Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Inis ko itong kinuha at ready na sanang bulyawan ang kung sino mang tumatawag sakin..ngunit natigilan ako..
Babe calling..💜
Kahit na pambading ang aming tawagan. Wala akong pakialam.
" Hello?" Malambing kong saad.
Narinig ko ang impit niyang pagtili sa kabilang linya." Hello, babe!"
Nailing ako habang natatawa. "Iba ka talaga kiligin. Sagad e."
" Hehehe. Syempre. Marinig ko lang boses mo, buo na umaga ko. " Banat niya sakin.
Para naman akong bakla dahil agad akong napangiti. Inayos ko ang damit ko at tumingin sa salamin ng sasakyan.
" Oh ano? Di ka nakaimik?" Pumikit ako saglit. Ang sarap pakinggan ng boses niya.
" Nabara na ako. Grabe, babe. Lakas mong magpakilig." natatawang ani ko.
Tumawa lang siya pero maya maya ay tumahimik. " B-Babe?" Nagtaka ako.
" Hmm?"
" Kailan ka ba uuwi? Matagal ka pa ba diyan? Dalawang buwan na tayong di nagkikita. " Bakas ang tampo sa kaniyang boses.
Lihim akong napangiti. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng to.
" Sorry, babe. Kunti na lang." Sambit ko bago tumingin sa kanilang bahay.
Actually, kahapon pa ako nakauwi galing Canada. Balak ko siyang surpresahin kaya hindi ko muna sinabi. At ito ang pinakamahalagang araw para sa aming dalawa.
" Hmm okay. " Lumungkot ang boses niya. Pero mabilis niya iyong itinago.
Tinanggal ko ang seatbelt. Kinuha ko ang bulaklak sa likod at binulsa ang maliit na box. Tumingin ulit ako sa kanilang bahay. Handa na ako.
" Babe? " Tawag ko sa kaniya.
"Yes po?" Narinig ko ang paglalakad niya.
" Miss mo na talaga ako?" Tae! Ang corny ko.
Humagikhik siya. " Of course! I miss you so much, Andrew."
" Okay then. Open the door. "
" Huh?"
" Just open it, babe. I'm waiting. " Sambit ko. At ang huli kong narinig ay ang pagtili niya sa kabilang linya.
" Surprise!" Masayang ani ko nang buksan niya ang pinto.
Agad na namasa ang kaniyang mga mata sabay nun ang pagsilay ng ngiti sa mapupula niyang labi.
" Why are you crying?" Natatawang tanong ko.
Hinampas niya ako. " N-Nakakainis ka naman e!"
I pulled her and she buried her face in my chest. Hahaha. Paano ako luluhod nito? Nakita lang ako, umiyak na?
" Babe. Alam kong gwapo ako, pero wag ka namang obvious masyado. Umiyak ka pa e." Pang aasar ko.
She pouted her lips." Yabang!"
Nginitian ko siya. Sumeryoso ako. Para naman kapani-paniwala.
" Jenny? You love me right?" Nangunot ang noo niya sa pagtawag ko sa pangalan niya.
" Of course! What kind of question is that?"
Tingnan niyo. Ang sungit talaga.
"I love you too, babe. " Hinawakan ko ang kamay niya. Hinaplos ko ang mga daliri niya. " Lagyan na natin to ng singsing."
" Huh?"
Kinuha ko ang box at lumuhod. Her eyes and mouth widened. Natawa ako. Ang OA talaga.
" W-Wait! Oh my gosh!"
" OA! Isasangla ko lang to"
She glared at me. I swear nakakamatay yun mga dre. Mabilis naman akong ngumiti.
" Kidding. " I cleared my throat. " Jenny Marasigan, will you be my wife? " Natawa siya sa tanong ko.
" Diba dapat, will you marry me muna?"
" Ganon din yon! Saan pa't magiging asawa din kita. So what now?"
" Yes! " Mabilis akong tumayo at sinuot sa kaniya ang singsing.
" I love you Jenny. I love you for always. " Bulong ko.
" I love you too. Ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko. I promise!" Sambit niya. Hinalikan ko siya para di na makawala pa.
Ngunit. Kahit pala halikan ko siya ng maraming beses, ng paulit ulit. Kung ayaw niya na, wala akong magagawa.
Tiningnan ko siya habang naglalakad palapit sakin. Nangiti ako. Napakaganda niya. Tumutulo ang luha niya, marahil sa saya. Tumulo din ang luha ko. At pasimpleng pinahid ito.
" Andrew.." tawag niya sakin.
Tumingin ako at pabiro siyang nginitian. " Naks. Ikakasal na siya. "
Tumulo na naman ang luha niya. " Thank you. And i'm sorry."
Tumango lang ako. Niyakap niya ako. At magiging selfish ba ako pag gusto kong akin na lang ulit siya?
Kumalas na siya ng yakap. Nginitian ko siya. Nginitian niya-ang taong nasa likod ko. Lumagpas na ang tingin niya kaya bahagya akong gumilid.
At ayun. Sinabit niya na ang kamay niya sa braso ng mapapangasawa. Mabilis akong tumalikod. Hindi ko kaya. Baka masira ko ang wedding niya.
" Masaya na siya, Andrew. Let her go." Bulong ko sa sarili.
Naalala ko ang sinabi niya three years ago.
" I love you too. Ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko. I promise!"
Mapait akong ngumiti. " It really sucks. Sana hindi ka na lang nangako, babe. " Bulong ko.
Ang hirap pag sobra mong minahal ang isang tao. Kaya pag iniwan ka, sobra din ang sakit.
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙