MABAGAL

28 1 0
                                    

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Mga nakangiti sila habang nakatingin sa isat isa. Napangiti ako pero nakaramdam din ng lungkot. Naiinggit ako.

May magyaya kayang isayaw ako?

Sayang naman tong dress ko, kung wala man lang akong makakasayaw. Napabuntong hininga ako.

"Hi?" Nag angat ako ng tingin at halos mabuwal ako sa aking kinauupuan. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis. " Hey! You okay?"

Mabilis naman akong nakabawi at nagtatakang nakapatingin sa kaniya. " B-Bakit? May kailangan ka?"

Natawa siya at nailing sakin. " Actually, I need you there." Inginuso niya ang open space kung saan mga nagsasayaw ang magkakapareha.

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? Hindi ako makapaniwala. " N-Niyaya mo ba akong sumayaw?"

He chuckled. " Hmm, yeah. Wala din kase akong kasayaw. "

Di pa rin ako makapaniwala. Eh paano? Ang numero unong crush ko sa room ay naririto ngayon sa harapan ko. Niyaya akong sumayaw.

Ngumiti ako at di na nagpabebe pa. Minsan lang ito no, grab it!

Pinatong niya ang kamay ko sa kaniyang balikat at maingat na nilagay ang kamay sa aking baywang. Ngumiti siya, samantalang hindi naman ako mapakali. Shomay! Kinikilig ako!

He looked at me intently. Na para bang ako lang ang pinakamagandang dalagaaa~ HAHAHAHAH. Asa pa ako.

" You looked lovely in your dress, honey." Masuyong saad niya.

Nag init ang pisngi ko. Shomay! HONEY? Aaaahhhck.

Nahihiya akong ngumiti. " T-Thank you. "

Natigil ang kanta at napalitan ito ng  ibang kanta. Ngumiti ako. Ang ganda kase ng kantang to.

" Gusto kitang isayaw nang mabagal~~~"

Dinamdam ko ang tugtog. Pumikit ako. Mukha namang sumabay din siya, dahil bumagal ang aming sayaw.

"Gusto kitang isayaw nang mabagal~~

Pikit mata~~

Sumasabay sa musika~~"

He looked at my eyes. Hinawi niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tainga ko. Nahihiya naman akong ngumiti. Leche!

" Gusto kitang halikan nang mabagal~~" kinanta niya iyon habang nakatingin sa aking mga labi.

Nanlaki ang mga mata ko at tila huminto ang tibok ng puso ko. Unti unti siyang lumapit sakin. Yumuko siya at inabot ang labi ko. Napapikit ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Hanggang sa ginising ako ng katabi ko dahil may test daw kami sa math. Shet! Nakalimutan kong mag aral! Babagsak ako.



AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon