" Hi Melan!" Agad siyang humalik sakin. Nawala naman agad ang simangot ko at napalitan ng ngiti.
" Ang tagal mo. Isang oras na ako dito. " Pagtatampo ko.
Tumingin siya sakin bago ngumuso. " Sorry, alam mo naman."
I sighed. Lagi naman. Umiling ako at ngumiti sa kaniya. " Ayos lang. So, san tayo?"
" Tara sa tambayan?" Tumaas baba ang kaniyang dalawang kilay, natawa ako.
" Sige. Tara!" Tumayo siya at inabot ang kamay sakin. Kinuha ko yun at saka tumayo. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri bago nagpatuloy sa paglalakad.
Tahimik kaming naupo sa kawayan na papag, habang nakalublob ang aming mga paa sa tubig. Sa may harap ng ilog kami madalas tumambay para tago, para walang makakita.
Umunan siya sa hita ko. Agad akong yumuko para magtama ang paningin namin. Ngumiti siya sakin.
" Nakakapagod." Buntong hininga niya.
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya." Nandito lang ako. Kung napapagod ka na, handa akong maging lakas mo."
Pumungay ang kaniyang mga mata. " Lakas ko talaga sayo. Salamat, Melan. "
Ngumiti ako. " Wala yun, basta ikaw. "
Hinaplos ko ulit ang buhok niya. Batid kong inaantok siya kaya hinayaan ko. Hanggang sa pumikit na ang talukap ng kaniyang mga mata. Sandali ko siyang tinitigan. Napangiti ako. Mahal na mahal ko siya.
Tumunog ang cellphone niya. Tumigil sandali, at maya maya'y tumunog na naman. Nilingon ko siya at mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Kaya naman, kinuha ko na ang cellphone niya.
Love💜 is calling~
Napabuntong hininga ako. Hindi ko sinagot. Bahagya ko siyang inuga.
" Alex? Alex." Tawag ko.
Nagmulat siya ng mga mata bago tumingin sa hawak ko. Agad siyang napabangon.
" Si Chelsea, tumatawag."
Mabilis niya itong hinablot sakin at tumayo. Naglakad siya palayo kung saan hindi ko maririnig. Nanatili akong nakatingin sa kaniyang likod. Mapait akong ngumiti. Ayos lang.
Alam ko namang mali. Alam kong hindi dapat ako nandito. Alam kong pangalawa lang ako. Pero anong magagawa ko? Ginusto ko to, at mahal ko siya. Handa akong maging reserba.
" Melan? Aalis na ako. Kailangan ako ni Chelsea. Hindi na kita maihahatid. " Sambit niya at mabilis na tumalikod sakin.
Ni hindi niya ako pinatapos. Tumango na lang ako kahit malayo na siya sakin. Nilingon ko muli ang tubig.
" Kailangan din naman kita.." bulong ko.
Nagdaan ang mga araw, hindi kami nagkausap. Sa tuwing makakasalubong ko silang dalawa sa school, nagkukunware siyang hindi niya ako kilala. Sanay na ako, pero masakit pa rin. Mahal niya ang girlfriend niya kaya hindi niya ito maiwan, ang role ko? Taga alo pag nag aaway sila, tagapagpagaan ng loob niya. Sa akin niya nagagawa ang mga di niya magawa sa girlfriend niya, kase nirerespeto niya ito. Eh ako kaya?
Kaya naman isang araw, nagulat ako nang sumulpot siya sa harapan ko. Nasa library ako. Mag isang nagbabasa.
" Melan. "
Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Mapula ang kaniyang mga mata. Tumayo ako at nilapitan siya.
" Bakit? Anong nangyare?"
Umupo siya sa tabi ko. " Nag away kami."
Huminga ako ng malalim. " Bakit? Ano bang pinag awayan niyo?"
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Novela JuvenilThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙