Gusto kong baguhin.

30 2 0
                                    

Berde. Asul. Itim. Dilaw at Kahel.

Sa tuwing babaling ako sa paligid, iba't-ibang kulay ang aking nakikita. Masarap sa mata. Ang sarap pagmasdan.

Ngunit tila natatabunan ito ng dilim sa pagsapit ng gabi. Tila nilalamon ng dilim ang buong paligid na kanina lang ay kita ang iba't-ibang kulay.

Bakit parang lumulungkot ang mga tao kapag lumulubog ang araw? Bakit nag-iiba ang pakiramdam?

Bakit ang kulay ng gabi ay sakto sa dilim at sakit na nararamdaman ko?

Bakit tila gaya ng paglubog ng araw, ay ang paglisan ng saya sa loob ko?

Ganoon ba talaga?

"Nakapili ka na?" Malaking braso ang bumalot sa baywang ko.

Napangiti ako bago siya nilingon.

"Yep."

Tumaas ang kilay niya. "I hope it doesn't reveal so much of your skin."

Napanguso ako at hinampas ang braso niya. "Mababa lang ang neckline noon, pero maganda!"

"Really? May I see?" Lalo niya akong niyakap. Halos yumuko na ako dahil sa pagkailang.

Hindi pa rin talaga ako nasanay.

"Huwag na, Brix."

"Bakit ayaw mo?" Hinanap niya ang mga mata ko. Umiwas agad ako. "George, kinakabahan ako sa gown mo."

Gosh, this man!

Natawa ako at kumalas sa yakap niya. Hinarap ko siya. Nakaabang agad sa akin ang kaniyang mga mata.

"Ayos naman 'yon sa akin. Saka bagay talaga."

"Okay. Patingin?"

Umirap ako. "Ayoko nga. Surprise dapat!"

Napabuntong hininga siya. Mukhang wala ng magawa. Masuyo niyang hinila ang kamay ko palapit sa kaniya.

"Alright. I trust my wife." Aniya saka ako hinalikan sa noo.

Napapikit ako. Damn his words.

Hindi pa naman kami mag-asawa. Ikakasal pa lang.

Ilang linggo na lang bago ang pinakamahalagang araw sa amin. Hindi lang sa aming dalawa kundi ganoon na rin sa buong pamilya. Halos naayos na ang lahat. Ang araw na lang talaga ang hinihintay namin.

Hawak ang kamay ko, tahimik kaming naglalakad sa dalampasigan. Ito na ang huling kita namin kasi ayon kina Mama, bawal daw muna kami magkita ng ilang araw.

Parang ang tagal naman yata noon.

"I love you." Napatingin ako sa kaniya nang sambitin niya 'yon. "Hindi na ako makapaghintay na makasal sa'yo." He looked at me.

Ngumuso ako ngunit unti-unti ring napangiti. "Ako rin."

"Anong gusto mong pangalan ng magiging anak natin kapag babae? Hmm?"

Nagulat ako sa tanong niya at natawa. "Ikakasal pa lang tayo, Brix."

"Ganoon na rin 'yon." Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo ba akong maging ama ng magiging anak mo?"

"Oh my gosh!" Humalakhak ako. Ngumuso siya. "Napakaseryoso mo!" Sinilip ko ang mukha niya at hinawakan 'yon. "Ang ibig kong sabihin, ikakasal pa lang naman tayo. Ni hindi pa nga ako buntis. At wala pa sa plano ko ang magkaanak agad."

Tumango siya at hinawakan din ang mga kamay ko roon. "I understand, baby." Tila may gusto pa siyang sabihin. "..but, I want a c-child."

Hindi ako nakapagsalita. Tumitig siya sa akin at bumuntong hininga.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon