Para akong baliw habang nakatitig kay Jonick. Tahimik lang siyang nagsusulat. Paminsan minsan pa ay ngumingiti sa kausap.
Taena! Nakakakilig yong ngiti niyaaaa!
Ipinilig ko ang aking ulo at tiningnan ang notebook ko. Wala ang teacher namin kaya nagsusulat kami ngayon. May meeting daw kase. Hmm, tutal tapos na naman akong kumopya. May naisip akong kakaiba. Hihe.
Napatingin ulit ako sa notebook ko, saka ako lumingon kay Jonick na ngayon ay nakikipag asaran na saming mga kaklase. Ngumiti ako ng nakakaloko.
" Tutal, di naman kita makuha sa simpleng pagtingin-tingin lang. So? Ngayon humanda ka." Bulong ko sa sarili.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kung saan siya nakaupo. Napatigil sa pagdadaldalan ang ilan sa kanila at napatingin sakin.
" Oh, Belle?" Sambit ni Roi. Mukang nagulat sa paglapit ko.
Nginitian ko lang siya bago tumingin kay Jonick.
" Hoy, tawag tayo sa library. Bilisan mo." Paanas na sambit ko.
Syempre, kunware wala akong krass sa kaniya! Mahirap na at baka maissue noh! Hahahahaha.
Kumunot ang noo niya. " Sino may sabi?"
"Ako. Kasasabi ko lang diba?" Pambabara ko. Mukang nagulat siya sa aking inasta. TAE! HUHUHU SORRY, BABYYYY! BAWE SI MOMMY.
" Tsk. Sungit." Narinig kong bulong niya bago tumayo. At halos mahilo naman ako nang magkalapit ang aming mga mukha. Tae! Anlapit ko pala sa kaniya. Bahagya akong lumayo.
" T-Tara." Naiilang kong yaya.
Nauna na akong maglakad. Hindi naman ganun kalayo ang library saming room. Tanaw ko na nga agad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin.
Teka, anong gagawin namin don? Shit! Di ka nag iisip, Belle! Ay bahala na. Kunware may hahanapin na lang akong libro!
" Ano bang gagawin natin dito?" Inip na tanong niya habang nakasunod sakin.
Palakad lakad lang ako at tamang tingin lang ng libro para kunware naghahanap talaga ako.
" Wait!" Napahinto ako at lumingon sa kaniya. Kunot na kunot na ang kaniyang noo habang nakatingin sakin. Napalunok naman ako. Sht! Ang gwapo niya.
" B-Bakit?"
Tumaas ang kilay niya sa pagiging utal ko. " Ano bang hinahanap mo?"
" A-Ah ano..yung gagamitin daw natin sa ano..math. Hihe." Palusot ko habang nagtitingin tingin baka may makita akong math na libro!
Tumingin siya sa aking likuran. " Andito ang kailangan mo." Nginuso niya ang nasa likuran ko.
Mabilis naman akong napalingon. " Ah! Oo nga!" Hinila ko ang upuan para maabot ang libro sa itaas. Bahala na kung anong makuha ko. Tae!
Ngunit aabutin ko na sana ito nang maramdamang dumulas ang tanga kong paa! Sht! Babagsak ba ako?
"Tsk. Dahan dahan, baka mahulog ka." Ramdam ko. AAAAAACK! RAMDAM KO ANG KAMAY NIYA SA BEWANG KO. Napatingi ako sa kaniya at muntik na akong maduling sa sobrang lapit niya sakin. Nadala ako, mga bes. Nakakainlab.
" Nahulog na nga ako e.." Wala sa sariling sambit ko.
Kumunot ang maganda niyang noo. " Huh?"
" Nahulog na ako. Nahulog na ako sayo...Ayieeee!" Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi dahil sa aking sinabi.
Pero agad na nanlaki ang aking mga mata nang marealize kung ano yung sinabi ko. NAKAKAHIYAAAA!
" Okay lang. Nasalo naman kita."
Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti na siya habang nakatitig saking mga mata." A-Ano?" Di ko alam pero naging pabebe yong boses ko. HAHAHA!
Humigpit ang hawak niya sa bewang ko, at mas inilapit pa ang mukha sakin. Nawiwili niya akong tiningnan.
" Sabi ko, gusto din kita. " Nanlaki ang mga mata ko. Haeop. Tumawa siya. " Matagal na, Belle. Di lang ako makadiskarte. Bukod sa ang sungit mo, ay di mo pa ako pinapansin.." ngumuso siya sa huling sinabi.
At ako? Musta naman kaya ako? ETO SPEECHLESS! TAENAAA! KUNG ALAM KO LANG.
"BAKIT NGAYON MO LANG YAN SINABI?"
Humagalpak siya ng tawa at tinitigan na naman ako. " Salamat sa palibrary mo. Napaamin tuloy ako."
" Ha?"
Inabot niya sakin ang librong inaabot ko kanina. " Pang G7 na book ang kukunin mo? Seriously? " Saka siya ngumisi.
Nag init ang pisngi ko sa kahihiyan. Tumawa na naman siya at pinisil ang ilong ko. " And..wala tayong math ngayon, baby." He whispered. And before i could answer, he kissed me on my cheeks. " Tara na?" Hindi na ako nakapagsalita at sumunod na lang sa kaniya. Ayos ah. San ko kaya siya sunod na dadalhin? Cr? Hmm.
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙