Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Tahimik naming binabaybay ang daan. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Basta ba kasama ko siya, hindi ako mangangamba.
Napatingin ako sa kaniya, nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
" Hindi ako magsasawang hawakan ito. " Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak.
Nangiti ako. " Ako rin. "
Umihip ang malamig na hangin. Sumiksik ako sa kaniya. Tumingin siya sakin at saka tumawa.
" Halika nga. " Niyakap niya ako habang naglalakad.
Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking puno. Umupo kami sa kahoy na upuan. Tanging ang ilaw lang sa daan ang nagsisilbi naming liwanag.
Nag angat ako ng tingin sa kaniya.
" Bakit tayo nandito?"Diretsyo ang tingin niya sa puno. " Love. Mangako ka. "
Kumunot ang noo ko. " Mangako, saan?"
Nilingon niya ako. Tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko. Inabot niya ang kamay ko saka ngumiti. " Ipagpapatuloy mo pa rin ang buhay mo. Please, wag kang iiyak. Mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko. Hindi magbabago yun.."
Tumulo ang luha niya. Naguluhan ako. Hinawi niya ang buhok na humara sa pisngi ko. Pinagdikit niya ang aming mga noo.
" Mangako ka, love. P-Please."
Umiling ako. " H-Hindi kita maintindihan.."
" Just promise me. Okay na ako dun. Hindi kita maiwan. Co'z i know you're not okay. Mangako ka lang." Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. Nanginig ang mga kamay niya.
Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ba't nasasaktan ako.
"Pangako, Von. P-Pangako."Pumikit ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
" Mahal kita.."
Nagmulat ako ng mga mata. Inikot ko ang paningin ko. Mag isa lang ako. Sari saring mga nakaputi ang nakikita ko. Agad na nag iyakan ang mga nasa paligid ko. Hindi ako makagalaw.
" A-Anak?" Tumingin ako sa kaniya.
Tumulo ang luha niya. " G-Gising ka na."Pinikit ko nang sandali ang aking mga mata. At inalala ang lalaki sa panaginip ko. Hindi ko alam, bat kumikirot ang puso ko.
Mabilis akong napamulat nang unti unti kong maalala ang lahat. Tumingin ako sa babae.
Dahan dahan kong binuka ang aking mga labi. "V-Von.."
Nang marinig niya ang sinabi ko at agad siyang natigilan. Madami na din ang tumabi sa kaniya. Ibat ibang mukha na di ko maalala.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "A-Anak.."
" M-Ma, si V-Von?"
Nanatili ang tingin niya sakin. Sunod sunod ang pagtulo ng luha. Saka siya umiling.
Nawalan ako ng lakas. Nabitawan ko ang kamay niya. Umiling ako ng umiling, hirap isigaw ang nais sabihin..
" Hindi siya nakaligtas, a-anak."
At sa sinabing iyon ng aking ina, tila gusto ko na lang mawala. Gusto ko na lang sumunod sa kaniya. Hindi ko kaya nang wala siya.
At ngayon, naiintindihan ko na ang sinabi niya sakin kanina.
BINABASA MO ANG
AIMEESSHH'S One shot Stories
Teen FictionThis is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical errors. -Aimeesshh25🌙