Patakbo siyang lumapit sa akin matapos nilang manalo sa laro. Agad akong tumayo at inabangan ang paglapit niya.
"Panalo kami!!" Nagsisigaw siya malayo pa lamang.
Tumawa ako, akala mo naman hindi ko alam. Bitbit ko sa kabilang kamay ang bimpo at sa kabila naman ang bote ng tubig.
"Congrats!" Sambit ko nang makalapit siya at walang kaabog-abog na yumakap sa akin. Tumawa ako at tinulak ko siya palayo. "Ba 'yan! Lex! Ang pawis mo!"
Narinig ko ang pagtawa niya at kumalas ng yakap sa akin. "Ang arte."
Umirap ako. "Niyakap mo agad ako e tagaktak ang pawis mo! So gross!"
Pabiro siyang nagulat. "Wow! Mabango ako 'no!"
Hindi ko na siya pinansin at inabot na lamang ang mga hawak. Ngumiti siya ng malaki at tinanggap 'yon.
"Sweet talaga." Aniya at uminom sa hawak na bote. " Kain tayo sa labas mamaya! Libre ko!"
"Aba, buti naman."
Tumawa siya at inabot ang towel sa akin. Napanguso ako at walang nagawa kundi ang punasan ang likod niya dahil tumalikod na siya.
"Teka." Nangunot ang noo ko nang maramdaman ang pagkakatigil niya.
Sinilip ko siya. "Bakit?"
"T-Teka. Tama na." Mabilis siyang umayos ng tayo at humarap sa akin. "Ayos lang ba ang itsura ko?"
"Ha? Ang weird mo."
"Sige na, San. Amuyin mo nga ako!"
Nagulat ako nang ilapit niya ang katawan sa akin. Pinilit kong kumalma at kunyare na inamoy siya.
"Ano? Mabango pa?" Lumayo siya sa akin at ramdam ko talaga ang pagkakataranta niya.
"Oo! Bakit ba?" Iritado kong tiningnan ang likuran niya at napairap na lamang.
Kaya pala nagkakaganiyan na naman siya.
"Hi!" Ngumiti si Sela nang makalapit sa amin.
Nasa likuran niya ang dalawang kaibigan na parehas siyang inaasar. Namumulang tumingin si Sela sa akin bago sa kasama ko.
"Uh.. congrats!" Aniya.
Hindi nakapagsalita si Lex sa sobrang gulat na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang ultimate crush!
Nyenye! Di wow.
Umirap ako nang lumingon sa akin si Lex na parang hindi pa rin makapaniwala.
Oo par, nasa harap mo na siya.
Palihim ko siyang siniko. Napaayos siya ng tayo at nakamot ang batok.
"A-Ah.. hello!" Napapikit siya. Kitang-kita ko ang pamumula niya.
Bahagyang umalon ang dibdib ko at umiwas ng tingin.
"Thank you, Sela." Ngumiti siya ng pagkakatamis.
Nagtilian ang dalawang kasama ni Sela at pinagtutulukan siya. At syempre kunyare kuno na, na out of balance siya kaya muntik na siyang tumumba!
At dahil planado nila. Mabilis na hinawakan ni Lex ang braso niya ganoon rin ang baywang nito.
Napanguso ako sa tanawin sa harapan ko. Nagkatinginan pa ang dalawa! Kailangan kong bumwelta.
Itinayo ko si Sela at iniayos ng tayo. Napabitaw si Lex at nakamot na naman ang batok. Ngumiti naman si Sela at nahihiyang tumingin sa akin.
"Ingat ka." Seryosong sabi ko. Nilingon ko ang dalawang babae sa likuran niya. "Huwag masyadong maharot baka matulak niyo 'to at gumulong paibaba."
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙