Lagi kaming nagkakasagutan. Palagi, hanggang sa marindi na lang ako at iwanan siya. Sa tuwing umuuwi ako galing school, hindi ko siya binabati o kinukumusta man lang. Ako yung taong masaya at may pagkabaliw sa school pero tahimik sa bahay. Dahil wala naman akong makakahuntaan.Sa kada sagutan namin lagi kong nasasabi na, ' napakawala niyang kwentang ama? na bakit siya pa ang naging ama ko? Bakit di na lang kami tulad ng dati? Bakit di na lang kami masaya?' palagi. Hanggang sa iiyak ako kapag narerealized kong sobra naman yata ang mga nasabi ko. Sobra naman yata ako, bilang anak niya.
Hanggang one time tinanong niya ako. " Nak, wala ba talaga akong kwentang ama?"
Natahimik ako nun sa planong pagsasalita ng masasakit sa kanya. Natigilan ako, sumakit ang puso ko sa itinanong niya. Dahil hindi ko alam ang sasabihin, tinalikuran ko siya at pumasok sa kwarto. Hindi ko na naman siya pinansin. At hinayaan na lang.
Hanggang sa isang Gabi. Pumunta akong kusina para uminom ng tubig. Nadaanan ko siya na nakaupo, at nanonood ng TV. Nakangiti siya habang nakatingin doon. Pinagmasdan ko siya. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hanggang sa nagulat ako ng tumulo ang luha niya, tiningnan ko ang pinapanood niya. Tungkol iyon sa isang batang umiiyak habang nagpapasalamat sa kanyang ama, sa pagmamahal nito. Nadurog ang puso ko habang pinapanood siyang tumutulo ang luha. Saka ko lang napansin ang ipinayat niya, lalong kumulubot ang balat niya, dumadami na din ang puting buhok niya. At hindi ko napapansin na, sobra sobra ko siyang nasasaktan.
Iniisip ko lang ang nararamdaman ko. Iniisip ko lang ang paghihirap ko. Iniisip ko lang ang lahat ng sinakripisyo ko para maging ayos ulit ang pamilya namin. Ni hindi ko man lang naisip yung nararamdaman niya, yung paghihirap niya, yung sakripisyo niya.
Habang pinagmamasdan ko siya, Lalo akong naliwanagan..na ako pala yung walang kwenta, na ako pala ang may kasalanan.
Tumulo ang luha ko sa naunawaan.
" I'm sorry pa. I'm sorry po. Hindi ako naging mabuting anak. Sa ibang tao ang bait bait ko, pero bakit sa inyo..hindi ko iyon nagawa? Pa, I'm sorry." Sambit ko habang nakatingin sa kanya.
Humagulhol ako sa kaiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakasama ko.
" Patawarin mo po ako. Mahal ko po kayo.." bulong ko. Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa luha.
" Hindi po totoong wala kayong kwenta, dahil ako po iyon. I'm sorry papa." Sambit ko habang nakatingin sa pangalan niyang nakalagay sa lupa kung saan siya nakalibing.
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙