MFIAM CHAPTER 31

1.2K 47 0
                                    

Zayden's point of view

Nasasaktan ako! Nasasaktan ako Quinn. Bakit mo ginawa 'to? Talaga bang hindi ka pa handa? O may dahilan ka talaga? Akala ko mahal mo ako. Kaylan lang ay napag-usapan pa natin ang tungkol sa pagbuo ng pamilya at nakikita ko ang kasiyahan sa 'yo noon. Pero bakit ngayon?

Nanatili akong nakaupo sa sahig. Gustong-gusto nang lumapit sa akin ng mga kaibigan ko pero pinigilan ko sila. Hindi ko kaylangan ng awa nila ngayon. Ang awa lang ni Quinn ang kaylangan ko.

"Bakit?" pabulong kong tanong.

Hindi mapigil ang luhang dumadaloy sa pisngi ko parang walang katapusan. Ayaw huminto at walang makapagpapahinto maliban kay Quinn.

Balikan mo ako, nagmamakaawa ako.

Nakakagago rin! Ngayong nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay saka pa nawala sa akin nang biglaan.

"Hyro!" wala sa sariling pagtawag sa kaibigan ko.

Nag-aalinlangan pa siyang tumungo sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Hindi ako sumagot sa kanya. Napakaobvious ng tanong niya. Hindi ako maayos ngayon.

"Pauwiin mo na silang lahat," ani ko.

Tumango lang siya saka sinunod ang sinabi ko. Pagkatapos niyang kausapin ang bawat isa ay sila na ang kusang umalis. Nadinig ko pa ang pagpapaalam nila sa akin pero hindi ko na sila nagawang kausapin pa.

Pagkatapos nilang magsialisan ay tumayo na ako.

"Zayden? Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Adrienn nang akmang aalis na ako.

"Sa bahay, nandoon pa si Quinn. Kakausapin ko siya," pilit na ngiting tugon sa kanya.

Wala na silang nagawa dahil kusa na akong umalis sa lugar na iyon. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko pauwi.

Nagmamakaawa ako Quinn h'wag na h'wag mo akong iiwan.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarating na ako sa bahay. Mabilis akong bumaba ng kotse at nagtungo agad sa loob ng bahay. Pagkapasok ay iginala ko ang aking paningin nagbabakasakaling makita si Quinn. Pero bigo ako, nilibot ko na ang buong bahay kaso wala siya. Napagpasyahan kong pumasok sa k'warto niya. Halos manghina ako nang makitang wala na ang mga gamit niya. Napakalinis ng k'warto niya. Walang anumang kalat.

Pinigilan ko ang luhang gusto na namang kumawala sa mga mata ko. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama niya.

"Tang ina Quinn! Nakakagago lang talaga!" sigaw ko.

Wala na ako sa sarili ko. Parang gusto ko na lang mamatay ngayon. Kung p'wede lang sana.

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa at agad na tinawagan siya. Kaso walang sumasagot at mukhang nakapatay ang phone niya. Iniiwasan niya talaga ko at hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa.

"QUINN!!"

Hindi ko na 'to kaya. Kaylangan kitang makita ngayon mismo.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng bahay. Nagmaneho ako papunta sa bahay nila. Maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa kanila. Nakapatay na ang mga ilaw sa buong bahay. Agresibo kong kinatok ang gate nila. Wala na akong pakialam kung kabastusan ang ginagawa ko.

"QUINN! LUMABAS KA D'YAN KAUSAPIN MO AKO!" malakas na sigaw ko. "QUINN!! BAKIT MO AKO GINAGANITO? MAY NAGAWA BA AKONG MASAMA SA 'YO? SABIHIN MO SA 'KIN!"

"QUINN!!!!"

Unti-unting dumaloy ang luha sa aking pisngi hindi ko na iyon napigilan. Pinapatay niya ako ngayon, sinasaktan niya ako masyado. Kung nasaktan ko man siya dati ay hindi ko sinasadya 'yon. Kaya sana naman h'wag siyang gumanti ng ganito.

Napakamakasarili mo Quinn, hindi mo ba ako inisip?

Halos humagulgol na ako sa kaiiyak. Hindi na nauubos ang luhang kumakawala sa namumula kong mga mata. Siya lang ang tanging iniisip ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam sa sarili ko.

Kung para sa 'yo Quinn, kahit wala akong itira para sa sarili ko ay ayos lang. Ganoon kita kamahal hindi ako magsasawang mahalin ka. Hindi ako magsasawang maghintay sa 'yo. Kahit iwasan mo pa ako nang iwasan.

"N-nagmamakaawa ako bumalik ka na," umiiyak na usal.

•••

Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas. Sigaw lang ako nang sigaw. Pero parang walang nakaririnig sa akin.

RINGGGGGGGG

Walang emosyon kong sinagot ang tawag.

"Anak? Umuwi ka na rito sa bahay mo ngayon din. Nandito kami," nag-aalalang utos sa akin ni mom.

"Hihintayin ko si Quinn dito," pagmamatigas ko.

Hihintayin ko siya rito kahit ano'ng mangyari.

"No! Ano ba Zayden! Iayos mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa kanya!" sigaw na niya sa kabilang linya.

"Maayos ako ngayon mom! Maayos ang lahat. Inayos ko ang lahat!! Hindi ako magulong tao. Pinaghahandaan ko ang lahat ng ginagawa ko. Kaya kahit anong oras ay kaylangan akong harapin ni Quinn!"

"Naiintindihan kita anak. Pero please lang, umuwi ka na muna. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo."

Wala na akong nagawa. Sinunod ko na lamang ang sinabi ni mom. Pagkauwi ko sa bahay ay tumambad agad sa akin sina mom at dad. Nag-aalalang sinalubong ako ng yakap ni mom.

Pinaupo nila ako sa gitna nilang dalawa.

Hindi na ako lumuluha ngayon, dahil pinipigilan ko talaga ang pag-iyak. Mas kaylangan kong malaman kung bakit ako iniwan ni Quinn.

"Sinabi sa amin ng mga kaibigan mo ang lahat," nag-aalalang wika ni dad.

Hindi ko sila pinansin dahil tulala lang ako. Nakatitig lang ako sa kawalan.

Hinawakan ni mom ang kamay ko. "Anak."

"Hindi namin alam kung bakit ginawa ni Quinn iyon. Pero tandaan mo nandito lang kami para sa 'yo," pagpapahinahon sa akin ni mom.

Walang gana ko silang tinignan. Bakit nga ba ako iniwan ni Quinn? May kinalaman ba sila rito?

"Dad may kinalaman ba kayo rito?" pagtatanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa. "Wala kaming alam dito anak," diretsong sagot ni dad.

"Arranged marriage kami 'di ba? Magagawan pa ba ninyo ito ng paraan? Partner niyo ang mga magulang niya. Nagsign kayo ng contract na magpapakasal kami for the sake of the company. Pero bakit iniwan niya ako?"

Pilit na ngumiti si mom sa akin. "I know anak. I know you love each other. Sa puntong iyon ay hindi namin kayo pipigilan. Pero itong nangyaring ito ay hindi namin alam."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanila ni dad. "What? Paanong hindi niyo alam?"

"We about to tell you this anak. Kaso naunahan agad kami ng action ni Quinn. Napag-alaman namin na ang mom ni Quinn ang nagnanakaw sa company natin. Ginamit niya ang anak niya para makapagnakaw sa amin. Gawain iyon ng mom niya. Ang dad ni Quinn ay walang kaalam-alam sa pinaggagawa ng asawa niya. Maganda ang intensyon ng dad ni Quinn bilang partner natin pero ang mom niya ay may binabalak pala. Noong nalaman namin 'yon ay kinausap namin sila. Ang mom ni Quinn at dad niya. Hindi makapaniwala si Mr. Mendez sa ginawa ng asawa niya. Kaya siya na ang nagdesisyon na putulin na ang koneksyon namin sa isa't isa. Naisip ko pa ngang ipatigil ang kasal ninyo ni Quinn. Pero noong nalaman kong nagkaaminan kayong dalawa sa nararamdaman ninyo sa isa't isa ay hindi na ako nangialam. Ang nangyaring ito ngayon ay hindi ko kontrolado at hindi namin plinano," pagpapaliwanag ni dad sa akin. Tumango-tango naman si mom.

Hindi ko alam ang sasabihin ko o anuman ang dapat kong maramdaman sa sinabi ni dad. Mas naguluhan ako. Kung gayon, may kinalaman ang mom ni Quinn sa mga nangyayaring ito?

Kaylangan kong makausap si Quinn!

My Fiancée Is A Maniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon