Post

27 2 0
                                    

Abala ako sa pagtitingin- tingin ng mga posts sa wall ko. Napatigil ako sandali ng makita ang post ng Ex ko.

Defhota Castro updated his status.

Kung mahal mo ang isang babae, hindi mo siya lolokohin at ipagpapalit😍

5 minutes ago.

Napaismid ako sabay ng pag iling. Ang lakas ng loob mag post ng ganyan? Eww, nakakasuka men!

Namangha ako sa dami ng nagreact! Grabe! Ang daming nauto ng gago'ng to?

Tiningnan ko din ang mga nag comment at mapapamura ka na lang sa dami nito? Walanjo?

" Psh, hangang hanga kayo diyan? E manloloko naman yan!" Gigil kong saad habang nakatutok ang mga mata sa screen ng cellphone.

Napangisi ako ng makaisip ng kalokohan. Mabilis akong nagpupumindot.

Joy Kim.

Sus. Daming pauso.

Natawa ako sa nicomment ko. Mabilis namang tumunog ang cellphone ko, senyales na may notif.

Defhota Castro replied to your comment on his post.

Defhota Castro

Why? Totoo naman diba?

Natawa ako. " Ang kapal ng mukha!" Inis kong sigaw.

Hanggang ngayon ay gigil na gigil pa din ako sa kanya. Ang kapal kapal niya! Ginawa niya lang akong panakip butas. Nang dumating ang Ex niya'ng mahal na mahal niya ay saka niya ako hiniwalayan. May pasabi sabi pa siyang. " I'm sorry, na fall out  ako." Tandang tanda ko pa ang huling sinabi niya sakin.

And after niyan? Wala na! As in! Di na nagparamdam ang ulol! Ang kapal diba?

Joy Kim.

Seriously? Sayo? Totoo?.

Mabilis siyang nagreply.

Defhota Castro.

Oh? Galit ka na niyan?

Oo! Tangna mo ka! Galit na galit ako sayoooo!

Joy Kim.

Hindi naman😊hehe. Stay strong sa inyo ah. Alagaan mo ang buhok ng girlfriend mo.

Alagaan mo talaga dahil pag nakita ko kayong magkasama, kakalbuhin ko siyaaa! Charing.

Defhota Castro.

Hahaha, of course. Kahit di mo sabihin, aalagaan ko siya❤️

Na hurt naman ako ng very light!

Joy Kim.

Wag mo siyang sasaktan at lolokohin.

Ang galing ko ng magsinungaling no? Hohoho!

Natatawa ako dahil sa comment box pa talaga kami nag uusap. Edi wow, para makita ng girlfriend niya.

Defhota Castro.

Yup. I wont do that to her😍

Napaikot ako ng mga mata. Kumirot din ang puso ko ng very light. Psh!

Joy Kim.

Bakit ginawa mo yan sakin?

Defhota Castro.

Huh?

Tangna! Nabingi ba mata neto?

Joy Kim.

Bakit mo ako niloko at ipinagpalit?

Wala ng atrasan to, par! Nasabi ko naaaaaa! Tangna! Ang tapang ko!

Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng reply niya. Tumunog ang cellphone ko.

Defhota Castro replied to your comment on his post.

Pinindot ko ito at dahan dahang tiningnan.

Defhota Castro.

Sorry, hindi kase kita minahal.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napamaang ako sabay ng pagkirot ng puso ko. Pinigilan kong wag umiyak dahil sayang ang luha ko. Saka na ako iiyak, sa burol niya.

Inis kong tinapon ang cellphone.

" Tangna mo ka talaga! Castro! Alam mo? Bagay talaga sayo ang pangalan mo e, Defhota ka! Oo! Defhota kaaaaa!" Gigil kong sigaw sa loob ng C.R.

By the way, tumatae pala ako. Hehe.

Aimeesshh25 💜

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon