Ate

19 2 0
                                    

Naalala ko ang sinabi ng ate ko.
Hawak niya ang tuhod ko habang hinihipan ito.

" Aly, sa susunod sasabihin mo sakin ang mga nang aaway sayo ah."

Tumango ako, ni hindi makapagsalita dahil sa patuloy na paghikbi.

Tiningnan ako ni ate sa mga mata.
" Gagawin lahat ni ate, para di ka makitang umiiyak. Nasasaktan ang ate eh." Saka siya ngumiti. Inayos niya ang buhok ko. " Ganda ng Aly ko.."

Best friend ko ang ate ko. Kung papipiliin pa nga ako, kung sinong gusto kong kasama. Tiyak na, ang ate ko ang pipiliin ko. Ganun ko siya kamahal.

"Anak.." napatingin ako sa tumawag sakin.

I smiled. " Ma.." lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hindi ko alam kung bakit, mas mahal ko si ate kaysa sa kaniya. "Bakit po?"

" Are you okay?" Natigilan ako sa tinanong niya. Kitang kita ko ang pag aalala niya kaya iniwas ko ang mga mata ko at tumawa.

" Opo naman! Yes!" Masigla kunong ani ko.

Bumuntong hininga siya at hinaplos ang likod ko. " Hanap ka niya..."

Nagulat man ay di ko pinahalata. Masaya akong tumango at sumenyas na mauuna na.

Inayos ko ang sarili. Pinanatili ko ang nakangiti kong mukha, huminga ng malalim bago pumasok kung nasaan siya.

Ngumiti agad siya sakin nang magtama ang paningin namin. Halatang hinihintay ako.

" Hanap mo daw ako?" Masiglang tanong ko at lumapit sa kaniya. Tumango naman siya sakin. Hinila ko ang upuan palapit sa kaniya at doon umupo.

"S-San si ma..ma?" Tanong niya.

" Asa labas. May kailangan ka ba?"

Umiling siya at pinagkatitigan lang ako. "A-Ang laki mo na.." saka siya mahinhin na tumawa.

Pinilit ko ring tumawa. " Ano? Ganda ko no?" Pagyayabang ko.

Nakangiti siyang tumango. " G-Ganda ng Aly ko.."

Natigilan ako. Namasa ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

" Syempre, m-mana sayo e."

Kahit hirap na hirap ay pinilit niyang ngumiti. Inaabot niya ang mukha ko kaya ako na mismo ang lumapit. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay sa pisngi ko.

"M-Magbabait ka ah..wag matigas ang ulo kina mama at papa. A-Alagaan mo sila.." sumimangot ako.

"A-Aalagaan natin sila. Anong ako lang? Madaya." Pagbibiro ko.

Tipid siyang ngumiti. " Mahal na m-mahal ka ng ate, A-Aly. T-tandaan mo yan. " Saka niya hinaplos ang pisngi ko.

Hindi ko na napigilan. Sunod sunod ang pagtulo ng mainit na luha ko. Tila ba, ngayon lang sila nakawala. Humagulhol na ako. Bakit ganito kasakit?

Ngumuso si ate. " T-Tahan na.." ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

" Tayong dalawa ang mag aalaga sa kanila. Magpahinga ka na. Kailangan mong gumaling. Gagaling ka, Ate ko." Tumango lang siya at pinikit na ang mga mata.

Kung sana, alam ko na iyon na ang huling araw niya sa mundong ito. Sana nanatili ako sa tabi niya.

Noong gabing iyon, binawian siya ng buhay. Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko maipaliwanag, parang pinagpipiraso ang puso ko.

Nilapag ko ang bitbit na bulaklak sa kaniyang puntod saka ngumiti.

"Hi! Kumusta ka na? " Tumawa ako. " Ang daya mo. Dapat kase, sinabi mo agad samin yang sakit mo." Huminga ako ng malalim. "E-Edi sana naagapan pa. Nakakainis ka, alam mo ba yun?"

Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko kaagad ito.

" Akala ko ba, lahat gagawin mo. Wag mo lang akong makitang umiiyak? Ito oh, umiiyak ako.." at bumuhos ang luha ko.

"Miss na miss na kita..." Tiningnan ko ang pangalan niya. " Miss ka na ni Aly, M-Mama."

Sabay ng pagkawala niya, nalaman kong siya pala ang tunay kong ina.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon