JOWA

26 1 0
                                    

Patingin-tingin ako sa aking paligid habang mabilis ang lakad. Bitbit ko ang cellphone sa kanang kamay.

" Bakit kase ang layo ng tindahan dito?" Inis kong bulalas.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Kinakabahan pa ako kase gabi na din. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulaga sa aking lalaking mataba habang nakatutok ang flashlight sakin.

" Saan ang tungo mo, hija?" Mariing tanong niya. Di agad ako nakapagsalita. Nangunot ang noo niya. " Gabi na. Bakit pagala gala ka pa?"

Napasulyap ako sa cellphone ko. Sheyt! May curfew nga pala!

" A-Ah..ano po kase.." kinagat ko ang labi ko sa pag iisip ng pwedeng idahilan.

Tumaas ang kilay niya sakin. Napatingin ako sa lalaking tahimik na naglalakad na hula ko ay kagagaling lang sa tindahan. Kinausap din siya ng kasamahan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.  May hawak siyang plastic at cellphone. Napapikit ako sa naisip.

" Hija?" Tawag ulit ni Manong.

No choice! Futek!

Mabilis akong lumapit sa lalaki. Tinawag pa ako ni Manong at sinundan.

" Teka lang! Hija!"

Naagaw namin ang pansin ng lalaki kaya agad siyang napatingin sakin. Bago pa ako maunahan ng hiya ay agad kong kinawit ang braso ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa.

Nakalapit na samin si Manong. Tiningnan niya ang braso ko.

" Kasama mo siya?" Tanong niya.

Sunod sunod akong tumango. " Yes po! S-Siya po yung hinihintay ko don!" Napapikit ako sa pagsisinungaling.

Narinig ko ang pagtikhim ng lalaking katabi ko.

" Kaano ano mo siya?"

Daming tanong ni Manong! Jusq.

Tumingala ako at tiningnan ang lalaking nadamay pa. Nanghahamon ang mga mata niya. Ngumiti ako ng ubod ng ganda.

" Ah, sir. Boyfriend ko po siya. Inaantay ko lang po siya. Kase, uuwi na din po kami. " Binalingan ko ulit ang lalaki.

Nagulat siya sa sinabi ko ngunit kalaunan ay ngumisi. Halos mapasigaw ako nang hapitin niya ang baywang ko.

Tumingin siya sa barangay tanod." Yes boss. Pauwi na din kami. Ang kulit kase nitong girlfriend ko, sumunod pa sakin.  Pasensya na po."

Tumango ang kausap. Tila naniwala. " Sige, sa susunod wag na kayong magpapagabi. Baka damputin ko na kayo. " Aniya bago tumalikod samin.

Nakahinga ako ng maluwag nang mawala si Manong. Agad akong bumitaw sa lalaki at akma na sanang maglalakad ngunit mabilis niya akong napigilan.

" And where do you think you're going? Hmm?"

Napalunok ako. " U-Uuwi na."

Ngumuso siya. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Tae!

" Hmm, hindi pwede. " Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ako salungat sa direksyon ng pauwi samin.

" Teka! Uuwi na ako! "  Todo pagpupumiglas ko.

" Oo nga. Uuwi ka na."

" Hindi ito ang pauwi samin!"

Nilingon niya ako saka siya ngumisi. " Uuwi na tayo samin. Ipapakilala kita kay mama. You're my girlfriend right?" Saka niya ako hinila. Nanatili akong tulala. Nilingon niya ulit ako. Humalakhak siya. " Let's go, babe! "

P-Paanong nagkajowa ako dahil lang sa curfew?! AaaaaAaah!

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon