Habang nakikipaglaban sa loob ng jeep, dahil sa sobrang siksikan ngayon. Rush hour na kase.
Nakakapit na ang kamay ko sa sabitan dito at bahagyang nakaangat na din ang pwet ko sa upuan,grabe naman kase tong matandang katabi ko! Prenteng prente pa siya sa kanyang pagkakaupo habang akoy ngalay na ngalay na! Ugh!
Huminto ang jeep kaya ang ending nangudngod lahat kami pauna! Ayos talaga! Nakukos pa ang mukha ko sa kilikili ng matandang to! Whooh! What a nice day!
" Manong! Dahan dahan naman!"
" Kung makapreno!"
" Tsk! Kitang ang sikip sikip na!" Sari saring reklamo ang natanggap ng driver. Napaismid na lang ako.
May sumakay na isang lalaking naka all black. Tumaas ang kilay ko, Kaya pala huminto si Manong dahil may bago na namang sasakay. Palinga linga si kuyang naka all black at mukhang naghahanap ng mauupuan.
Dumapo ang mga mata niya sa kung nasaan ako at bahagyang itinaas ang kanyang suot na cap. Namangha ako sa kanyang itsura! Geez! Ang gwapo niya, walang halong birooo!
Agad na umipod ang matandang katabi ko at ngingisi ngisi kay kuya. Napailing na lang ako. Mabilis na umupo si kuyang naka-all black sa aking tabi. Lalong umangat ang pwet ko dahil sikip na nga! Sumiksik pa siya!
" Ugh! Ang sikip na nga e!" Iritableng bulong ko.
Lumingon siya sakin. " Ops, sorry. Ganun ako e, kahit wala na, pinagsisiksikan ko pa rin."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya! Walanjo! Humugot si koya!
" Humugot ka pa talaga. Sa ganitong sitwasyon?"
Natatawa siyang umiling sakin bago ako hinarap ng ayos. " Oo naman, kahit anong sitwasyon, kahit anong posisyon..handa akong hugutin, unless kung ayaw mo?"
Hugutin? Watdapak???
HAHAHAHA! Ane dew?Napansin niyang nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa sinabi niya kaya humalakhak siya. " Kidding. I mean, handa akong humugot." Napatango naman ako at the same time napahinga ng malalim. Tumawa ulit sya at pinitik ang noo ko. "Cute."
Inayos niya ang kanyang suot na cap habang nakatingin sa unahan. Napapikit naman ako dahil naaamoy ko ang kanyang pabango!! Shit! Nakakaadik! Ano ba yan! I think krass ko na sya! Oh gasss! Ang landi.
" Para po, hanggang dito na lang." Sambit niya at mabilis naman na tumigil ang jeep.
Nanghinayang ako ng mapansing bababa na siya! Eeeee! Naman, beket ngeyen pe?
Bago siya bumaba ay lumingon siya sakin. " Good bye, Miss. Ingatan mo ang sarili mo." Saka siya ngumiti at mabilis na bumaba.
Napamaang ako at di nakapagsalita. Tanging kabog lang ng dibdib ko ang maririnig. Ane dew?
" Uy miss, bukas yung bag mo." Napatingin ako sa nagsalita. Tinuro niya sakin ang bag ko at napanganga ako ng makitang bukas nga ito!!!
Mabilis kong hinalughog ang laman ng bag ko upang tingnan kung may nawala. At halos manlumo ako ng di ko makita ang wallet at cellphone koooo!!! Oh my gasss! Anyare?
Lintik na yon! Magnanakaw pala! Ang gwapong nilalang, mandurugas! May pasabi sabi pa siyang ingatan ko ang sarili ko? Watdapak? Ugh!!
"Sandali manong! Itigil niyo! Shit nanakawan ako!" Inis kong sigaw, Kaya napatingin sakin ang mga pasahero. Baba na sana ako ngunit tinawag ako ng driver.
" Kasama mo ba yung lalaki kanina? " Nangunot ang noo ko. " Di pa kase siya nagbabayad. Pakibayadan na lang."
At tumigil ang mundo ko...
Hindi na ako sasakay sa jeep. Pramis!!!!
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙