Hindi ako nag iisa.

24 1 0
                                    

" Handa na ba yung gagamitin natin bukas?"

Tumango ako at malapad na ngumiti. " Oo naman yes!" Sabay taas pa ng daliri.

Tumawa siya. " Ang hyper mo talaga."

" Syempre. Dapat laging happy! HAHAHAH. Sayang ang cute kong mukha pag nakasimangot lang ako. "

Nailing siya. " Sana ganiyan din ako kasaya. " natahimik ako. Pinilig niya ang ulo. " Sige na. Bye. Dito na ako. " Tinuro niya ang gate. Tumango naman ako.

Nang makapasok siya sa kanila, napabuntong hininga ako. Hinarap ko ang madilim na eskinita papasok samin. Kinuha ko ang cellphone sa bag at pinindot ang flashlight.

Habang palapit ako sa bahay, ramdam na ramdam ko na ang pagkawala ko ng gana. Tanaw ko ang ilaw samin. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob.

" Nandito na ako. " Mahinang sambit ko.

Napalingon agad sakin si papa. " Oh, andito ka na pala. "

Tumango lang ako. Tumungo ako sa kusina para tingnan ang luto, ngunit natigilan ako nang magsalita siya.

" Wala pang luto. Pumunta ka don sa tindahan, mangutang ka ng bigas at pang ulam niyo. "

Napapikit ako. Tiningnan ko ang oras, 7:30 na ng gabi. Sadyang gabi ang aking labas mula sa eskwelahan.

" Gabi na. Bakit di pa kayo nagluluto?"

" Anong lulutuin? E wala nga! "

Hindi na lang ako nagsalita. Tahimik akong pumasok sa kwarto at nagsimula ng magbihis. Lumabas ako nang matapos, sinulyapan ko siya at nakaupo lang siya habang nanonood ng TV.

Mabilis akong nagtungo sa tindahan. Masama ang tingin sakin ng tindera habang sinasabi ko ang aking mga uutangin.

" Hindi pa kayo nakakabayad, baka naman, hija. Pasabi sa iyong ama. "

Napayuko ako at tumango na lamang. Bitbit ko ang mga inutang habang tinatahak ang pauwi samin. Hindi ko alam kung kailan yun mababayaran.

Nang pagbalik ko sa bahay, ay tatlong lalaki ang di pamilyar sakin ang nakaupo sa aming upuan. May mga bitbit silang dalawang bote ng alak at mga pulutan. Nangunot ang noo ko. Hindi pwede, madami akong takdang aralin ngayon. Saan ako gagawa, kung ganoon?

Dumiretsyo na lang ako sa kusina. Naabutan ko si Papa na nagbibilang ng pera. Nakatalikod siya sakin. Tila nanlumo ako. May pera siya, pero bakit?...

" Pa?" Agaran ang paglingon niya sakin. Tumingin siya sa mga dala ko.

" Lutuin mo na yan. Nang makakain na kayo. " Aniya.

" Pa." Pinigilan ko siya. Taka siyang tumingin sakin. " Kailangan ko po ng pera, may mga bibilhin lang ako."

Nangunot ang noo niya. " Pera? Aanhin mo na naman? Kahihingi mo lang nung isang araw. Annie, naman. Hindi ako nagtatae ng pera. Ang dami pa nating babayaran--"

" Wag na po pala. " Yumuko ako at tumungo na lang sa kusina, Hindi na siya pinatapos sa pagsasalita. Lagi naman.

Nang matapos akong magluto ay tinakluban ko ito. Naghugas pa ako ng pinggan. Nanatili lang ako roon, hanggang sa mapansing sobrang ingay na sa sala. Tumungo ako roon at halos maiyak ako sa nakita.

" Oh, bili pa don. " Binigay ni Papa ang kaniyang pera sa mga kainuman. Mga lasing na agad sila. At sobrang kalat na ng lamesa.

" Pare, ang dami naman. "

" Hayaan mo. Hangga't nandito kayo sa bahay, ako ang gagastos. " At walang kaabog abog niya iyong ibinigay sa lalaki.

Nanatili akong nanonood. Sumasakit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Tumungo ako sa kabilang kwarto. Sinilip ko ang mga kuya kong, tahimik na natutulog. 

Napabalikwas lang ako ng tayo nang makadinig ng kalabog. Mabilis akong lumabas. Naghulog na si Papa sa upuan. Mabilis lang siyang malasing lalo na kapag pagod siya. Tiningnan ko ang mga kainuman niya at di man lang siya tinulungan. Inalalayan ko si Papa na makatayo. Pinaupo ko ulit siya at inabutan ng tubig.

" Yan, itong anak kong to?" Tumingin siya sakin. Nanatili akong tahimik. " Napakabait niyan. Hindi yan gagaya sa mga bata ditong maagang nag asawa. " Lumingon siya sa mga kainuman. " Hindi yan gagaya sa ina niya. Hindi niya kami iiwan." Ramdam ko ang galit sa boses niya. Nanghina ako.

" Matulog na po kayo pagtapos niyo diyan. "

Hindi ko na pinansin ang mga masasakit at pamamahiyang sasabihin niya tungkol kay Mama. Mabilis akong tumalikod at tumungo sa likod ng bahay.

Kinalma ko ang sarili. Huminga ako ng malalim. Pumikit ako at dinama ang malamig na ihip ng hangin. Hindi ako iiyak. Kalma lang.

Ngunit unti unti ko nang nararamdaman ang mainit na likido sa aking magkabilang pisngi. Paulit ulit, sunod sunod at parang ayaw tumigil. Unti unti ang panginginig ng dalawa kong balikat. Hanggang sa kumawala na ang aking hagulhol.

" K-Kaya ko to. K-Kaya ko to diba? " Pang aalo ko sa sarili.

Dahan dahan akong napaupo. Napailing ako. Nanlalabo ang aking mga mata. Isa lang ang alam ko ngayon..

" H-Hindi ko k-kaya..." At sa isang iglap nabasag ang tinatago kong ako. Bumalik na naman ako sa pagiging mahina.

" B-Bakit ka naman ganiyan? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito, p-papa?.." tumutulo ang luha ko habang binubulong ko ito.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong sabihin na pagod na ako. Na nawawalan ako ng gana pag umuuwi. Na ayoko na siyang maging ama. Na suko na ako. Na tao lang din ako. Gusto ko ng maging masaya. Gusto kong isigaw.

" B-Balik na tayo sa d-dati.." para akong bata na basta na lang sumalampak sa damuhan na pawang inagawan ng laruan.

Nawalan ako ng kontrol sa sarili, sa nararamdaman, sa tinatagong sakit. Ngayong gabi, naging si Annie na naman ako. Si Annie'ng mahina.

" A-Ayoko na. P-Pagod na ako. Pagod na akong intindihin k-kayo.."
Pumiyok ang boses ko.

Hinayaan ko ang mga luhang umalpas saking mga mata. Hinayaan ko ang katawan na manghina. Hinayaan ko ang sarili kong maging ako.

" H-Hindi ko na k-kayo maramdaman. M-Mag isa na lang talaga ako."

Umihip ang malamig na hangin. Tila sinusuyo ako.  Nag ingay ang mga insekto sa kapaligiran. Napalingon ako. Umihip na naman ang hangin, tila pinapahiwatig na hindi ako nag iisa. Unti unti akong tumingala, upang makita ang nagkikislapang mga bituin. Sa ikatlong pagkakataon, umihip na naman ang hangin.

Tumulo na ang luha ko. Humagulhol ako. Nanginig ang dalawang balikat ko. Isang reyalisasyon ang gumising sakin.

" Alam ko po. Sorry. " bulong ko.

Dahan dahan akong tumayo. Pinunasan ko ang aking mga luha.

" Pagsubok lang to. Mas malakas Ka. "

Huminga ako ng malalim.

" Lalaban ako. And this time, kasama Ka na. "

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon