Nahuli ako, talo ako.

41 3 1
                                    

" Mahuli..Taya!" Malakas na sigaw niya at sinimulan na kaming habulin.

Natawa ako dahil sa sipon na kumalat sa mukha ng kalaro namin. Napabagal ang takbo ko dahil sa katatawa.

" Oh taya!" Sigaw ni Kai sabay ng pagtulak sa'kin. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil hindi ko inaasahan 'yon.

" Aray! Ang sakit ah!" Reklamo ko. Natigil ang lahat sa pagtakbo. Mayabang siyang tumingin sa'kin.

" Taya ka na."

" Kailangan itulak?"

" Oo, para maramdaman mo." Kibit-balikat niya.

Tinarayan ko siya nang matindi. Kitang-kita ko ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi. Tumaas ang kilay niya.

" Nahuli ka..talo ka na.."

Tanda ko pa 'yong sinabi niya sa'kin hanggang ngayon. Hindi ko akalaing ang kalaro ko noon ay magiging isang magandang bahagi ng buhay ko.

" What are you doing here?" Isang braso ang pumulupot sa baywang ko.

Nilingon ko siya. Sumandal ako ng bahagya at hinayaan ang kamay niya roon.

" Nagpahangin lang.." bulong ko. Humigpit pa ang yakap niya sa'kin. Hinaplos ko ang braso niya. Huminga ako ng malalim. Gusto ko ng sabihin sa kaniya. " Mahal?"

" Hmm?" Siniksik niya ang ulo sa may leeg ko.

" Natandaan mo ba 'yong offer sa'kin?" May pag-iingat sa boses ko.

Nag-angat siya ng tingin. " Yeah. What about it?"

Lumunok ako. " Mahal.."

" Yeah? Say it, anong mayroon?"

" I accepted it."

Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-alis ng kamay niya sa baywang ko. Nakagat ko ang labi ko at nilingon siya. Mariin siyang nakatingin sa'kin.

" Mahal.." marahang tawag ko.

Bumuntong hininga siya. " Nag-usap na tayo tungkol diyan, hindi ba?"

" Oo. Pero sayang naman.."

" Kylie, alam mong ayaw ko." Matigas na aniya.

" Paano naman 'yung gusto ko?" Umiwas siya ng tingin sa'kin. " Paano naman ang mga pangarap ko, Kai?"

Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. " Puwede mo naman 'yung tuparin dito diba? Nang hindi umaalis ng bansa. Nang hindi tayo magkakahiwalay."

Humakbang ako palapit sa kaniya. "Hindi naman tayo maghihiwalay e."

Hindi siya nagsalita at tumalikod sa'kin. Nasapo niya ang noo niya.

"Araw-araw kitang tatawagan, gaya ng dati. Wala namang magbabago, Kai." Nagpapaintinding sabi ko. " Malalayo lang ako, pero tayo pa rin naman e. Kakayanin naman natin diba?"

Lumingon siya sa'kin. Nagulat ako nang makitang namumula ang kaniyang mga mata.

" I don't think so, Kylie. "Nagkibit-balikat siya. " But fine, if that's what you want. Go and reach your dreams. " Huminga siya ng malalim. Napayuko ako. " I..I will support you." Mabilis ang pag-angat ko, nagtama ang paningin namin. Ngumiti siya at lumapit sa'kin.

Ngumiti rin ako at sinalubong siya. Mahigpit niya akong niyakap. " Akala ko...hihiwalayan mo ako.." umiiyak, nakangusong sabi ko.

Mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin. Hinaplos ang buhok ko. "No, I will never do that. Magagalit lang ako, pero hindi tayo maghihiwalay.."

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon