LIVE LIFE.

28 0 0
                                    

Sumimsim ako sa kapeng hawak ko. Tiningnan ko ang oras. Maaga pa naman. Mukha nga yatang napaaga ako.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan na kitang kita ko dahil nakapwesto ako paharap dito.

Pumasok ang pinakagwapong lalaki na nakita ko at karga niya ang makulit na bata. Wala sa sariling napangiti ako. I missed them so much!

Nilibot niya ang tingin. Natawa pa ako nang kumunot ang noo niya, siguro ay di ako makita. Tinaas ko ang kamay ko para maagaw ang atensyon nila. Agad siyang ngumiti nang makita ako. Napapalakpak pa ang batang buhat niya.

" Hey? Kanina ka pa?" Bakas sa boses niya ang pagkagalak na makita ako. Mabilis siyang lumapit sakin at hinalikan ako. I smiled.

Umupo siya sa harap ko. Itinabi niya malapit sakin ang batang babae.  " Hmm, kani-kanina lang din. " I lied. Tumango siya at inayos ang pagkakaupo.

Hindi kami nagsalita. Nag angat ako ng tingin at bahagya ko pang nahigit ang hininga ko nang mahuling nakatitig siya sakin. Nailing siya habang natatawa.

Napatitig ako sa tawa niya. Ganun pa rin. Walang nagbago. Ganun pa rin ang epekto niya sakin.

Binaling ko ang tingin ko sa bata. " Hey baby? How are you?"

Nahihiya itong ngumiti. " I-Im f-fine." Mahinang aniya.

Kinurot ko ang pisngi niya. Natawa naman ito at bumaling sa papa niya.

" Kumusta?"

Nag angat ako ng tingin. Mataman siyang nakatingin sakin na para bang bawal ako magsinungaling.

I cleared my throat. " G-Good. I'm good. " Bahagya pa akong namiyok.

Nag iwas siya ng tingin at sandaling huminga ng malalim." I missed you..." He whispered.

Hindi ko na napigilan. Sumakit ang lalamunan ko. Kinailangan ko pang yumuko para di niya makita ang pangingilid ng luha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. " I want you to be happy. Let's forget what happened between us."

Mabilis akong nag angat ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na hanggang ngayon siya pa rin. Na hanggang ngayon, hindi nagbago.

" I want you to live your life, Hannah. " I closed my eyes when he called my name. " I'm sorry for everything. I'm really sorry..." He whispered.

Tumulo ang luha ko. Sunod sunod ito, hindi na siguro kinaya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakatingin din sakin pati ang bata. Humikbi ito.

" T-Tita...why are you crying?" Then reality hits me.

Napatingin ako sa lalaking minahal ko five years ago. Until now, walang nagbago. Siya pa rin. At sobra akong nasasaktan.

Tumango ako. Hinarap ko siya. Malungkot ang kaniyang mga mata. Tinapik tapik ko ang kamay niya.

" Napatawad na kita. " Bulong ko. Nakatingin lang siya sakin. " Its really hard, but I will live my life starting today."

Tumingin siya sakin at ngumiti." Be happy, Hannah. "

Ngumiti din ako. " Yes, k-kuya...."

Napatingin ako sa bata. Ito ang naging bunga ng pagtataksil nila sakin. At ang pinakamasakit. Sa ate ko pa. 






AIMEESSHH'S One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon