama para lang sa gabing ito.

Nilingon ko ang emcee nang banggitin niya ang pangalan niya.

Agad akong pumunta sa harap niya at inilahad ang kamay. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ganda ng baby ko ah." Salubong ko na lalo niyang ikinangiti.

Ipinatong niya ang kamay sa'kin at pabiro akong inirapan.

"Psh! Bolero."

"Ano 'yun? Hindi ko alam 'yun." Maang ko at inalalayan siya papunta sa gitna.

Inirapan niya lang ako ngunit nangingiti. Ilang sandali pa at dumako na sa 18 roses. Ako ang panghuli kaya naman nagka-oras pa ako para praktisin ang aking mga nais sabihin.

Nang tawagin na ako ay ngumiti agad ang baby ko. Tsk! Halatang excited e, talaga naman.

Binigay ko ang hawak na rose. Nilagay ko ang kamay sa kaniyang baywang at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Guwapo mo." She whispered.

Natawa ako. "Tagal na."

Tumawa lang siya at humilig sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa baywang niya.

" Happy birthday, Mary. I love you." I whispered. Iyong sakto lang sa pandinig niya.

Kinagat niya ang labi. "Thank you. I love you too."

Sinimulan namin ang sayaw. Panay ang tawa at hampas niya sa akin kapag bumabanat ako at kinikilig siya.

"You really are beautiful." Maya-maya'y bulong ko. Tinitigan ko ang mukha niya at natawa pa ako nang bahagya siyang yumuko at kurutin ako.

"Stop it.."

" What?" Natatawang ani ko habang sinisilip ang mukha niya. Inirapan niya ako kaya naman nagpatuloy ako sa mga nais sabihin. "Masaya ako na naging bahagi ako ng 18th birthday mo. Salamat sa pagtitiis, pag-aalaga at walang sawang pagmahahal sa akin. Asahan mong mas higit pa roon ang ipaparamdam ko sa'yo. Mahal na mahal kita."

Kumibot ang labi niya at sa wakas ay nag-angat na ng tingin sa akin. Kinabahan agad ako nang makita ang naluluha niyang mga mata. Mabilis ko 'yong pinunasan.

"Why are you crying? Hush.." hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at paulit-ulit na pinunasan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha niya.

Ngumuso si Mary. "Pinapaiyak mo ako."

"Kasalanan ko?" Tumawa ako nang tumango siya. "Okay, I'm sorry.."

Tumawa siya at pabirong hinampas ang kamay ko. Tumingin siya sa akin at kumirot ang puso ko nang makita ang mga luha niya na kahit dala ng saya ay nababahala pa rin ako.

"Salamat, James. Hinding-hindi ako magsasawa, kahit anong mangyari. Mahal na mahal rin k-kita." Nabasag ang boses niya.

"Baby stop crying.." pinunasan ko ulit ang mga pisngi niya. "You're my angel and i will take care and love you forever. I love you."

Ngunit hindi ko alam kung bakit kinain ko ang mga sinabi ko noong araw na 'yon.

Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon sa aming dalawa. Masaya kami, halos wala kaming problema nang magsimula ang buhay namin sa kolehiyo. Magkaiba kami ng kurso at sinusundo ko lamang siya tuwing hapon at sabay na kaming uuwi. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makatapos at magsama na kaming dalawa.

Ngunit sadya nga talagang madaya ang tadhana.

Nagkasakit si Mama at tumigil siya sa pagtatrabaho. Halos hindi ko na mabayaran ang dormitoryo ko. May part-time job ako dahil hindi ko naman kailangang iasa sa kanila lahat ng mga kakailanganin ko. Idagdag pa na may dalawa pa akong kapatid na pumapasok at nag-iisa lang si Mama na tumutustos sa kanila.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon