Ah, wawa.

26 0 0
                                    

" We're here!" Anunsyo nina Mommy na kakapasok lamang. Mabilis na tumakbo ang kapatid ko at lumapit sa kanila.

"Yey! Mommy! Where's my barbie?" Nakalahad agad ang kaniyang kyut na kamay.

Tumawa si Mommy at lumuhod. "Baby, marami ka pa namang barbie dyan. "

Ngumuso siya at bumaling kay Daddy. " Dy?" Inilahad niya uli ang kamay.

"Baby, hindi ka muna namin nabilhan. Mommy is right, madami ka pang laruan dyan"

Lalong ngumuso ang kapatid ko. Kaya humalakhak na ako. Napatingin siya sakin saka ako inirapan. Whoah?

" Why are glaring at me huh?" Natatawang tanong ko.

"And you! Why are laughing at me?"

Tumaas ang kilay ko. Galing talaga ng bata to. " Hmm. Natawa lang, masama?"

She crossed her arms. Lalo akong nangiti. Kala mo naman dalaga na.

" Stop doing that!" Aniya.

Tumayo at naglakad palapit sa kanya. " Pano pag ayaw ko?" Sarap talagang asarin nitong kapatid ko.
" Wawa naman, walang barbie" pang aasar ko pa.

Namula ang mga pisngi niya sa inis sakin. " Mommy!!!" Sigaw niya.

Lalo akong tumawa. Lumabas si My at takang tiningnan kaming dalawa.

" Yes baby? What is it?"

Tinuro ako ni Kendra. " Si kuya! He's so annoying!"

" Kenneth. " Tawag ni My sakin.

" What?" Natatawang tanong ko.

Tinarayan ako ni Kendra. Pabiro ko siyang tinuro. " Oh? My, tinarayan  ako o, Hala, hala!"

Ngumuso siya. " Inaasar mo ako!"

" Tunay naman. Walang barbie. Dami dami pa kasing laruan diyan, pabili ng pabili. Wawa, walang barbie" pang aasar ko. HAHAHAHAH!

" Kenneth, stop it!" Natatawang saway sakin ni Mommy. 

Nilingon ni Kendra si Mommy. Napatigil tuloy siya sa pagtawa. Lalo akong natawa nang makita ang pangingilid ng kaniyang luha.

" At least ako, barbie lang. Ah walang jowa. Dami dami kasing babae, hayan iniwan ni ate. Wawa naman, walang jowa" aniya at maarte akong tinalikuran.

Namilog ang mga mata ko. Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Narinig ko ang paghalakhak ni Mommy.

"I told you, Ken. Iba mang asar ang kapatid mo. " Aniya at tinapik ako sa balikat.

Unti unti akong napaupo. At naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha ko.

Sht! Napaiyak ako ng kapatid ko.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon