MFIAM CHAPTER 1

4.5K 154 9
                                    

Zayden's point of view

Inis akong pumasok ng comfort room. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at dali-daling naghilamos.

What the hell did she do that? Paano niya nagagawang magsalita ng gano'n sa harap ng isang lalaki? I think she's crazy.

Pipihit na sana ako patalikod ngunit nagulat ako dahil nakita ko ang pagpasok ng isang babae sa male comfort room. Agad akong lumingon sa kanya.

What the fuck? Sinundan ako ng babaeng ito sa comfort room ng mga lalaki. Wala talagang modo!

"Why are you here, Quinn?" galit kong tanong.

"Tsk, bawal ba? Baby?"

"Umalis ka rito," may awtoridad kong utos, pero hindi pa rin siya natinag.

"Ang comfort room ay para sa lahat, Zayden," iritado niyang saad.

Loko ba siya? Comfort room ng mga lalaki 'to!

"Ano ka ba? Ang comfort room na 'to ay para sa lalaki lang! Mag-isip ka nga!" sigaw ko.

Dahan-dahan ang naging pagtingin niya sa akin at ngumisi pa. Ano ba'ng nangyayari sa babaeng 'to?

"Punong-puno na sa female comfort room, and what is your problem? Ikaw lang naman ang nandito 'di ba?" mapanukso niyang tanong.

Napatingin ako sa sahig, hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niyang nang-aakit.

"So, p'wede na ba ako?" tanong pa niya.

Hindi ako nagsalita at dirediretso naman ang naging paglakad niya papunta sa sink.

"Dalian mo baka may makakita sayo," masungit kong tugon.

"Nice meeting you, my soon to be fiancé—"

"Baguhin mo ang pag-uugali mo kung gusto mong pakasalan kita."

"What? Nakakarami ka na talaga ah! Kanina ka pa!" pasigaw niyang tugon sa akin.

Ngayon ko lang napagmasdan ng maayos ang mukha niya. Maputing babae, maayos ang katawan, mahaba ang buhok at may napakagandang labi.

Tsk! Kaso manyakis, daig pa ako kung mambuso.

"Why not? Totoo naman ah," nakangisi kong tugon.

"Ganto ako at wala kang magagawa, pakisamahan mo ako at wala kang magagawa, pakasalan mo ako at wala kang magagawa, tatabi ka sa akin sa pagtulog at wala kang magagawa!" sigaw na naman niya.

What the fuck are you saying?

"P'wede ba, hinaan mo ang boses mo! Baka may makarinig."

Napansin ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Ako naman ay paatras nang paatras. Ano ba'ng ginagawa niya? Kinabahan ako sa naging paggalaw niya. Halos magkadikit na kaming dalawa dahil sa wala na akong maatrasan.

Parang natatapakan ang pagkalalaki ko sa mga inaasta niya.

Pinilit kong magsalita kahit nanginginig na ang buong katawan ko. Ang ayoko sa lahat ay nilalapitan ako nang ganito kalapit ng mga babae.

"I really like your appearance, Zayden. It makes me feel we—"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bigla kong idinampi ang labi ko sa labi niya. Nadama ko ang lambot ng kanyang labi. Hindi madiin ang pagkakahalik ko, isang dampi lang iyon.

Gulat siyang tumingin sa akin. Nilabanan ko naman ang mga titig niya.

"Look, Quinn, ayoko ng ikinikilos mo sa harapan ko," seryoso kong tugon.

Gulat na gulat pa rin siya. Ano ba'ng bago sa kanya? Sa sobrang kamanyakan nito hindi pa ba siya nahahalikan?

"God! That was my first kiss," mahina ang boses niyang sambit.

What? That was her first kiss? Ginagago ba niya ako?

"You took my first kiss!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

"And what's the problem with that?" iritado kong tanong.

"You took it, without asking my permission? Are you insane?"

Hindi ako ang baliw kung 'di siya!

"Tsk! Ginusto mo naman."

"Pero dapat nagpaalam ka!" nahihiya niyang sigaw.

Natawa ako sa inasta niya at sa pinapakita niyang reaksyon ngayon. Halik lang pala ang katapat!

"Bakit ako magpapaalam! Sa pagkamanyak mong 'yan hindi na big deal 'yon," natatawa kong saad.

Pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil baka kapag tumawa ako sa harap niya ay masampal niya ako.

"Big deal 'yon! Big deal! Kahit ganito ako ay karapatan ko pa rin magkaroon ng romantic na first kiss! Tanga ka ba? Nasa Cr tayo!" sigaw niya.

Nagpaikot-ikot siya sa comfort room na parang baliw.

Ako pa talaga ang tanga. Kasalanan ko ba na dikit siya nang dikit at kung ano-anong sinasabi?

"Hey! Stop!" utos ko dahil hilong hilo na ako sa paikot ikot niya. "Hey, Quinn. Stop!"

Sa pagkakataong iyon ay hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat at pinaharap sa akin.

Gulat ang naging reaksyon niya. Seryoso naman ang naging pagtitig ko sa mga mata niya.

Kaylangan ko nang sabihin ang huling linya ko bago ko siya iwan dito. Trip lang para naman makadagdag angas.

"Kung manyak ka ay ma—"

TSUP!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may nagkakarerahan sa loob ng katawan ko. Nanlambot ang tuhod ko at parang tumiklop ang pagkalalaki ko. Nakakagago ang pakiramdam.

Hinalikan niya ako bigla, isang dampi lang din 'yon pero ang lakas ng epekto sa akin. Pagkahiwalay ng labi namin ay nakangisi siyang tumingin sa akin.

Bwisit!

"Gulat ka? H'wag mo na ituloy ang sasabihin mo, dahil wala akong pakialam do'n." Napalunok pa muna siya. "Bye, honey. . . ." bulong niya sa tenga ko.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan at iniwan niya akong tulala.

Ano ka ngayon, Zayden? Ikaw pa ata ang nabiktima.

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon