SIYA.

53 2 0
                                    

Naalala ko nung ako'y high school student. Uso doon, ang salitang crush. Natatawa nga ako pag naiisip ko yun. Hindi ko akalaing magiging isa ako sa tinatawag na campus heartthrob ng aming paaralan. Syempre, nakakasawa. Ang daming mangungulit, daming papansin, at syempre may naiinggit. At sa tuwing naiisip ko yun, isa lang ang pumapasok sakin, walang iba kundi siya.

Madami akong mga taga hanga, pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Siya.

Nakilala ko lang siya dahil isa siya sa mga naglalagay ng mga love letters saking locker. Naiinis ako sa tuwing bubuksan ko ito, ay nakatambak ang mga sulat na wala namang kwentang basahin.

Napapansin ko din ang pangalan niya sa linya ng mga mensahe sa aking social media. Walang mintis. Araw araw, sa kada bukas ko nangunguna ang pangalan niya. Hindi ko naman ito binabasa dahil Ewan ko, naiinis lang ako. Sa tuwing magpapalit ako ng profile sa aking mga account, ay katakot takot ang ginagawa niyang pag comment sa mga iyon. Minsan pa nga akong kinilabutan sa aking nabasa.

" Eeeeh, ang sipag naman..naghahanda ka na ba sa ating future?"  

Napakunot ako ng noo nang mabasa ko yan..hindi ko alam pero nireplyan ko siya.

" Yeah, naghahanda ako sa future namin."

Tanda ko pa nga ang nireply niya. Talaga namang natawa ako ng husto.

" Whaaaat? Sino? Sino yang babaeng yan? Akin ka lang, Kiel!"

Hindi ko na siya nireplyan. Natatawa lang ako at the same time, nakakaubos ng oras.

Ganun pa rin ang nangyari. Ilang buwan na ang lumipas at hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit at pagchachat sakin. Ni hindi ko nga binabasa ang mga iyon. Nagtataka din ako kung bakit hindi siya nagpapakita sakin. Hindi ko siya nakikita sa school.

Hanggang isang araw,  labasan namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko. At nagulat ako ng may isang tao ang tumama sa bandang dibdib ko. May tumulak sa kaniya.

" Aray ko naman! Nakakainis tong mga to!" Inis na sigaw niya.

Naghagikgikan ang mga kaibigan niya at nginuso ako ng isa. Dahan dahan siyang napatingin sakin at nanlaki ang mga mata.

" Oh my gosh..hindi. Si Kiel? ..n-nasa harap ko?" Utal utal na sambit niya.

Kumunot ang noo ko noon, nagtataka sa kaniyang ikinikilos. Nagkantiyawan ang mga kaibigan ko at may sumigaw pang ' Hindi na single si Kiel!'

" What do you want?" Takang tanong ko sa kaniya dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Nakanganga pa rin siya habang mangha mangha sa aking gwapong mukha. Kinulbit siya nung isa niyang kaibigan. Para naman siyang baliw na bumalik sa katinuan.

"H-Ha? A-Ano?"

Tumaas ang kilay ko. " I said, what do you want ?"

" I want you." Lutang at nakangiting sambit niya.

Nagulat ako at agad na nagsigawan ang mga kaibigan ko.

" Oooh! Ano ka?"

" Kinikilig to pre, di na nakapagsalita o?"

"Yieeee! I want you daw! hahahahah!"

Isa Isa ko silang binatukan at inismidan. Tiningnan ko ang babae kanina at namumula na ang kaniyang mukha. Hah! Sadya mahiya ka. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lamang. Ang corny niya.

Ngunit di pa ako nakakalayo nang marinig ko ang isinigaw niya.

" KIEL LATH? SNOB? ABAT, PEYMUS? "

Lumingon ako sa kaniya. Nagtataka kung bakit niya iyon isinigaw. Ngumisi siya.

" Tandaan mo to, Mr.Lath. Liligawan mo din ako!" Tinuro niya ako gamit ang kaniyang daliri. " DAHIL HINDI KITA TATANTANAN!" saka niya ako nginitian. Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang kaniyang sinabi.

AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon